Pang-lima

38 3 0
                                    

"Sana si Dwayne partner ko sa prom. Seloso pa naman yun" sabi ni Maple habang kumakain ng lunch. Next 2 weeks na din kasi ang prom at mamaya after lunch, mag-ppartner partner na para sa introduction na dance bago magkainan at magsayaw ng kung sino gusto isayaw.

"Sus! Liit liit mo tapos matangkad si Dwayne. By height yung pag-partner." Sabi ko kay Maple.

Ngumuso si Maple at sinabi "Bleh! 'Di mo din makaka-partner si Keane. Anliit mo tapos matangkad siya". "Pake ko? Kahit hindi pa ako um-attend ng prom eh", sagot ko kay Maple.

"Ayy! Bakit parang ang defensive mo?", sabi ni Maple habang mas lumalapit ang upo niya sa'kin.

"Sira! Baka nakakalimutan mong si Keisha fling niya ngayon?", umiwas ako ng tingin sakanya kasi alam ko na sasabihin niya.

"Ay, affected! Tingin ka nga sa'kin", sabi niya. Ang unfair kaya nun, nakakatawa mukha niya eh tapos kapag tumawa ako, aasarin niya ako at iisiping kinikilig ako.

Naligtas ako nang mag-ring na ang bell. Pumila na kami sa gym para sa first practice ng prom.

"Yes! Good Afternoon, class" masiglang sabi ni Prof. Ramos.

Hala, wait. Prof. Ramos?!

"So today, ako mag-ppartner at mag-papractice sa inyo. I'm so excited!" sabi niya habang nakahawak sa dibdib.

Siniko ako ni Maple at ngumisi, "Paktay ka na". Hinampas ko siya at napatingin sa'kin si Prof. Ramos.

"Miss Lucero, thank you for volunteering." I looked around and tinanong, "Prof? Ano po gagawin po?". He smiled at me at sinabi, "Hindi ba boring na palagi nalang by height ang pag-ppartner?".

I looked up para mag-isip at sumagot, "Depende po siguro". He put his hands together and said, "For me, it's boring. Let me pick your partners para masaya."

Hala, okay lang. Okay lang talaga. Kung siya man maging partner ko, wala namang malisya kasi magtropa lang naman kami diba? Diba fling niya ngayon si Keisha? Diba-

Naputol ang aking pag-iisip nang tinawag ni Prof. Ramos ang pangalan ko kasi maliit nga pala ako. Nasa banda harap ako ng pila.

"Ms. Aceia Lucero and..

Mr. Apollo Tomas".

Nanlaki mata ko at sumunod na lang sa tinuturong pwesto ni Prof. Ramos.

Awsh, di ko in-expect yun.

Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi hindi si Keane or mahihiya dahil si Apollo partner ko.

"Now, face your partners..." we followed every step and instruction ni Prof. Ramos. Apollo was shy at first na hawakan kamay ko.

"Why ka naman nahihiya?" I said while I was looking at him. "Magaspang kamay ko", maikling sagot niya.

"It's okay. Di naman ako maarte" he was finally comfortable at nang sasayawin na namin from the top, ngumisi si Prof. Ramos at sinabi.

"Guys! Please look at each other. This is your last year and last prom. Ma-mmiss niyo din yung mga mukha ng nasa harapan niyo so sulitin niyo na".

We did look at each other whenever the dance step was facing each other. It wasn't awkward kasi magtropa talaga kami. We laughed everytime nagkakamali pero nagawa din naman naming maayos ang sayaw.

"Ladies, next practice, bring heels para ma-practice niyo na. Everyone attend every practice ha! See you next practice" sabi ni Prof. Ramos.

"Napagod ka?", sumulpot si Keane at tumabi sakin papunta sa classroom namin. In-offer niya yung hawak niyang tubig. Kinuha ko naman yun at ininom.

Clumsy with a hint of RupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon