"Miss, pinapatawag niyo daw po ako?", tanong ko kay Ms. Quijano, our mapeh teacher. "Oh! You're finally here, Ms. Aceia Lucero", she said to me before pointing at the seat in front of her table.
"I called for you because I saw na one of the reasons you chose UST because of its spirit. Would you like to feel the tiger's spirit?" she asked with a big smile.
Mabilis kong na-gets ang sinabi niya. Nag-promise kami ni Maple sa isa't isa na in college we will still perform together. Our dream was to be part of the cheerleading squad. Willing kami na baliin buto namin, choz.
"Yes!" napatayo ako at napalakas ang boses ko kaya umupo ako ulit at sinabi, "Um.. Miss, you were pertaining to the cheerleading squad po, right?", I asked her with hopeful eyes.
"Yes, you're right but you still need to try-out. Karamihan kasi na member ng cheering squad are seniors which means next year, when they graduate, malaking bawas sa cheering squad", she explained.
"Oh, okay po. I'll tell Maple. Thank you po!", sabi ko at nang paalis na ako bigla niya ulit akong tinawag, "Oh, Ms. Lucero, wait! Let me introduce to you the captain of the cheerleading squad. Sakto!".
Wait, she's here! Si idol, oh my God!
Agad akong bumalik at nakita si Devyn Bacani. She's tall, slim, super puti, long hair and singkit.
"Dev, this is Aceia. Isa sa mga pinapa-try out ko for the squad". sabi ni Miss Quijano. "Miss, you didn't have to do that!" she said sweetly.
"Hi! Aceia, right? I'm Devyn, you can call me Dev" sabi niya while handing out her hand. Nakipagkamay ako. Grabe, nakaka-amaze yung ganda niya.
Naputol ang katahimikan nang may tumawag sa'kin sa phone. "Excuse me po, Miss and Ate Dev". "Bes, pasabi kunwari kay Miss Quijano madami ako ginagawa. Nakita ko kasi yung pinagpalit ni Dwayne, gusto ko makita kung mas-"
"Ah, Maple. Yeah, andito ako with Ate Dev and Miss Quijano." sabi ko para malaman niya na andito yung araw-araw niyang inaabangan at hinahanap sa school.
"What?! Bakit hindi mo sinabi? Otw, mas maganda naman talaga ako sa bago ni panget", sabi niya habang hinihingal, halatang tumatakbo na't nagmamadali.
Kaka-end ko palang ng call, bumukas na agad ang pinto at nakitang pawisan si Maple.
"Miss Arguelles, what a surprise! I thought you were.. busy?", sabi ni Ms. Quijano while examining Maple's sweaty at magulong buhok.
"Ah, no po. I.. ano.. went for a jog para fit. Fitness is life! Whoo!"
Pinigilan ko tawa ko't tinakpan ang bibig.
"Hi, Ate Dev! I'm Maple. Super ganda niyo po talaga sa personal", sabi ni Maple while shaking hands with Ate Dev.
In-explain ko nalang din ang sinabi ni Ms. Quijano sa'kin, hindi ko pa tinatapos, pumayag na agad si Maple.
Ito kami ngayon, nasa bahay niya. Stretching at exercise na daw kami.
"Hey! Pansin ko, wala ka masyado nakwento sa'kin about sa inyo ni Keane noon. So what was he like as a manliligaw?", she asked while putting her foot on a chair para mas ma-achieve niya yung straight na split.
"Hmm, lowkey lang. Kapag gabi, magdadala ng pagkain. Yun lang naaalala ko, hindi naman nagtagal panliligaw niya.", sagot ko sa tanong niya after doing the standing forward bend.
"Ouch! Di ka man lang finlex sa public? I mean, I'm not surprised. It's Keane, after all." sabi ni Maple.
"Aw, di ka maganda. Di kinaya ng powers mong ma-myday ng isang Keane." Dagdag na pang-aasar niya sa'kin.
"Aw, hindi ka din maganda. You were together for almost 2 years pero lumandi pa din siya sa iba" inasar ko siya.
So ayun, pag-uwi ko magulo na ang buhok ko at medyo may pasa kasi biglang nakipag-wrestling si Maple sa yoga mat niya. Foul pala sinabi ko, hehe.
Before I slept, I thought about what Maple said. It was true. Keane doesn't post pictures of his girlfriends nor flings. Ayaw din niyang i-story or my day, baka mabati daw. Malas daw kasi.
Gusto niya lowkey lang para kapag nag-break, pwede niyang i-deny na niloko niya yung girl or naging magkalandian sila. Matalinong pwet. Sige, isipin mo yun.
After one week, ito na yung araw ng try-outs. Sana makapasok kami kasi dream namin ni Maple ito. Palagi kami nanunuod ng Bring It On! at na-eentertain sa mga trainings, choreo and costumes sa cheering.
"Hoy! Kapag hindi tayo napili kahit picturan mo nalang kami ni Ate Dev", sabi ko kay Maple. Tapos na ang classes at nagbibihis nalang kami ng leggings at malaking t-shirt.
Hinampas ako ni Maple at sinabi, "Ano ba? Kaya yan! Ang nega mo naman" sabi niya. Maple really boosts my confidence. Di ko alam kung dahil sa words of wisdom niya o sa hampas niya eh. Mapanakit.
Dumiretso na kami sa gym kung saan ang try-outs. Madami ang nandito kaya mas kinabahan kami pero siguro sa lahat ng tao dito... ako ang pinaka kinakabahan.
Nandito yung basketball team.
People were stretching so nakigaya na din kami ni Maple. Wala pa kasi si Ate Dev kaya hindi pa nag-sstart.
Nang dumating si Ate Dev, tumayo agad lahat kaya tumayo nalang din kami. Nakikisabay nalang kami dito, kabado at di alam kung ano gagawin.
The flow of the try-outs was smooth. Una, tinignan niya yung coordination and flexibility ng katawan namin. Then, may mga tinanggal na 'MKNA" which means matigas katawan w/ noodle arms. Ayun yung kapag matigas katawan pero yung arms hindi sharp yung persecution or moves sa steps na may arms.
Nakapasok kami ni Maple kasi sanay naman kami sa pagsasayaw tsaka palagi namin pinapanuod mga cdc kaya alam na namin mga galawan. Pinaghandaan talaga.
"Heyyy! Congrats. Mary, right?", tanong ni Ate Ember, bestfriend ni Ate Devy.
"No, po. Maple po", sagot ni Maple.
"Oh, tapos ikaw si Ash", turo sakin ni Ate Ember. Sasagot na sana ako nang may nagsalita..
"Aceia", a familiar voice na gusto kong kalimutan.
"Aceia, can we please talk?", tanong ni Keane.
"Is there anything that we should talk about?", I raised my eyebrows at pinilit kong ngumiti.
"I've changed, I promise", ayan nanaman. Bakit magpapauto pa ako sa mga sinasabi niyang ganyan?
"I already heard that. It's so hard to believe it now", I looked at him with no emotion para malaman niyang hindi na ganun ang tingin ko sakanya at para malaman niyang hindi na ako magpapauto sa mga pangako niyang walang katuturan.
"Like I said, there's still time", sabi niya.
"You know each other?", tanong ni Ate Dev. Tumango nalang ako and gave her a smile before I left. Nakita ko naman si Maple na kumakain habang pinanlakihan ang mata na parang sumesenyas na chika kami mamaya.
"Keane, let's go. Sabay na tayo.", narinig kong sabi ni Ate Dev kay Keane.
"Mukhang interested naman si Ate Dev sakanya. Tsk, babaero pa rin talaga. Ano gagawin ko? Mas sexy at maganda si Ate Dev. Ano laban ko dun? Tsaka ihahatid niya pa eh hindi naman ganun si Keane, siguro si Ate Dev na nga yung para sakanya.", bulong ko sa sarili ko.
"Selos ka?", tanong sa'kin ni Maple na nang-aasar.
"Hindi" mabilis kong sagot. "Bakit ako magseselos?".
Tinawanan lang ako ni Maple at inaya na din akong umuwi.
BINABASA MO ANG
Clumsy with a hint of Rupok
Teen FictionKung ikaw ang papapiliin, maging bonak sa pag-ibig o maging masaya? To confess or to remain friends? Kung friends lang, paano kapag nagpakita ng motibo? But then again, sumugal ako knowing that he would hurt me.