Minulat ko ang mata ko at nakita ang sarili ko na nakahiga sa kama. May suot na malaking tshirt at undies.
Unti-unting pumasok sa isip ko ang nangyare kagabi. OMG! Nagchukchakan kami ni Blake!
Napahawak ako sa bibig ko at dahan dahang tinignan ang paligid ko. Wala siya sa kwarto ko. Ang huling naalala ko ay nasa sala kami. Malamang binuhat niya ako at binihisan. Ang sweet naman!
Ibinaba ko ang mga paa ko para pumunta sa banyo ng maramdaman ko ang hapdi sa gitna ko.
"Totoo talaga na sinuko ko na ang Bataan. Jusko. Ano ba ginawa ko kagabi." sabi ko. Napalingon ako sa orasan at nakitang kailangan ko na kumilos para pumasok.
Naghanda ako ng sarili ko at nagayos kahit hirap akong maglakad. Pagbaba ko sa may kusina ay nakita ko si Blake na may hawak na tasa ng gatas.
"Oh. Timing ang pagbaba. I prepare some breakfast for the two of us come on here." sabi nito at lumapit sakin. Ako naman ay nakatulala at nakatingin sa kanya.
Nakabihis siya ng corporate attire niya at amoy na amoy ko ang panlalakeng pabango niya. Ghad! Pogi na mabango pa! Yummy na magaling pa sa pagluluto! Jackpot!
"Hey baby I know I am handsome but please take your sit so we can eat. We will be late." nagising ang diwa ko at agad na sinunod ang utos niya.
Umupo ito sa harapan ko at nagsimula kami kumain. Panay ako sulyap sa kanya at ganun din siya sakin. Napuno ng katahimikan ang buong silid kaya napagisipan kong magsalita.
"Tungkol pala sa kagabi--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Let's talk about it after we finish eating. Don't worry I enjoyed what happen last night. I can still remember your screams and moans." sabi nito at kumindat pa sakin. Namula ang pisngi ko at kinuha ang gatas na itinimpla niya para sakin.
"You like milk so much. How about my milk?" nasamid ako sa sinabi niya at naubo. Natawa naman siya ng mahina at inabutan ako ng pamunas.
"Ano ba naman yan Blake! Ang halay mo!" sabi ko sa kanya at sinamaan ng tingin.
"What? I really want to shock you at your state right now. You look cute when your cheeks are blushing." mas lalong namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumingin ito sa relo niya at tumayo.
"I need to go baby. You can text or call me. I am always available." lumapit ito sakin at hinalikan ako sa labi. "Bye baby. Take care." lumabas ito ng bahay ko at narinig ko din ang sasakyan niya. Lumingon ako sa pinto at napatanga.
Ano nanaman itong mangyayare sakin?
THIS day is super loaded with lots of paperworks. Madaming pasyente ang nagsched at madaming pasyente ko ang dumating ngayon. Bakit ba ang daming nagpapachukchak ngayon? Sabagay ako din naman nachukchak kagabi.
Natawa ako ng mahina sa sinabi ko at agad na bumalik sa trabaho ko. Matapos ng ilang minutong pag check ng mga papeles ay may kumatok sa pinto.
"Come in." sabi ko at inayos ang mesa ko. Dumungaw si Nurse Chloe at ngumiti.
"Doc. May naghahanap po sa inyo. Earl Alvarez daw po." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Ilang taon na ang lumipas bakit bigla siyang nagparamdam? Paano niya ako nahanap? Ano nanaman ang kailangan niya sakin?
"Doc?" narinig kong sabi ni Chloe. Napatulala pala ako. Nagalangan akong ngumiti kay Chloe.
"Tell him na lalabas ako ngayon. We'll have lunch kamo." sabi ko. Tumango naman ito at sinara ang pinto.
Nanlulumo akong umupo sa upuan ko. Anong kailangan niya? Bakit bigla siyang nagparamdam?
Paglabas ko ng opisina ko ay nandun nga si Earl. Tumayo ito at sinalubong ako. Akmang bebeso sakin ng lumayo ako.
YOU ARE READING
Untamed Heartbeats (Wild Love Series)
RomanceRed Lopez and Blake Fernandez "I don't know how to comprehend this but you are the sin I would like to commit. If I would be Adan and you are apple that could make me sin, I would gladly bite and make myself a sinner just for you."