Kakauwi ko pa lang ngayon galing sa mismong ospital. Apat na mommies ang nanganak ngayon. Tatlong normal at isang c section. Naisip ko ang clinic ko. Mukhang magiging maayos ang takbo nun kung hahanap pa ako ng dalawang OB na makakasama ko.
Hay! Nakakapagod pala maging matanda!
Napatingin ako sa orasan. 1:46 Pm. Isang araw na pala akong gising. Isang araw na din ang lumilipas at di na kami nagkita ni Mister Antipatiko. Di ko din naman siya napapansin sa bahay niya dahil nga wala ako sa bahay.
Hinubad ko ang lab coat ko at naghalfbath. Nagsuot ako ng komportableng damit at napag isipang maglinis ng bahay.
Ipinusod ko ang buhok ko at bumaba ng hagdan. Nilapitan ko ang mga kurtina at binulunbon. Napasilip ako saglit sa bahay niya. Bakit kaya wala siya?
Hayy ano ba tong iniisip ko antipatiko yun! Umirap ako at nagsimula ng maglinis ng bahay. Nagpatugtog din ako ng kanta para mas lalong ganahan.
Sinabayan ko yung tugtog ng saxophone. Patuloy ako sa pagsayaw na hindi ko namalayang may nakatingin na pala sakin. Pag tingin ko sa bintana ay nanduon si Mister Antipatiko. Nakangisi pa!
"I didn't know you are a dancer." nabasa ko ang galaw ng bibig niya at tumawa pa. Inirapan ko ito at sa inis ko tinapos ko nalang ang paglilinis ko.
Ng matapos ako ay kinuha ko ang libro ko na babasahin at umakyat para sana sa veranda magbasa. Paglabas ko ng veranda ay bumungad nanaman sakin si Mister Antipatiko.
"Sinusundan mo ba ako? Stalker ka ha?" sabi ko sa kanya at umupo ako sa may hammock ko sa veranda. He looked at me with amusement. It seems like he'll enjoy talking with me.
"Really? Stalker? I am not even following you. This is my house. I can choose what spot I'm going to stay." sabi nito at hinilig ang dalawang siko. Wow mukhang interesado na ata siya makipagusap ngayon.
"Whatever Mister Antipatiko." binuksan ko ang libro ko at nagsimulang magbasa. I am a super big fan of Romance Genre books. Kasalanan ko bang hopeless romantic ako.
Nakalahati ako sa pagbabasa ng libro ng mapagpasyahan kong kumuha muna ng prutas. Pag angat ko ng tingin ko ay wala na duon si Blake.
Nakakasawa naman na siyang tawagin na Mister Antipatiko babait nalang ako sa kanya ng mga 0.5 percent.
My phone rang and I look who's the caller.
Jasmin calling...
"Hello? Bulabog kayo. May full meal course na ako sa harapan ko natawag pa kayo? Akalain niyo yun natunugan mo." sabi ko at narinig ko ang mga halakhakan.
"Hoy gaga asan ka? Full meal course ka jan alam namin na si Mr. Fernandez ang pinagpapantsyahan mo. Pumarine ka at bar daw tayo."
"Saang bar? Baka mamaya KKB pautangin niyo muna ako." pumasok ako sa kwarto ko at inayos ang mga kurtina ko.
"Here at Clique. Tayo pa lang nandito pakibilisan gurl."
"Okay sige sige magaayos lang ako."
I hanged up the call and look at my closet. May bagong bili akong mga gamit na nasa aparador ko. After all these years, ngayon ko lang nabili ang mga gusto ko.I searched for the clothes I wanted to wear. Nakakita ako ng black skater skirt at black brallete. To make it look so daring hinanap ko ang see through longsleeved top ko at fishnet stockings ko.
I put some light make up and got my boots ready. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nagsuot ako ng silver necklace.
I got my black purse and went to my car. When I passed by Mr. Blake's house nakita kong madilim at mukhang walang tao. Nagkibit balikat ako, Maybe he's having a nice sex life now. Aww sana all.
YOU ARE READING
Untamed Heartbeats (Wild Love Series)
RomanceRed Lopez and Blake Fernandez "I don't know how to comprehend this but you are the sin I would like to commit. If I would be Adan and you are apple that could make me sin, I would gladly bite and make myself a sinner just for you."