NAKAKAILANG maglakad sa may event center malapit sa ospital na dati ko pinapasukan. With these 4 wonderful man behind me, talagang agaw pansin. Pati na din ang mga salitang lumalabas sa bibig nila.
"Look at that ass, damn man kung yan ang Nurse na manggagamot sakin malamang we'll end up having sex on one of their hospital rooms." sabi ni Cleave.
"Cleave man pakibaba ang pagiging active mo, nakakahiya sa mga tao." sabi ni Blake. Napahagikhik ako ng mahina ng marinig ko ang sinabi nila.
"OMG MOMMY RED!!" Napatigil ako ng marinig ko ang sigaw ng mga kaibigan ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang kumpleto sila?!
"Bakit nandito kayong lahat?!" gulat na tanong ko sa kanila at niyakap sila.
"Open for all na ang party para kay Seth! Akalain mo yun may mga bigating businesman na nga dito!" sabi ni Ariya.
"Wow sabi for doctors and nurses lang pero may iba din na kasali." sabi ako at natawa.
"Ayos na yan at least nabitbit ko sila!" sabi ni Eurie. Nakarinig kami ng tikhim sa likod ko. Nawala sa isipan ko ang mga kasama ko.
"May mga kasama ka pala." sabi ni Klei at animong naging mahinhin.
"Oo kilala niyo naman si Blake diba? Ayan si Cleave, Ian at Syd. Mga kaibigan ni Blake." pagpapakilala ko. Humarap ako kayla Ian at pinakilala ang mga kaibigan ko. "Sila naman mga kaibigan ko. Sila Eurie, Pam, Ariya, Klei, and Jazmin" napasipol si Cleave na initaka ko.
"Nice to meet you Jazmin." sabi bigla ni Syd.
"Mauuna na ako sa inyo." sabi bigla ni Jazmin at umalis.
"Hoy babaita san ka pupunta?!" tanong ni Ariya. Tinapik ni Ian ang balikat ni Syd at sumunod ito kay Jazmin.
Nagtaka kaming magkakaibigan, paanong nangyare na magkakilala sila?
May humapit sa bewang ko at nakita ko na si Blake yun.
"Should we just ditch the party?" tanong nito sakin.
"Hindi pede kakailanganin ako dito ng mga kaibigan ko. Tulad ng nangyare na yan. How come Syd knew Jazmin ehh unang beses lang sila nagkita." sabi ko sa kanya.
"We don't know babe baka magkakilala na sila talaga and you, her friends didn't know." sabi nito sakin. Nagkibit balikat nalang ako. Napansin ko ang tingin ng mga kaibigan ko na parang tinutukoy nila ang lapit naming dalawa ni Blake.
"Baka pedeng mahiram namin ang kaibigan namin hane?" tanong ni Pam at hinawakan ang braso ko at hinatak papunta sa kanila. Wala namang nagawa si Blake kundi bitawan ako at natawa nalang siya ng mahina.
"Saglit lang may discussion lang kami ha." sabi ni Ariya at pinaikutan nila ako.
"Ano yun ha Red? Bakit may pahapit tas bakit ganun kayo kalapit? Close na agad kayo after niyo mag chukchakan?" sabi ni Klei.
"May label na ba? Pag ito wala pa kakaltusan kita. Hilig mo pumatol sa relasyong walang label." sabi ni Eurie sakin.
"Wait lang naman hinay hinay! Una sa lahat yes wala pang label kase kinikilala muna namin ang isa't isa. Pangalawa masyadong malakas yung tunog kaya hindi kami magkarinigan ni Blake kaya ganun kami kalapit." sabi ko sa mga to. Mukhang hindi sila naniwala sa sinabi ko dahil sa mga tingin pa lang nila alam mo na agad.
"Kinikilala pero nagchukchak na kagad? Ikaw na talaga Mommy Red kaya sayo ako ehh!" sabi ni Pam sakin.
"Hello Mr. Fernandez, this is unexpected, to see you here at a party. Puro mga doctor ang nandito hindi ko akalain na makikilala ko ang isa sa mga shareholder ng ospital na ito." napalingon kaming lahat sa isang malaking lalake. Akala mo si Santa Claus sa lakas ng boses.
"Hello Mr. Guerro, nice to meet you here. Kailangan magliwaliw kasama mga kaibigan. I came here with my special someone." sabi ni Blake. Kinurot ng mga kaibigan ko ang tagiliran ko. Oo namula pisngi ko sa sinabi ni Blake pero mukhang mas mapula ang tagiliran ko ngayon dahil sa kurot nila.
"Oh. Doctor siya dito? Is it Mr.Yu's daughter Marzia? You two make a good couple." napahinto ako sa narinig ko. How is he connected kay Mazia? Bakit nililink in siya kay Marzia? Sa mga taong karibal ko pa.
"No Mr. Guerro, She is one of your best OB's here. I've seen her record at malinis at maganda. You can see her working as professional unlike Marzia who only has good deeds just because her father is one of the co-owner of this hospital." sabi ni Blake. Nanlaki mata ko sa sinabi niya. Alam niya daw ang records ko?!
"You know what girls, Blake has deep good hot shots for you Mommy Red. Hindi niya ipagtatanggol si Red kung wala siyang nararamdaman kay Red." napalingon kami kay Cleave at Ian na nasa tabi namin.
"Luh bakit ang lapit niyo? Feeling close kayo?" tanong ni Klei na masama ang tingin kay Ian.
"Bakit minsan na din naman tayong naging close Klei ha?" tanong ni Ian dito. Napakunot ako ng noo, magkakilala din silang dalawa?!
"Excuse Markian Peters, photographer mo ako para lang sa magazine na yun at trabaho ko lang ang ginawa ko. Kaya hindi tayo close ha." sabi ni Klei at hinawakan si Eurie hinatak paalis.
"Hoy handale sunod ako!" sumunod si Pam sa kanila at naiwanan kaming dalawa ni Ariya.
"Hello, Ariya nga pala, pasensya na sa mga kaibigan ko. Talagang suplada yang mga yan." sabi ni Ariya na sinangayunan ko.
"Hi I am Cleave. Nice to meet you. Nagkita na tayo one time sa isang swimming competition. Do you remember me?" tanong ni Cleave kay Ariya. Nawala si Ian narinig ko na bulong niya kanina kay Cleave ay maghahanap ata ng chicks, hay talaga.
"Red, babe come here!" tawag ni Blake sakin. Napalingon ako sa kanya at nanduon pa din si Mr. Guerro sa tabi niya. "Mr. Guerro meet my wife Mrs. Red Lopez-Fernandez." sabi nito. Nanlaki ang mata ko sa pagpapakilala niya sakin. Kakalat na asawa ko siya mamamali lahat!
"Oh Ms.Lopez ikaw pala ang tinutukoy ng isa sa mga major investors ng ospital natin. Hmm.. Hindi Malabo na hindi magkagusto sayo si Blake bagay nga kayong dalawa. Kelan kayo kinasal?" tanong ni Mr. Guerro.
"Wait hindi niya--" pinutol ni Blake ang sasabihin ko at hinawakan ako sa bewang.
"Last week only, we keep it private. Sa susunod na ang public na kasal. We wanted it to be intimate so. yah." sabi ni Blake.
"If you set a date for a public church wedding send me an invitation. I would love to see two successful people getting wed. I would love to continue chattering with you pero I need to greet some of the doctors. Nice to see the both of you." umalis si Mr. Guerro matapos nila mag handshake ni Blake. Ng lumingon si Blake sakin ay masama na ang tingin ko sa kanya.
"Bakit pinakilala mo ako bilang asawa mo? Kakalat ang balita na yan! Magkakaroon ako ng issue!" sabi ko sa kanya.
"So ayaw mo ba? Last time I check you are mine Red." napangisi ito at mukhang kinukutya ako.
"Last time I check Blake there was nothing between us." matigas kong sabi sa kanya.
"So there, I assumed that you are mine Red? You gave yourself to me! Yan ang nagbigay ng dahilan para angkinin kita Red. To own all of YOU!" sabi nito sakin. Nagulat ako sa narinig ko sa kanya. Paanong..
"W-why did you assume? I never ask for you to assume that there is something between us!" sabi ko sa kanya at dinuro siya. "Get a hold of yourself Blake. You are too possessive." umalis ako sa harapan niya at iniwanan nalang siya.
This is too much. Magulo ang magiging relasyon namin.
YOU ARE READING
Untamed Heartbeats (Wild Love Series)
RomantikRed Lopez and Blake Fernandez "I don't know how to comprehend this but you are the sin I would like to commit. If I would be Adan and you are apple that could make me sin, I would gladly bite and make myself a sinner just for you."