VIII

7 1 0
                                    

DAYS passed and there are no signs of Blake. Magkasalubong man kami pag papunta siyang gym ay hindi ko siya kinikibo kahit napapansin ko ang pagtingin niya sakin.

"Doc. Here are the papers you need to sign. Meron din po jan yung galing sa finance department ng shipping company. Congrats nga pala Doc. Number one kagad kakasimula pa lang." sabi ni Nurse Chloe sakin.

"Thank you Chloe. Kudos kay Mama at Papa kung di dahil sa kanila hindi lalago ng mabilis ang business na tinayo namin." sabi ko habang nakangiti.

"Tsaka congrats din pala Doc. Andaming good feedbacks ang clinic natin. Tapos eto pala cookies galing dun sa mommy nung miracle baby. Pasensya na daw at nahuli at hands on daw sa baby." nilapag ni Chloe ang isang pabilog na may kalakihang tin can. May nakadikit na sticky note sa taas.

"Thank you."

Napangiti ako. This may not be the first time na nakatanggap ako ng regalo galing sa mga naging pasyente ko pero ibang case ito. This came from the mother of that cute miracle baby. Hindi dahil pinsan sila ni Bl... Nevermind.

Binuksan ko ang can at bumungad kagad sakin ang mabangong amoy ng cookies.

"Thank you sa pagdala Nurse. Good Job for today. Early out kana ako na bahala sa clinic." sabi ko dito. Tumango ito sakin at lumabas ng office ko. Kumuha ako ng isang cookies at tinikman ang isa. This cookies tastes good. Kumuha pa ako ng tatlo at itinabi yung can sa mini fridge ko.

Umupo ulit ako sa swivel chair ko at tinitigan ang paperworks ko. Napabuntong hininga ako. Dati nga ayokong gumawa ng homeworks tas may ganito ako.

"Hayyy! Buhayyy! Kailangan kumayod at may pamilyang binuhuhay." sabi ko at binuksan ang isang folder.

Nagulat ako ng may makita akong sticky note na ang design ay pa yinyang.

'Hope you like the cookies. I made those for you.'

Napatitig ako sa sticky note. Naalala ko yung tattoo na nasa tagiliran ko. Is this a coincidence? Yung lalakeng nagligtas ba sakin ang nag bigay nito?

Idinikit ko ang sticky note sa isang libro at agad na napatitig sa kawalan. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko pa din maalala yung taong nagligtas sakin dati.

"Who the hell are you? Anong ipinangako ko pa sayo?" I said while thinking about my Yin tattoo.

I WAS busy checking my future baby dog's room when my doorbell rang. It was past 7:46 pm. I am not expecting any visitors and deliveries for this day bakit kaya may nag doorbell. The doorbell rang again making me come closer to the door. Sumilip ako sa may peep hole at nakita ko ang isang delivery boy ng isang pizza parlor.

I opened my door and smiled sweetly at him.

"Hello, what can I do for you?" napansin kong napatulala ito saglit at agad din nakabawi sa pagkakatulala.

"Miss Red Lopez po?" tanong nito sakin. Tumango ako at tinuro ang sarili.

"I am Red Lopez, ano po kailangan nila sakin?" tanong ko. Inabot nito sakin ang dalawang box ng pizza at inilapag ang recit.

"Delivery maam. Enjoy your food!" sabi nito at agad na umalis sa harap ko.

"How about the payme-- Di ako umorder ha! Hey boy!" narinig ko ang tunog ng motor at agad na iyon nakaalis. Pumasok nalang ako ng bahay at tinitigan ang recit na hawak ko. May sulat itong nasa ibaba and binasa ko iyon.

Corner's Pizza
From: Secret
To: Doctora Red Lopez
Hope you like this cheesy overload pizzas. I know how you like cheesy overloaded foods so here. Enjoy see yah!

Untamed Heartbeats (Wild Love Series)Where stories live. Discover now