ILANG araw na kaming magkasama ni Blake. Ilang araw na din kami nagkikita. Unti-unting umuusbong yung bagay na alam ko magdadala sakin ng sakit.
"Hello? Red kanina kapa namin kinakausap. Nagmemeeting tayo ngayon lumilipad utak mo." Rining kong sabi ni Eurie sakin.
"Sorry. Madami lang talaga akong iniisip." Sabi ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa bahay ni Jazmin. Nagmemeeting tungkol sa gagawing changes sa shipping company dahil padami na ng padami ang customers and investors. Nakapaikot kami sa may lamesa ng office ni Jazmin at lahat sila nakatingin sakin.
"May problema kaba?" Tanong sakin ni Ariya na katabi ni Pam Yumuko ako at tinignan ang mga papel na nasa harapan ko.
"I don't know. This shouldn't be a problem kase feelings ko to pero.." bumuntong hininga ako na para bang ang bigat ng nararamdaman ko.
"Takot kaba?" Tanong sakin ni Klei. Tumango ako at naluluha sa mga nangyayare sakin.
"Hindi ko alam paano ko bubuksan ang sarili ko. Una kay Earl. Yung takot ko na baka maloko ako ulit. I caught Earl having a relatioship with someone and the days after that sobrang devastated ako. I've been depressed and it is so hard for me to open up again because of the fear inside me. Sunod kay Delt. After fixing him he leave me without any words or even good bye." Sabi ko at nagsimulang tumulo ang luha ko. Lumipat si Pam sa likuran ko at niyakap ako. "I am so tired. Hindi ko na alam gagawin ko pa. I just want to feel the love again without any hesitations." Sabi ko.
"Shush baby girl. Hindi mo naman kasalanan yan." Hinawakan ni Eurie ang kamay ko at hinaplos haplos. "Those are just lessons for you to understand na lagi natin kaakibat ang pain sa buhay. Yung sakit na dahilan para tatagan mo ang loob mo ay huwag sumuko." Sabi nito sakin.
"You can start over again and tingin ko malinaw na ang feelings mo para kay Blake. Pero huwag ka matakot na buksan ulit ang sarili mo dahil kung tingin mo na hindi na mauulit ang nakaraan walang dahilan para umatras kapa sa dapat mong labanan." Sabi ni Jazmin.
"At kung masasaktan ka man ulit nandito kami. Habang buhay tayong magkakasama na magkakaibigan. Habang buhay natin haharapin ang mga problema sa buhay natin. Magkakapatid tayo." Sabi ni Klei.
Mas lalo akong umiyak sa mga narinig ko. We've been friends since our Highschool days at sa tinagal tagal ng pagkakaibigan na ito hindi naging malabo ang relasyon namin sa isa't isa. Nakita kong umiiyak na din sila kaya ngumiti na ako. Ayokong makitang umiiyak ang mga babaeng ito.
"Tumahan na kayo jusko wag kayo umiyak." Sabi ko at pinunasan ang luha ko. "I'll open myself again. Ihahanda ko ang sarili ko. I can't loose Blake lalo na mahal ko na siya. I love him. So much." Sabi ko ngumiti ang mga ito at nagsithanan na din. Mga natawa naman kami kase sobrang emosyonal naming magkakaibigan.
"Kase naman kayo ehh yan tuloy nagiyakan na tayo." Sabi ni Ariya. Tumunog ang phone ni Jazmin dahilan para mapalingon kami duon.
"Sino naman to? Sinabing nasa meeting ako--" naputol ang sasabihin niya ng pagbukas niya ng cellphone niya at natigilan ito at animo'y may nabasa na hindi kaaya aya.
"Ano yan Jazmin? Bakit ganyan reaksyon mo?" Sabi ni Pam. Nabitawan ni Jazmin ang phone niya dahilan para mapatili kami. Humagulhol ito ng iyak. Dali-dali namin pinuntahan ito at tinignan ang phone niya.
Isang video ng fiance niya na nakikipag halikan sa isang babae at ilang litrato na papasok ito ng hotel.
"PUTANGINANG MGA LALAKE SA MUNDO!" Sigaw ni Jazmin. Nasa may Clique kami ang bar ni Eurie. Nagaya na maginuman kami nila Jazmin di ko naman matanggihan at naloko ang tao baka mamaya mapano.
Lasing na siya dahil nageeskandalo na. Si Eurie naman nawala at mukhang kasama si Klei naghahanap ng boylet. Si Ariyah at Jazmin ang kasama namin sa may couch area lasing silang dalawa habang kami ni Pam ay nasa tamang huwestiyon pa. Ayoko munang uminom unhealthy na masyado.
YOU ARE READING
Untamed Heartbeats (Wild Love Series)
RomantikRed Lopez and Blake Fernandez "I don't know how to comprehend this but you are the sin I would like to commit. If I would be Adan and you are apple that could make me sin, I would gladly bite and make myself a sinner just for you."