XVI

3 0 0
                                    

MAGKAKAHARAP kami ngayon at tahimik ang lahat sa binitawan na balita ni Jazmin.

"I-I am t-three weeks pregnant. Pinatignan ko kay Red kanina and it is true." Mahinang sabi niya.

"Who is the father Jaz?" Mahinang tanong din ni Eurie. Biglaang napauno ng katahimikan ang buong sala ng hindi sumagot si Jazmin. Napabuntong hininga ako at hindi na napigilang magsalita.

"Syd. Remember him?" Tanong ko sa kanila. Napaisip sila at biglaang narinig ko ang pag-ahh ni Ariya.

"Ahhh Silvestre. The Ceo of Silver Corp. Famous Jewelry store that has a lot of branches all over the asia and was planning to build their first branch in Europe?" Sabi ni Ariya. "WAIT SI SYD?!" Nagulat kami bigla sa sigaw niya at sa detalyadong pagsagot niya.

"What's up with that Syd guy?" Tanong ni Klei.

"Gaga sis kung ako ang nabuntis at si Syd ang tatay hindi ako mamomoblema, ganda ng genes Ceo pa." sabi ni Ariya. Sumimangot kami sa kaniya at tinignan siya ng masama ni Pam. "Sorry naman! Sobrang seryoso niyo kase. Bigat ng aura dito pagaanin man lang natin." Sabi nito.

"Hindi ko alam na siya may ari ng Silver Corp. I just know him the Syd who took my virginity and impregnate me." Sabi ni Jazmin.

"So what are you gonna do with that baby now?" Sabi ni Eurie.

"Sasabihin ko kayla Mommy at Daddy pero aalis ako ng bansa." Natigilan kami sa sinabi ni Jazmin, tulala lang siya habang nagsasalita. "Sa Germany kami muna hanggang sa lumaki ang baby ko. Babalik din kami dito pag ayos na." Sabi ni Jazmin.

"S-sigurado kaba jan Jaz? Baka nabibigla ka lang o kung ano." tanong sa kaniya ni Pam.

"Yeah sure na ako. Wala din ako magagawa kundi lumayo dahil malamang itatakwil nila ako." sabi ni Jazmin na sobrang lungkot.

"You are old enough na. You are licensed doctor and may kita ka na malaki. Bakit ka itatakwil?" tanong ni Eu sa kaniya.

"Nabuo itong bata dahil sa pagkakamali ko. Hindi naman tinutukoy ko na pagkakamali itong bata pero mali ko na makipagtalik sa hindi ko kakilala." sabi ni Jazmin sa amin. Hindi kami nakakibo dahil totoong hindi pa niya kilala si Syd ng mga panahon na yon.

"Wala na tayong magagawa nanjan na yan nandito lang naman kami para suportahan kita. Gustuhin ko man sabihin na pede mo ipa-abort yan naaawa din ako sa batang walang muwang na mawawala." sabi ko sa kaniya. Nagsimula umiyak si Jazmin dahilan para lapitan ito si Pam at Ariya para yakapin.

"Wag kana malungkot masama sa pregnant mommies ang sobrang lungkot. Hayaan mo nandito kami, kami ang tatayong papa para sa bata na yan kung ano man ang plano mo susuportahan ka namin." sabi ni Ariya sa kaniya.

"Salamat sa inyo. Salamat ng sobra."

PAGKAUWI ko ay agad ko na nilapag ang bag ko sa couch at naupo sabay tingala. Andaming nangyare sa araw na ito. Biglaang nag ring ang doorbell ko dahilan para bumangon ako at binuksan ang pinto.

"Hey." Napatingin ako ng marinig ko ang boses ni Blake. Pagod akong ngumiti at nilakihan ang bukas ng pinto.

"Pasok ka." Mahinang sabi ko. Nauna ako sa kaniya sabay salampak ulit sa couch. Umupo siya sa tabi ko sabay hawak sa kamay ko.

"Are you tired?" Mahinang tanong niya sa akin. Tumango ako kahit na nakapikit ako. "Nalaman ko kay Syd na gusto niya makausap si Jazmin kaso ayaw niya." Sabi niya. Umayos ako ng upo at agad na humilig sa balikat niya.

"Gusto niya umalis ng bansa. Sa Greece niya gusto palakihin yung bata." biglaan ko na sabi sa kaniya.

"Did she talked to Syd about that?" tanong niya sa akin. Humiga na ako ng deretcho sa lap niya at pumikit. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa may balikat ko at ang marahang paghaplos niya sa buhok ko.

Untamed Heartbeats (Wild Love Series)Where stories live. Discover now