XVII

3 0 0
                                    

FIRST thing I did when I got inside my office is to hide all the transactions and papers that I did with Jazmin. May naka abot na text sa akin na papunta sila Tito at Tita sa akin at baka malaman kung ano nangyayare kay Jazmin. They might force her to get an abortion and worst it can ruin Jazmin's plans.

Bumukas ang pintuan ng office ko at nakita si Blake na naka business suit pa na lumapit sa akin. Ginawan ako ng halik sa noo bago ako hawakan sa kamay.

"Kamusta? Naitago mo na ba lahat?" tanong niya sa akin at tumango ako. Hinahaplos haplos niya ang kamay ko na may singsing at pinapakalma ako.

Paano nga ba na may suot akong singsing at saan nga ba to galing?

After ng nangyare sa amin ni Blake kagabi naging malinaw na ang lahat. Sinagot ko siya kagad ng Oo without any hesitations. Bakit paba ako mag hehesistate? Ayan na ang grasya taganggihan ko pa ba? Echos! Binigay niya sa akin ang singsing bilang tanda daw ng gabing iyon. May sweetness din pala ang antipatikong to sa katawan niya.

"Nagtext sakin si Syd kasama na daw niya si Jazmin naka layo na daw sila dito sa Bulacan." sabi niya sa akin. Kasabay ng pagtango ko ang pagbukas ulit ng pintuan ng office ko.

"Good day anak." kalmadong bati sa akin ni Tito. Ngumiti ako at tumayo para magmano sa kanilang dalawa. Nasa likod naman si Grey at Ate Kay, binati ko din silang dalawa bago bumaling ulit kayla Tito at Tita.

"Good day din po Tito, ano po maipaglilingkod ko sa inyo ngayon?" tanong ko sa kanila.

"May naka abot na balita sa akin na si Jazmin ehh nagpacheck up dito sa iyo nung nakaraang araw. Gusto ko lang malaman kung totoo ba." sabi ni Tita sa akin.

"No po Tita. Huling pagkikita po namin ni Jazmin ay nuong umattend po kami ng party kasama sila Eurie." sabi ko sa kanila at mukhang kumbinsido sila sa sinabi ko. Tumingin ako kay Ate Kay at nabasa ko ang labi niya na nagsabi ng "Thank you."

"Hindi sapat ang mga sagot ni Red." umalis si Tito sa harapan ko at agad na pumunta sa papeles ko ng hawakan siya ni Blake sa balikat.

"Sir with all due respect you have no rights to handle the important papers especially you are inside Miss Lopez's office and you got no permit to do some inspection here. I might as well take a legal action for you coming here and doing that kind of shit." natigilan si Tito sa sinabi ni Blake at inalis ang kamay niyang nakahawak sa balikat niya. Pinagpagan niya ang suot niya at bumalik sa tabi ni Tita.

"Can you please stop Fernando? Pati si Red pagdududahan mo! Narinig mo na ang sinabi ng bata!" sabi ni Tita sa kaniya.

"Lain hindi ako titigil hanggat hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyayare kay Jazmin." sabi ni Tito sa kaniya.

"Can you please stop Dad? Malaki na si Jazmin alam niya na ang tama at mali. Hindi ko masisisi kung isang araw mapapagod nalang sa inyo si Jazmin. Napakatoxic mo Dad!" sa galit ni Ate Kay ay umalis ito habang hawaka hawak sa kamay si Grey. Sumunod dito si Tito at naiwan si Tita sa harap ko.

"I'm sorry Red pati ikaw nadamay pa. Alam mo kung gaano kahigpit si Tito mo pagdating kay Jazmin. Thank you sa pagtulong kay Jazmin. I know kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya. They are safe. Pasensya na sa nagawa ng Tito mo ngayon." sabi ni Tita at humawak sa kamay ko.

"No worries Tita. Para din to kay Jazmin naawa ako sa kaniya at sa magiging baby niya. Kami na po bahala na umalalay kay Jazmin, paki nalang po kay Tito." tumango ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

Bumalik ako sa table ko at naupo sa may swivel chair ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tumigin ako kay Blake na nakatitig sa akin.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at humawak sa kamay niya.

"Grabe. Nangyare naman na ito dati nung tumakas kami para mag overnight swimming pero sobrang nakakatakot yung ngayon. Galit na galit si Tito." Bumitaw ito pagkakahawak sakin at pumunta sa mini fridge ko para kumuha ng isang bote ng tubig.

"Kumalma ka. Nanginginig kamay mo. Para kang nagpapanic attack." Sabi niya sa akin. Inabot ko ang tubig at uminom. Nahimasmasan naman ako ng konti at nagthumbs up sa kaniya. Natawa naman siya sa ginawa ko. Luh nabaliw na!

NG MAKAUWI kaming dalawa ay nakatanggap kami ng tawag kay Syd na biglang nawala si Jazmin sa hotel na tinutuluyan nila. Hindi pa man din kami nakakauwi ay agad na kaming bumyahe para mapuntahan kung nasaan sila ngayon.

"Saan nanaman kaya nagpunta yung babaeng yun?! Jusko alam niyang buntis siya tangina hindi nagiisip sa mga kilos niya!" Naiinis kong sabi habang dinadial ang number ni Jazmin. Cannot be reached! Pinatay pa pati cellphone niya!

"Calm down baby. Wag mo istressin sarili mo. Baka nagpahangin lang si Jazmin. Naitext mo na ba mga kaibigan mo?" Tanong niya sakin. Nakatuon ang atensyon ko sa cellphone ko at tumango bilang sagot sa tanong niya.

Tumahimik ang sumunod na byahe namin papunta ng Rizal. Nagsabi kase si Syd na nasa Rizal sila at duon muna sana magpapalipas ng gabi ng mawala si Jazmin.

Biglang tumunog ang phone ko hudyat na may pumasok na message dito. "Si Jazmin nagtext sa akin." sinabi ko kay Blake at naghahadali akong iopen ang phone ko.

Red Jazmin to pasensya na baka nagaalala na kayo sa akin ngayon. Umalis ako sa hotel na tinutuluyan namin ni Syd. Hindi ko kakayanin na magkasama kaming dalawa ni Syd at nagtext din si Ate na may nakaabot kay daddy na nandito ako sa Rizal. Huwag kayo masyadong mag alala ayos lang ako, kami ng baby ko. Pakisabi kay Syd maghintay siya hanggang sa makabalik kaming dalawa. Hindi ko alam kung kelan pero babalik ako kasama ang baby ko. Hindi ko masasabi kung saan ako papunta pero magiingat kayo palagi jaan. Mahal na mahal ko kayo. Hanggang sa muli Red...

Sunod sunod ang pagpatak ng luha galing sa aking mata. Iginilid muna ni Blake ang sasakyan namin at agad niyakap ako. Inalo ako ni Blake at marahang hinagod ang likod ko.

"She did the right thing to do for her child. Tho may part na hindi tama dahil handa naman si Syd na panindigan si Jazmin, she did her best to protect her child. She'll be back and she'll be alright." bulong nito sa akin.

"Kahit naman sana hayaan niya kami na may koneksyon sa kaniya para matulungan namin siya. Paano nalang silang dalawa ng baby niya.." Kung nasaan man si Jazmin ngayon sana ay maging ligtas siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untamed Heartbeats (Wild Love Series)Where stories live. Discover now