06

2.6K 147 1
                                    

CHAPTER SIX

Mabilis akong umakyat sa aking apartment. Pagkarating ko sa labas ng apartment ay ilalabas ko sana ang susi ngunit nakita kong may kunting siwang sa pinto, sa kaba ay kaagad ko iyong itinulak dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay sa isipang magnanakaw ang pumasok sa loob.

Nang bumukas ang pinto ay sina mom at dad ang naburangan ko na nakaupo sa sofa na seryosong nakatingin sa akin. Oo nga pala, may extre key sila nang apartment ko.

"Ahmn. Mom, dad? What are you doing here?" Kinakabahang tanong ko.

Instead of answering my question, dad stood from his sit and he let showed me his phone screen. Kahit nagtataka ay kinuha ko iyon at para akong binuhusan nang tubig na may kasamang mga yelo nang makita akong kahalikan iyong lalaki sa labas ng pinto kung saan ang room nang lalaki, kinunan ang litrato mula sa ibaba.

"Totoo ba iyan?" Galit na tanong ni dad.

Napayuko ako bago napapikit ng mariin. "W-Who sent that photo, dad?"

His forehead knotted. "Answer me, Yenicka.""

"I, I.."

"I'm asking you! Was that true?!" Kaagad tumayo si mom sa upuan niya para pakalmahin si dad.

"I-I'm sorry dad!" Napaluhod ako kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng aking luha.

I heard his very deep sigh. "H-How could you! You disappointed us, you went on that club without asking our permissions?! We agreed to let you celebrate your birthday with your friends because we trusted you enough, but why inside the club? Ha? Tell me nothing happened between you and that guy. Prove me that what am I thinking right now isn't true."

"Dad..." I whispered.

"Tell me!" He raised his voice on me, this was the first time he ever raised his voice infront of me.

"Dy, calm down. Tanungin mo siya ng mahinahon." Pag-aalo ni mom kay dad ngunit parang mas lalong nagalit si dad.

"This is the reason why your daughter's like this, my! Can't you see? Iyong anak natin na hindi natin tinuruang uminom ay nagpakalasing kagabi lang. How can I calm down after learning everything?!"

"Kahit na! Huminahon ka nga Lander!"

"Dad, mom..." Lumuhod ako sa harapan nila, pinasiklop ang aking mga kamay. "Huwag na po kayong mag-away, aamin na po ako..."

"What..."

"Mom, dad, patawarin niyo po sana ako. May nangyari po sa amin ng lalaki na iyon, lasing na lasing po ako at hindi ko na alam ang nangyari kinabukasan..." Napasinghap ako nang malakas ang tumama ang kamay ni dad sa pisngi ko, this is even the first time that he slapped me.

Kaagad akong dinaluhan ni mom, pinatayo niya ako. "Dy! How could you slap her, she's our daughter!"

I look at his eyes, his eyes are cold and emotionless. He is really disappointed at me. "The last time I check, I had no daughter that disappoints me, ang anak kong si Yen ay mabait at masunurin. Mataas ang expectations ko sa'yo pero binigo mo'ko!"

Love A Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon