18

2K 108 7
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"Dito po tayo, missis at mister Vergara. Dito po nakalibing ang mag-asawa. Patay sila, maraming taon ang nakalipas." Sabi ng isa sa mga caretaker ng cemetery, kasama na doon ang isang pulis na may hawak ng records ng mga suspek sa pagkamatay ng totoong mga magulang ni Hannah at kasama rin ang private investigator namin.

Napadako ang tingin ko sa dalawang lapida sa harapan namin.

"Sikat po si Mister Hanster Abalos dahil sa pagiging isang magandang halimbawa ng pagiging mayor dito sa amin noon eh, bata pa'ko noon pero nakikita ko na kada isang-linggo siyang umiikot sa mga bahay-bahayan dito sa Caloocan, kabilang na iyong amin para lang makapamigay ng mga tinapay o pagkain at minsan ay mga damit. Syempre tuwang-tuwa kami kasi malaking tulong na iyon sa amin. Hanggang sa natapos ang termino niya ay nabalitaan ko nalang na lumipat silang Cotabato na kung saan nakatira si Missis Abalos noong dalaga pa siya."

"...May usap-usapan na buntis daw si Missis Abalos kaya sila lumipat doon. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi nila doon ay pumunta sila rito sa Cotabato para kamustahin kami at kinompirmado nilang may anak na sila. Akala namin ay bumalik sila rito para manurahan muli, pero hindi pala, iniwan nila ang anak nila sa babaeng kapatid ni Mister Abalos dahil napag-isipan ng mag-asawang magtatrabaho sila sa ibang bansa para daw may pakain sa bata at dahil hirap na hirap rin sila noon pagkatapos ng termino ni Mister Abalos. Ayon nga, gabi ang lipad nila papuntang Canada at nang papunta silang airport noon ay hindi inaasahang mangyayari iyon sakanila, nabangga ang kotse nila nang isang malaking truck kung saan ang driver noon ay lasing."

Napasinghap ako, iyong galit at sama nang loob ko kila mister and missis Abalos ay unti-unting nawawala, naawa ako kay Hannah.

"Nag-aya ang mga kaibigan kong uminom noon sa tindahan kaya pumunta ako doon, tumakas sa mga magulang na natutulog. Akala ko ay tawanan at mga bote ng lambanog ang sasalubong sa akin papunta roon pero hagulhol at lungkot ng mga kapwa ko ang nakita ko. Doon pala'y nakikinig sila sa radio. Na ang dating mayor at ang asawa ay natagpuang patay sa loob nang kotse na sunog na sunog. Ang driver ng truck na nakabangga ay tumakas pero nahuli pagkatapos ng limang araw. Ang mama ko noon ay isang pulisya na pinuntahan ang bahay ni Miss Abalos na siyang kapatid ng dating mayor, kasama ko siya noon na pumunta sa bahay na iyon, nagulat nalang kami nang wala halos lahat ng mga gamit, sunog-sunog ang bahay. Nalaman nalang namin na kasabwat pala sa pagkamatay ng asawa ang mismong kapatid dahil sa inggit. Sa inggit na hindi siya binibigyan ng atensyon ng kanyang kuya."

I gasped because of shockness. "Oh my God!" My eyes started to water. Hinawakan ako ni Adrian sa siko saka hinarap sakanya. I saw his reddish eyes when I looked at him.

"Shush! Come here..." I closed my eyes tightly when he pulled me into his arms.

"Ah, aalis na po kami, mister and missis Vergara."

"Maraming salamat sa inyong tulong."

"Walang anuman po sir." Sunod-sunod na sabi noong tatlo.

When they left, I finally sobbed with mixed emotions. "How cruel are they, Adrian! How cruel is mister Abalos' sister, h-hindi niya inisip iyong kapakanan ng bata, hindi na sila naawa, wala silang kasing sama..."

Adrian cupped my cheeks and then he wiped my tears. "All of them will pay for what they did, they'll going to stay for a lifetime inside the jail, hmm? So stop crying, Yen ko. You know that I don't want to see you crying. It hurts here..." He pointed his chest. "Also, I don't think mister and missis Abalos would hear or see us crying even if I want to cry also. Instead, let us prove them that Hannah is safe and we love her as a real daughter."

Love A Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon