CHAPTER EIGHT
"Is she mine?" Adrian asked while staring at me with his cold mad face. "I do not want to fucking assume but damn it! I can feel it, now, tell me if..."
May kung anong bumara sa lalamunan ko dahil sa mga salita niya, napalunok ako at napatingin sa loob ng kotse ni Adrian, kanina pa sana kami aalis kaso hinila ako ni Adrian palayo sa kotse.
"Yenicka! I'm fucking losing my sanity, damn!"
Memories of the lady who came at Missis Vergara's birthday celebration earlier, calling Adrian 'honey' made me confused but after that. Adrian didn't even focused on Jennifer earlier, he focused on his mom and daughter. Hindi ko na alam kung saan ang babaeng iyon, basta hinatid raw ni Adrian kanina sa bahay nito dahil lasing raw bago bumalik dito sa mansion nila. Sakto namang paglabas namin ay siyang kararating niya lang, may remembrance pa ngang lipstick sa leeg eh, kulang naoang ay lagyan ng chikinini.
"No." Pagtatanggi ko. Mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Napatingin siya sa kotse niya kung nasaan naroon ang anak niya. Nagbago ang ekspresyon nito.
Nakaramdam naman ako ng awa, alam ko na hindi ko pa siya lubusang kakilala at kung anong pagkatao niya pero may karapatan rin naman siyang magpakatatay sa anak niya, kaya lang ay mukha siyang may girlfriend? Ayoko namang manggulo kung saka-sakali.
Kita ko sa mga mata ng babae kanina na desidido itong magpapansin kay Adrian, kita ko rin kung paano siya tingnan ng babae kanina.
Napasinghap ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko, napaatras ako sa takot, bumilis ang tibok ng aking puso sa kaba.
I flinched when I felt the cold wall on my back. Inilapit niya ang mukha sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin, ibinaling ko ang tingin ko sa gilid ko kaya ramdam ko ang hininga niya sa pisngi ko. Napapikit ako nang maamoy ang minty breath niya.
"The last time I check, you lied to me. I do not know if I will believe with what you said or not. It's even possible that she's my daughter, we did not used protection so I might popped my semen inside your womb. Probably, my semen and your egg met and I know you knew the rest. Do I have to explain more?"
Masama akong tumingin sa kanya, namumula ang pisngi ko sa mga salita niya. "Bastos!"
He laughed but stopped right away, he looked at me with no emotions on his face. Ito na naman siya. Nakaka-intimidate. I cannot read him.
"Hindi ako ipinanganak sa mundong ito para maging bobo at magbulag-bulagan lang, Miss Romualdez. Always remember the saying 'blood is thicker than water.'"
"Alam mo, kanina pa kita napapansin, Yenicka! Nakakainis ka!" Sigaw at tapik ni Blythe ang gumising sa akin galing sa pagmumuni-muni.
"Ano ba?!" Inis na tanong ko sakanya. Natigilan ako nang makitang luha na lumalabas sa mata niya, bigla siyang napatigil at sinamaan ako ng tingin.

BINABASA MO ANG
Love A Lifetime (Completed)
RomanceVCAD SERIES #1 Yenicka Romualdez celebrated her 21st birthday inside a luxury and a well-known club, she wanted to be happy at her special born day so she accepted the offer of her new trusted friends to go clubbing without her parents' permission...