05

2.5K 150 3
                                    

CHAPTER FIVE

My life was in hell, my dad let go of me because he cannot accept that I got pregnant earlier that he could ever imagine. Itinakwil ako at ang apo niya, may parte sa puso ko na naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya, kagaya ko ay nabuntis si mom nang maaga. Isa na iyon sa dahilan kung bakit sila nagpakasal ng maaga.

Lumuwas akong Paris kung saan nakatira si lola, ang ina ng mom ko. Tinanggap niya ako ng buo at ang magiging apo niya sa tuhod. Doon ako nagpakahirap, doon ko sinanay ang sarili ko na kaya kong gawin ang lahat ng bagay sa sarili ko. Simula kasi pagkabata ko ay lagi ko nalang nakukuha ang gusto.

Mahirap man ay kinaya ko ang pagsubok kung saan ay natapos na ako sa pagbubuntis pero isa na namang nakakatakot pero worth it na pagsubok, ang maging ina sa anak ko.

Hindi siya ko pa siya ipinapakilala sa mga tao, wala ni isang picture niya sa social media dahil ayaw ko siyang pangunahan, paano pala kung ayaw ng anak ko sa industriang ito kung saan ay kilala siya sa mundo, kung saan ay pinagkakaguluhan siya ng mga tao, wala naman siyang sinasabi pero narin siguro na hindi ko pa muna i-bubunyag sa buong mundo ang mukha ng anak ko, sapat na siguro iyong alam nilang may anak na ako para tigilan ako sa pagshi-ship sa iba't-ibang lalaki.

Aaminin kong napakaraming nanliligaw sa akin pero hindi ko sila tinatanggap, wala ni isa, siguro dahil may anak na ako at sapat na kaming dalawa lang ang magkasama habang-buhay.

"Finally, you came."

Marahas akong napabuga sa hangin nang humarap si Adrian sa akin na may ngisi sa labi.

"I thought you wouldn't come, sit." I rolled my eyes at him. Pinaghila niya ako nang mauupuan bago umupo sa tapat ko.

Inaayos ko ang tela para ipatong sa aking hita nang magsalita siya. "You're so beautiful." Mahinang sabi niya. Ngumiti nalang ako dahil sa hiya at saka may kakaiba sa tingin niya. Is he amazed? Amused?

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon saka umayos ng upo. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"While waiting for the food to be served, why don't we talk first, mister Vergara?"

Ipinatong niya ang magkabilang siko sa ibabaw ng mesa saka pinagsiklop ang mga kamay. "Let's talk after we ate. Shall we?" Tanong niya saka itinaas ang kamay. Doon na pumasok sa eksena ang dalawang waiter na may hawak na trays na may lamang pagkain.

I gasped in an awe. "Bakit ang dami naman nito, tayong dalawa lang naman diba?"

He smiled. "Yeah."

"Then why so many? Sigurado ka bang kakainin lahat natin iyan? What if pwedeng isauli?"

"Kung hindi natin mauubos ito ay itake-out natin, madaming naghahangad makakain ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, dadaan tayo ng isa kong pasyente sa bahay-ampunan."

My eyes widened. "Ano?! Akala ko ba mag-uusap na tayo tapos tatantanan mo na ako?!"

"Calm down, remember Hannah?"

"Hannah, who?" I asked, nagkukunwaring walang alam.

"Oh, do not play innocent, Yen. I have eyes all over my hospital, I saw you peeping while Hannah and I talked, gusto ka niyang makilala. And after our talk, I will pretend like nothing happened between us years ago."

I sighed in relief. "Buti naman pumayag kang hinayupak ka." Mahinang bulong ko bago nagslice ng kinain ang lettuce. I love salad, it's healthy.

"What did you say?"

I shook my head. "Nothing."

Tahimik kaming kumakain, nakailan na niya akong niyayang kumain sa labas, he'd always say that we will talk but until now, I do not know what does he want to talk. Kailangan ko nang magtiis sa lalaking 'to, gagawin ko lang ang lahat para tatahimik lang ulit ang buhay ko, ang buhay naming mag-ina.

Love A Lifetime (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon