23

40 1 0
                                    

Nagising ako na nasa tabi ko si Ethan.

"Y-yung baby ko? Ayos lang ba sya? Ethan please.." Naiiyak na sabi ko dito.

"Okay lang sya. Magpahinga ka muna ." Napabuntong hininga ako.

"Thank God." Sabi ko at humiga

"A-akala ko mawawala ka na baby.. ayoko." Napapikit ako. Eto na lang ang ala ala ni Chase saakin. Aminin ko man oh hindi. Mahal ko parin si Chase.

Pero sobrang sakit lang na kaya ko na syang bitawan.

"Pa!" Tawag ko dito ng makita kong pumasok ito ng kwarto ko. Niyakap lang ako nito.

"Ayoko na po dito pa.." Naiiyak na sabi ko.

Gusto kong lumayo. Lumayo kay Mia, kay Chase. Sa lahat ng bagay na nagbibigay sakin ng masasakit na nakaraan.

"A-anak. Gusto mo bang lumipat ng school?" Umiling ako.

"Sa New York pa. Ayoko na po dito. Please papa.." Naiiyak na tumingin ito saakin at tumango

"Sige anak. Wala nang makaka sakit sayo." Sabi nito at niyakap ako. Tuluyan na akong naiyak.

--

Hindi na ako pumasok. Bawal saakin ang ma stress. Kaylangan kong magpahinga sabi ng doktor.

Si papa ay abala sa pag aasikaso ng papel namin ni Leo.

Alam kong mahihirapan si Leo doon. Kaya ngayon pa lang ay nag so-sorry na ako dito. Hindi naman nito maintindihan.

Pinagluto ko si Leo dahil birthday nya ngayon. 5th birthday nya, natutuwa akong masaya ito kahit kami kami lang ang nandito. Si Ethan, Miyu, Manang Oli, si Papa at ako.

Bukas alis na namin. Hindi ko mapagilan tumitig sa picture ni Chase.

"I still love you Chase.." Bulong ko. Aalis ako para kalimutan ang sakit na naidulot mo, ni Mia. At para kalimutan ka.

Umiiyak na sumulat ako ng sulat para kay Chase. Mga gusto kong sabihin sakanya, lahat.

Ang pinag kaiba lang, hindi ko ibibigay sakanya ito.

Dear Chase,
Aalis na ako, bakit? Para kalimutan ka. Sana makalimutan mo din ako. I love you. Alam mo yan, hindi nabawasan, hindi nag kulang, sobra sobra pa na hindi ko na minahal ang sarili ko. Akala ko kasi ikaw na, habang buhay. I was wrong, maling mali. Sobrang sakit, alam mo ba yun? Ang sakit. Kung natiis mo siguro bago ako bumalik, siguro masaya tayo. Chase. Baby love, we're having a baby! Diba ang saya? Tas iiwan mo lang pala ako. Don't worry, hindi mo kaylangan panagutan to. Ako na ang magiging ama at ina nya. Gusto ko sanang ibalik eh. Yung tayo. Pero sobrang sakit. Im sorry Chase, good bye. I love you..

Napahagulhol na lang ako. Ang sakit sobra ng nararamdaman ko, kanina pa natutuluan ng luha ang papel pero wala akong paki.

Hindi ko naman ito ibibigay sakanya, pinaglabasan ko lang ito ng sama ng loob!

Agad kong nilukot ito at binato kung saan.

---

"Tara na anak." Naka simangot na sumunod ako kay papa. Sumakay na ako ng eroplano at tumingin sa bintana.

Nagulat ako ng makita ko si Chase na sumisigaw at hawak ng mga guards.

Tatayo na sana ako pero pinaupo ako ni papa dahil aalis na ang eroplano

"Chase.." Sambit ko.

"Shh Yuri. Wag kang umiyak. Please anak." Pakiusap ni papa, tinignan ko ito at tumango.

Kahit ngayon lang maging matatag naman ako. Pumikit ako at inalis si Chase sa isip ko.

Kahit anong pigil ko, lumabas parin ng kusa ang luha ko, good bye Chase..

--

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon