24

40 1 0
                                    

Chu's POV.

"Mommyyyyyy! Help!!" Halos mabitawan ko ang tong na hawak ko. Nagluluto kasi ako ng almusal, saglit ko lang iniwan ang anak ko ka kwarto at narinig ko agad itong sumigaw

Agad akong tumakbo papuntang kwarto, nginit bago pa ako makapasok narinig ko na ang halakhak nito.

Naabutan kong kinikiliti pala sya ni Ethan. Napa buntong hininga ako. Kinabahan ako doon!

"Mommy! Help me!" Sigaw nito at tumawa ulit

"Daddy!!!" Sigaw ni Sabrina at tinulak ang daddy nya.

Napangiti ako. Ang bilis ng panahon, 5 years past. At lumalaki na rin ang baby girl ko!

Napatakbo ulit ako sa kusina ng maalala ko ang niluluto ko.

Nagulat na lang ako ng yakapin ako ni Ethan mula sa likod.

Simula noong umalis ako papunta dito sa New York, si Ethan ang kasama ko. Nag ojt sya dito at dito na rin nag trabaho.

At hindi ko talaga akalain na maiinlove ako sakanya. Yes! We're now 2 years. And I hope mag tagal pa.

Isa sya sa taong pinaka pinapangarap ko. Mabait, caring, at sobrang mag mahal. Even Sabrina, alam naman nating anak ko sya kay Chase, pero tinanggap nya ito ng walang alinlangan.

"Ang bait naman ng soon to be misis ko." He chuckled.

"Mabait naman talaga ako." Tawa ko.

Kinuha ko ang bacons and hotdog na niluto ko at inilagay sa plato.

Sunod akong nag luto ng itlog.

"Leo! Kain na!" Tawag ko dito

"Hoy. Wala kang balak bitawan ako?" Tumawa lang sya at hinalikan ako.

"Eto na misis." Sabi nya at hinalikan ako sa labi bago kumalas sa pagkakayakap.

"Yiee mommy, daddy!" Tukso ni Sabrina sa amin.

Tumatawang binuhat ito ni Ethan at inupo sa lap nya.

"Anong gusto mo baby? Hotdogs or bacons?" Tanong ni Ethan kahit alam na nya ang sagot.

Mahilig si Sabrina sa hotdogs. Kaya ng sumigaw si Sab ng hotdogs ay agad na tumawa si Ethan.

"Morning!" Bati ni Leo, pinaupo ko ito at nilagyan ng pagkain.

"Ate naman!" Reklamo nito

"Kaya ko na. Binata na ko." Ngumiti ako at hinayaan syang kumuha ng pag kain nya.

Nang matapos kaming kumain ay nag ligpit ako.

Naabutan ko silang nasa sala lahat, si Ethan at Sab ay nanunood ng Frozen. Si Leo naman ay panay ang cellphone.

Agad akong tumabi kay Ethan na kandong si Sab.

"Mommy!" Sabi nito at saakin naman kumandong.

Agad kong niyakap ito.

"Thank you." Mahinang sabi ko kay Ethan.

Ngumiti ito at hinalikan ako.

"Yieee mommy and daddy!" Sigaw ni Sab.

"Ako po walang kish?" Agad namang hinalikan ko ito sa pisngi, pati si Gab.

"Ate, alis lang ako." Sabi ni Leo at tumayo

"Sige, text mo na lang ako." Tumango ito at hinalikan muna si Sab bago umalis.

Simula ng dumating si Sab sa bahay namin, naging mas masaya ako.

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon