26

40 0 0
                                    


Simula ng araw na iyon, hindi ako tinantanan ng tawag ni Chase. Kaya nag palit ako ng bagong number

"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Joyce

"Omg girl!!!! Nandito ka na talaga! I miss youuu!" Sabi nito

"Yung inaanak ko? Gusto kong makita ng live shems!" Sigaw ulit nito natawa ako

Binigay ko yung address namin, nakalimutan na ata ng bruha.

"Yuri! Yuri!!!" Agad kong binuksan ang pinto ng marinig ko ang boses ni Joyce

"Owemgeeeeeee!" Sigaw nya ng makita ako.

Niyakap ko ito. I miss her so much!

"Na miss kita ng sobra! Kaloka ka!" Sabi nya. Hindi naman kami nawalan ng contact ni Joyce. Lagi kaming nag s-skype noon. Nakikita nya si Sab. Kagit sa skype ay nag drama ito ng maghiwalay sila ni laway. Pero di nagtagal, bumalik rin ang bruha.

"Sab! Baby Sab!" Sigaw nito ng nag bitiw kami ng yakap

"Grabe.. Ang laki mo na Leo, dati ang bata bata mo pa. Ang gwapo mo na." Napa iling ako. Ang daldal talaga nito. Pero kahit ganon, mahal na mahal ko yang baliw na yan.

"Hehe grabe ate Joyce. Salamat po." Nagkakamot ng ulong sami ni Leo.

Hindi ako mag tataka kung bigla na lang may mga babaeng magkagulo sa kapatid ko.

11 palang ito pero ang gwapo na. Noon sa NY ay may nanliligaw pa nga rito. Dito pa kaya? Ang lakas ng dating nya sa mga babae.

"Ninaaaaang!" Sigaw ni Sab ng lumabas ng kwarto

Naalala ko kapag kausap namin si Sab sa Skype ay lagi nyang pinapa alala na ninang sya ni Sab.

"Omyghad naalala mo ko!" Sigaw niya

"Tara labas tayo! Libre ko!" Sabi nito

"Yeheeeey!" Sigaw ni Sab.

"J-joyce, kayo na lang ni Sab kung gusto mo." Ayoko muna umalis ng bahay. Ayokong makakita ng kakilala ko noon. Mga taong kilalang kilala ko. Lalo na si Chase.

"Wag kang kj girl! Paliguan mo na sa baby. Tara na!!" Excited na sabi nito

"Pero Joyce.." Reklamo ko

Sa huli ay wala akong nagawa. Naisama pa nga nya si Leo na ayaw lumabas.

"Joyce cr muna ako." Kakatapos lang namin kumain, at naiihi na ko.

"Sige, arcade lang kami! Tara na Leo!!" Sabi nito, tumango ako at hinanap yung c.r

At dahil nakalimutan ko na kung nasaan ang cr ay nalilito pa ako. Nagtanong tanong pa ako bago maka punta ng cr.

"H-hoy!" Sigaw ko ng hindi mag bukas ang cubicle ng cr. Nanlamig ako ng tahimik ang cr.

Sa bandang dulo kasi ito ng mall, pero bago ako mag cr, may iilan namang babae ang nandito.

"H-hindi magandang biro to ah!" Sigaw ko.

Gagapang na sana ako sa ilalim ng bumukas ito.

"Yuri." Isang malamig na boses ang tumawag saakin. Sht!

Gusto kong sambitin ang pangalan nya ngunit ayaw lumabas ng mga salitang gusto kong sabihin.

Sht! Bakit kaylangan biglaan?

Bakit? Ngayong nakita ko ulit sya, bakit ganon? Kumirot ulit ang puso ko. Kasabay noon ang pag bilis ng tibok nito.

Fck. Napa pikit ako at napahawak sa dibdib ko. Sht bakit ganto?

Ang lakas parin ng epekto mo sakin Chase.

--

A/n: Aabot pala ng 30 to 40. At gusto ko na i type yung pov ni Chase. Haha omg. Nasa kalahati na ko, yehey! Let's celebrate. May matatapos narin akong story I guess? Haha

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon