13

67 2 0
                                    

Chu's POV.

"Sabing ito nga e!!" sigaw ko kay Chase. Ayaw kasing magpatalo.

"Sige ayaw mo nito? Umuwi ka na lang." sumimangot ako sa sagot nya.

"Inaya mo ko tas--. Uuwi na nga ako." hindi ko na tinuloy ang dapat sasabihin ko. Nakakainis to si Chase

Bigla na lang nya ako hinila sa gusto kong movie.

Nakaupo na kami sa sinehan pero di ko sya pinapansin. Kumakain lang ako ng popcorn

"Sorry." narinig kong sabi nya pero hindi ko parin sya nililingon

Kanina pa sya sorry ng sorry. Bahala sya

"Fcking shit!" napatingin ako sakanya. Tama bang sumigaw?

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Pansinin mo na kasi ako." umirap lang ako at nanood

"Aish. First date natin sabay ganto!" naningkit ang mata ko

"Sinisisi mo ba ko?" tanong ko sakanya

"Hindi. Pansinin mo na kasi ako." hindi ko sya pinansin.

"Baby love.." tawag nya

"Aish naman." nakita kong tumayo sya at..

lumuhod sa harap ko!

"Ano ka ba Chase!! Tumayo ka nga!" sigaw ko sakanya. Nakatingin na ang ibang tao saamin

"Oo na. Papansinin na kita. Just get up!" tumayo sya ng naka ngisi.

"Good girl." sabi nya habang inaakbayan ako

"Dumada moves ka nanaman. Manyak ka talaga." sabay hampas ko sa braso nya

"Sus. Gusto mo rin naman!" bulong nya saakin

lumabas kami ng sinehan ng tumatawa. Ang landi nya kasi. Wala akong naintindihan sa movie

"Let's eat." tumango ako

"Saan?" tanong nya

"Hmm mcdo ays na ko." ngumiti sya saakin at nagpunta kami ng mcdo

"Saan tayo?" tanong ko sakanya. Naglalakad kami, kakatapos lang kumain.

"Hmm di ko alam." napaka gandang sagot

maaga pa kasi. 2:30 pm

"Simba tayo?" tanong ko sakanya. Kumunot ang noo nya

"Bakit? Ayaw mo ba?" parang nag iisip pa sya

"Baka masunog ako." natawa ako

"Tara na." nag punta kami sa victory at nag simba.

4 pm natapos. Naglalakad na kami pauwi.

"Samin ka muna?" tanong nya, tumango lang ako dahil busy ako sa phone ko

"Sino nanaman yang ka text mo?" tanong nya saakin

"Wala. Nag sasave lang ako ng picture mo." sabi ko habang nag iinternet. Nakita kong nagpipigil sya ng ngiti

"Binura mo na ba?" naka kunot noo akong tumingin sakanya

"Ang alin?"

"Your fcking Elijah." napa hagikgik ako. Syempre hindi ko i dedelete ang aking Elijah no! Gumawa ako ng folder na puro tungkol kay Ej at may password.

"Opo boss." Sorry boss. Sa isip isip ko.

"Good." habang na ta-traffic kami nakita kong kinabit nya ang cell phone nya at nag patugtog.

"Ikaw pumili." binigay nya saakin ang cell phone nya.

Pumili ako ng isang kanta

Boy in Luv ng BTS. Aheheks

"Bat meron ka ng mga gantong kanta?" nakakapagtaka lang. Hindi naman kasi sya k-pop fan

"K-pop fan ka e. Kaylangan." ngumiti ako

Kinalkal ko pa ang cell phone nya. Nakakita ako ng picture ko kanina habang nanonood. Leche.

Nagulat ako ng i-home ko ay nakita ko ang wallpaper nya

"U-huh!" narinig kong sabi nya. Yung picture na nakita ko noon sa kwarto nya. Yun ang wall paper nya.

"Sabi na matutuwa ka." sabay halakhak nya.

Nang makarating kami sa bahay nila, nakita ko si Chester na naka higa sa sofa

"Hi Ches!" bati ko dito. Ngumiti ito ng pilit at nanood ulit ng tv

"Problema nun?" tanong ko kay Chase habang hinihila ako papunta sa kwarto nya

"Ewan ko. Hindi na tao yan." natawa ako sa sinabi nya.

Pagkapasok namin sa kwarto nya nahiga ako sa kama. Na miss kong matulog dito

Binuksan ko ang tv at nanood.

Nasa banyo si Chase. Naliligo ata.

Ano ba to. Bat nakaka antok panoorin si spongebob? The hek?

"Hoy!" napadilat ako sa sigaw ni Chase

"Kain muna tayo." Umiling ako at nahiga. Niyakap ko ang hotdog na unan ni Chase. Amoy Chase. *o* Aheheks

Naramdaman kong humiga sya sa kama

"Kain na muna." umiling ulit ako.

"Ayaw. Inaantok ako." sabi ko ng naka pikit

"Fine, then let's sleep." hindi ko na sya pinansin, kaso bigla nyang inaagaw yung hotdog! Waaah

"Akin na yan Chase. Matutulog na ko." inaantok kong sabi

"No. Ako ang yayakapin mo. Hindi itong unan na ito." kumunot ang noo ko

"Kasi naman e." angal ko pero tinapon nya malapit sa cr yung unan. Grabe! at dahil tinatamad akong tumayo tinalikuran ko na lang sya at niyakap ang ibang unan

"Not this." inagaw nya ulit. Argh! Kainis

bigla na lang nya kinuha ang braso ko at iniyakap sakanya.

pinaunan nya saakin ang braso nya.

"Now let's sleep." hinampas ko sya sa dib dib nya

"Manyak ka talaga." narinig kong tumawa sya bago ako makatulog

Nagising ako dahil sa kinakapos na ako ng hininga. Pag mulat ko si Chase na pinipirat ang ilong ko habang natawa

"Chase naman e." namamaos kong sabi sakanya.

Kinuha nya lang ang kamay ko at nilagay sa mukha nya

"3 am na misis. Tumawag na ang papa mo. Sabi ko naka tulog ka na dito." napabangon ako. Madilim na nga.

Hinila nya ulit ako pahiga sakanya at niyakap ako.

"Hindi ako nakatulog." tinitigan ko sya. May eyebags na.

"Bakit?"

"Nasa tabi kasi kita. Kinikilig ako na ewan. Feeling ko asawa na kita." napatawa ako at pinitik ang ilong nya

"Cheesy Chase." Tumawa lang ulit kami.

Hindi na ako nakatulog, samantala si Chase, tulog na tulog na.

Napagdiskitahan ko ang cell phone ni Chase

Habang nangangalkal ako hindi ko inaasahan na may makikita pa akong pictures nila ni Mia...

At ang title ng folder? Baby love.

Parang gusto ko maiyak na lang bigla.

---

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon