14

84 2 0
                                    

Chu's POV.

Nagising akong wala si Chase sa tabi ko. Naiiyak ako sa nakita ko.

Ano ba ako? Panakip butas ng nasayang na relasyon nila ni Mia?

"Baby love.." bumalik ako sa pagkakahiga at nag panggap na tulog.

"Yur-- hays." Narinig kong buntong hininga nya

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ng kama at hinawakan ang pisngi ko

Narinig kong bumuntong hininga ulit sya at umalis.

Nang pumasok si Chase sa banyo, agad akong tumayo at umalis

"Oy Yuri! San punta?" tanong ni Ches

"H-hah? A-ano uwi na. Bye!" tumakbo na ko palabas at nag jeep pauwi.

Nang nasa kwarto na ako at nakaligo, doon ko lang napag tantong naiwan ko yung cell phone ko sa lamesa ng kwarto ni Chase.

Wala muna akong balak magpakita sakanya. Gusto kong linawin yung folder na nakita ko pero...

Alam ko kung paano nya minahal si Mia noon. Na pati buhay nya kaya nyang isugal. Saksi ako..

"Ate.." biglang pumasok si Leo sa kwarto ko

"I miss you." naka ngusong umupo ito sa kama ko. Dala nanaman nya ang camera nya.

Oo, camera na NYA. Hays si Papa talaga.

"Awww. Haha pa hug nga." niyakap ko si Leo habang ang buong isip ko ay nakay Chase.

Hindi na ko magiging plastik sa saili ko. Alam ko nasasaktan ako

Napatingin ako sa wall clock 3:40 pm na.

"Gusto mo ng meryenda?" tanong ko kay Leo, agad namang nag ning ning ang mata nya

Nag bake ako ng cupcakes na kinain namin ni Leo.

"Ate pwede favor?"

"Ano yun?"

"Pwede samahan mo ko sa fieldtrip? Busy po kasi si papa e."

"Ha? Kelan ba yan?"

"Bukas po. Please ateee." nag beautiful eyes pa ang loko.

"Okay. Aabsent ako bukas." sabi ko at niligpit ang pinagkainan namin

"Waaaah! Thank you ate! Thank you!!! Yey!" Hinila ako ni Leo at kiniss.

Aww ang sweet. Haha

--

"Woahhh woahhh!!" sigaw ni Leo habang sumasakay kami sa bus.

Sa dulo na kami nakaupo dahil sa puno na.

"Ate picture tayo." Dala ko lang ang iPad ko. At cell phone na cherry mobile na de pindot. Hindi ko pa kasi nakukuha yung cell phone ko kay Chase

Nagpicture kami sa iPad ko. Ang cute ni Leo. Aheheks.

"Ate.." napatigil ako sa pag pipicture ng tawagin ako ng batang babae na katabi ni Leo

"Pwedeng sumama?" ngumiti ako st tumango

"Oo naman!" biglang sumimangot si Leo

"O bakit?" tanong ko

"Ayaw ko sya kasama. Bad girl kaya yan." sabay irap nya dito

"Oy hindi kaya Leo. Good girl ako!" Apila ng bata

"Anong pangalan mo?" nakangiti kong tanong sa bata

"Miyu po."

"Ang cute naman. Tara picture tayo. Wag natin sama si Leo." humagikgik yung bata. Ang cute

Nag picture kami ng mga wacky at iba pang pose. Sabay sumama na si Leo

Tawa ako ng tawa sa picture naming tatlo.

"Ayaw mo palang sumama ha?" tawa ako ng tawa. Kasi umakbay pa sya kay Miyu makasama lang sa picture.

"Kuya sama ka!" Sabi ni Miyu sa katabi nya at bigla itong ngumiti sa camera. Edi ako si picture. Ngumiti na sya e.

"Ethan." sabi ng kuya ni Miyu at nakipag shake hands.

"Chu. Yuri Chu." Ngumiti ako. Nakakailang.

"Ate Yuri.." tawag ni Miyu

"Po?"

"Bagay po ba kami ni Leo?" nanlaki ang mata ko at natawa

"Oo. Pwede." Sabay halakhak ko. Si Leo kasi halatang naiinis.

"Yieee kilig." sabi ni Miyu at tumingin kay Leo. Sinamaan ako ng tingin ni Leo, tinawanan ko lang sya.

Nag upload ako ng pictures namin, may dala akong pocket wifi.

Nang makarating kami, panay ang pa picture ni Leo sa mga animals. At kung ano ano pa. Hindi na humiwalay si Miyu. Madalas nga lagi silang magkasama sa picture.

Nang dumating ang lunch, kumain kami kung saan pwedeng kumain.

"Anong gusto nyo?" napatingin ako kay Ethan.

"Fried chicken kuya!" tumango si Ethan at tinanong rin si Leo

"Chicken rin po!"

"Sayo?" kumunot ang noo ko.

"Bat ililibre mo ba kami?" tanong ko. Tumatawang tumango ito

"Kahiya pero sige. Hehe Chicken na lang rin. Salamat."

Habang kumakain kami si Leo picture parin ng picture

Tapos na ako kumain at nag fb muna ako habang hinihintay silang matapos.

Halos mamutla ako sa message ni Chase saakin

Who the fck is that Yuri?! Where the fck are you?!

5 mins ago..

Nagulat ako ng mag chat ulit sya

Nasan ka Yuri?! Fck that guy. Sino yang kasama mo?!

Nag offline na lang ako. Nakakatakot sya. Parang nakikita ko na yung mukha nya.

"Tara na?" And the rest was history.

Lol. Nakakapagod si Leo. Takbo dito takbo jan. Nang makasakay na kami sa bus pauwi. Nakatulog ako.

Ginising na lang ako ni Ethan ng nasa school na kami.

10:30 na. Mag j-jeep pa kami. Hindi kasi ako marunong mag drive kaya hindi ako pinag dala ng sasakyan

"Saan kayo? tanong ni Ethan habang karga si Miyu. Tulog na. Napagod siguro.

"Uuwi na. Sasakay nang jeep." nagkukusot na ng mata si Leo

"Tara na Leo. Sa bahay ka na matulog." sabi ko dito

"Ah salamat Ethan. Bye!" naglalakad na kami ng hintuam kami ng sasakyan

"Sakay na kayo. Kawawa naman si Leo oh!" at dahil ayoko narin mamasahe, sumakay na kami.

"Salamat Ethan." sabi ko at bumaba ng kotse, at binuhat si Leo.

"Wala yun. Next time ulit." napa ngiwi ako. Anong next time? Sa field trip uli?

"Sge bye!" Sabi ko at naglakad na papasok. Humihikab na ako. Kapagod

"Fck that Ethan.." napa tingala ako sa nag salita.

"C-chase!" nagulat ako ng makita sya sa tapat ng bahay.

--

Follow me on Ig: @mickeydyosa

(Sa may mga gusto lang.) Salamat!

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon