17

64 1 0
                                    

Chu's POV.

Laway:

Kamusta?

Kakauwi ko lang galing mall kasama si Minchi. Yep, ngayon lang natuloy ang bonding namin.

Christmas vacation narin. It means malapit narin ang alis namin.

Ako:

Ays lang naman. Ikaw? Balita ko may nililigawan ka ah? hmm

Sya:

Tss. Kanino mo nalaman yan?

Ako:

Minchi. Haha

Sya:

Tss. Napaka daldal. Kayo kamusta ni Chase?

napangiti ako. Naalala ko yung araw na nag confess sya saakin.

Flashback

(A/n: nakalimutan ko isingit. Pasensya. Kaya naging cold si laway kay baliw kasi may feelings sya. Nangyari ang flashback na to ng maging si Chase at Chu.)

Kakatapos ko lang mananghalian ng matanggap ko ang txt ni laway

"Kita tayo Chu." -laway

"Saan? Bakit?" reply ko dito

"Sa mall, pwede?"

"Sge. Maliligo lang ako." hindi na ito nsg reply

Ng makita ko sya, sa jollibee daw kami. Sumunod lang ako. Masyado syang seryoso. Kinakabahan ako

"May gusto ka ba?" tanong nya ng makaupo kami. Umiling lang ako.

Tumayo sya at umorder ng para sakanya... at akin.

Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang pagkain.

"A-ano bang pag uusapan natin Chase?" tanong ko habang kinakain yung ice cream

"M-may sasabihin sana ako." tumango ako

"Gusto kita Chu." nalaglag ang panga ko.

"H-huh? Pa-paano? Pero.." ngumiti lang sya saakin ng malungkot

"Alam ko... wala namang nagbago diba? Mahal mo parin sya diba?" binitawan ko na ang ice cream na kinakain ko.

Hindi ko kayang saktan sya.. pero mahal ko si Chase. Tumango lang ako

"Alam ko naman.. sadyang tanga lang ako at.. at pinilit ko parin yung nararamdaman ko. Sorry Chu."

Tumulo ang luha ko nang makita kong umiiyak sya.

"Derrick.. sorry." gusto ko syang yakapin. Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo, tumayo na din sya.

"Wag ka na umiyak. Sige ka paangit ka." natawa ako habang humihikbi.

Naglalakad na kami palabas ng jollibee. Nakakahiya umiiyak ako. Oo, ako na lang, dahil tumahan na si Derrick

"Baliw ka talaga. Basta pag may problema ka wag kang mahihiyang mag sabi parin sakin ah?" tumango ako at niyakap sya. Kahit nasaktan ko sya, hindi ko man sadya. Nasaktan ko parin sya

Atlease, maayos na kami ngayon. Hindi na awkward kung sakali mang maguusap kami. (End of flashback)

Nang matapos ang kamustahan namin ni laway.

Humilata lang ako sa kama. Wala na naman akong gagawin. Mag luto kaya ako?

Palabas na ako ng kwarto ng pumasok si Chase dito.

"Oh bakit?" tanong ko dito

"Let's go?"

"Saan naman?" takang tanong ko dito.

"Date." at lumapad ang ngiti nito

"Kararating ko lang sa date namin ni-- ahhh ibaba mo ko Chase!" binuhat ako nito at ang bag ko palabas ng bahay namin

"Sumama ka sa ibang lalaki, tas saakin hindi ka sasama. No way." ibinaba ako nito at isinakay sa sasakyan nya

"Date namin ni Minchi ano ka ba!" bulyaw ko ng makapasok sya sa sasakyan

napalitan ang kunot nyang noo ng ngiti.

"Then good. Sasama ka parin sakin." at pinaandar nya na ang kotse nya. Napatingin ako sa side mirror nya

Shocks baka ang pangit ko.

"Ang oily ko. Ang haggard ko pa. Ang pangit ko!!!" maktol ko

"No. Your beautiful. And it's killing me." bumuntong hininga ako. Di ako naniniwala. Charought! Oo na. Kinikilig ako

kinuha ko ang bag ko sa dashboard ng sasakyan nya at nag ipit ng buhok. Nag pulbos narin ako para magmukha akong tao.

"Ba't kaylangan pa nyan?" sabay agaw nito sa lipstick na ilalagay ko sana sa labi ko

"Masama ba? Naka lipstick naman ako kanina ah?"

"No. Your not going to put that fcking lipstick!" napasimangot ako

"Sama mo! Bakit ba?"

"Sa tingin mo ba magugustuhan kong tignan ng mga lalaki yang labi mo? No way!" Malamang may mata sila no! bumaba na ito at hinihintay na lang ako

"Ang tagal mo!" bumaba lang kasi ako sa sasakyan ng malatag nya na ang sapin sa damo.

"Aish. Sa susunod aalis ka na. Wag mo ngang sayangin yung oras." sabi nito at hinila ako paupo

Naluluha akong tinignan sya. Parang ayoko na lang umalis..

--

(A/n: siguro 40 chapters lang ang story na ito. Or less? Hindi sya ganun kahaba gaya ng inaasahan ko. Hahaha. Thank you for still reading this.

-Asawa ng Bangtan, Exo, CN Blue ♥)

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon