19

28 1 0
                                    

Chu's POV.

"Chase sagutin mo yung tawag ko." mag n-new yr na at hindi parin ako pinapansin ni Chase. Nagtatampo kasi

"Don't talk to me Yuri." reply nito sa text ko.

Natatakot na ko... ayokong mag isip na buntis ako pero...

Lagi akong may morning sickness, paglilihi nga ba ang tawag sa pagkain ko bigla ng siopao?

At.. ngayon ko lang napansin. 1 week na kong delay...

New yr mamaya. Naatat na akong umuwi. Hindi ako makapag open ng fb dahil nawalan ng wifi. Ayun txt lang ako ng txt kay Chase na hindi naman nag rereply.

"Chu." -laway

Nagulat ako sa text nito.

Ako:

Oy. Bakit?

Sya:

Nakita mo na ba yung news sa fb? Mga pictures?

Ako:

Huh? Hindi pa ako nag bubukas ng fb e. Wala kaming net dito.

Sya:

Bumalik ka na dito. Pls.

Kinabahan ako sa reply nya. Parang naiihi ako na ewan.

Ako:

Bakit? Bukas na uwi ko. Wag ka ngang ganyan. Kinakabahan ako sayo Derrick!

Sya:

Fck! Ang gago talaga ng syota mo. Kung hindi pa sinabi saakin ni Joyce..

Ako:

Anong meron kay Chase? Laway naman e...

Hindi na ito nag reply. Ng makauwi kami sa Pilipinas, kahit may jetlag pa ako ay binuksan ko agad ang fb ko.

And there...

Mga pictures ni Chase kasama si Mia...

Sa Bar, sa kwarto nya.

"Chase..." tawag ko habang naiiyak na. Bakit naman ganito?

Nakita kong si Lyn lahat ang nag upload nun at naka tag pa ako sa lahat ng pictures at isang video.

Video-ng hinahalikan ni Chase si Mia, kulang na lang sa kama na sila pumunta. Naririnig ko ang mga tawanan ng mga nag v-vidio.

Damn!

"Chu." narinig kong boses ni laway sa labas ng kwarto ko

Agad kong binuksan ito at niyakap sya. I badly need a friend..

"I bring Joyce here. Well I'm a guy. Hindi ko masyadong mapapagaan ang pakiramdam mo. She's nice." tinignan ko bigla si Joyce. Ang naghatid saakin noon sa music room ng hinarana ako ni Chase

Tumango ako kay laway. Kaylangan rin pala nyang umalis at. Girlfriend nya si Joyce.

"Uhmm sorry Joyce. Wag ka sanang magagalit sa pag yakap ko kay Derrick ah? Kaylangan ko lang talaga ng kaibigan." ng matapos ko ang sasabihin ko niyakap nya ako.

"Wag kang mahiya sakin ah? Mag share ka lang. Makikinig ako." ngumiti ako habang kinukwento ang mga nakita at napanood ko na mukhang alam na nya

"Ang sakit sakit Joyce... si Mia. Kilala ko sya. Pero.. bakit.." napa hagulhol na lang ako sa iyak

"Buntis ata ako Joyce." sabi ko habang umiiyak

"What?!" tumango ako

"Sure ka na? Nag PT ka na ba?" umiling ako

"Natatakot ako. Sa mga morning sickness ko noong nasa New York pa ako.. nag lilihi pa ata ako sa siopao bigla. Hindi ko naman paboritong pagkain yun.."

"Jan ka lang ha? Bibili lang ako ng Preg. Test mabilis lang to. Fck!" sigaw nya at umalis na lang bigla.

--

"Omyghad Chu!!!" sigaw nya ng makita ang dalawang guhit sa PT

Confirmed. Buntis nga ako. At ang ama ng batang dinadala ko? Ha-ha wag na lang.

"Yuri.." nagulat ako sa boses ni Papa. Nalaglag ni Joyce ang Pregnancy test na hawak nya

Isang sampal ang inabot ko kay papa. Napa iyak na lang ulit ako.

"Anong--" Si papa. Hindi nya na maituloy ang sasabihin nya.

Nakita kong naka silip si Leo sa pinto at umiiyak. Kahit hindi pa nya ganun naiintindihan, pero dahil sa nakikita nya. Nasasaktan sya

"Ate.." tumakbo si Leo saakin at niyakap ako

"Papa. Wag mong saktan si Ate..." naiyak ako.

"Leo.." tawag ko dito. Umiling lang ito

Sinulyapan ko si Joyce na nakatakip ng kamay ang kanyang bibig. Pinipigilan ang pag hikbi

"Dun ka muna kay manang.. sige na baby." sabay humikbi ako uli

Umiling ito saakin

"No. Ayaw. Sasaktan ka ni papa." napaiyak na lang ako sa sagot ni Leo

Lumabas si papa at narinig kong may nabasag. Sht..

"Magpahinga ka muna Y-yuri..." tawag ni Joyce saakin.

Kahit ayaw ko. Pinahiga nya ako sa kama. Tumabi lang si Leo saakin.

"Isusumbong ko sya kay kuya Chase.. sabi ni kuya Chase pag may nanakit sayo sabihin ko sakanya." sabay pahid ng luha nya

"No baby.. wala na kami ng kuya Chase mo. He also hurt me.." sabi ko dito.

"I will be your super hero ate. Ako na lang ang mag tatanggol sayo."

Napaiyak na lang ako sa sinabi ni Leo.

--

Kinabukasan. Kahit ayaw ni Joyce, laway at nila Papa na pumunta ako ng bahay nila Chase. Pumunta ako.

Gusto ko lang linawin kung meron pa bang kami?

"Manang si Chase po?" tahimik na tinuro nito ang kwarto ni Chase. Ngumiti lang ako

Pag bukas ko ng pinto, hindi ko inaasahan na ganto ang madadatnan ko.

Si Mia.. at si Chase. Sa iisang kama.

"Chase.." halos bulong na lang ang lumabas sa bibig ko at nagsi-unahan nang lumabas ang luha ko..

--

(A/n: pasensya na po sa matagal na update. Nagpalit kasi ako ng phone. Inulit ko yung tinype ko. Kaya natagalan. Btw sana nagustuhan nyo.

Asawa ng Bangtan, Exo, at CN Blue ♥♥♥ )

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon