22

27 1 0
                                    

"Chase!" Nabasag ang boses ko ng sigawan ko ito, napahinto ito at tinignan ako.

Ngunit kinaladkad parin ako nito. Nandito kami sa garden ng school, wala masyadong tao.

"Pakinggan mo muna kasi ako!" Sigaw nito. Pumikit ako ng mariin.

"N-nilasing lang ako ni Mia.. kaya naabutan m-mo kaming ganun.." nakatingin lang ako ng paa ko. Ayokong tignan ito

"Really?" Kung akala nya ay maniniwala ako, hindi ako tanga. Sinampal ko ito at agad na tumulo ang luha ko.

Ano ilang beses syang nilasing? Oh nagpalasing? Nasa new york palang ako. Nakita ko na.

"Stop it Chase." Namutla ito sa sinabi ko

"Naloko mo na ako noon, hindi na ngayon." Sabi ko rito at naglakad paalis

Ang sakit. Sobrang sakit. Pero bakit ganun? Mahal ko parin sya?

"Yuri... maniwala ka naman." Hinarangan nito ang daraanan ko. Nakita kong tumutulo narin ang luha nito

Tuluyan na lang akong napa iyak. Ano bang ginawa ko? Bat kaylangan ko masaktan ng ganito?

Sa huling pagkakataon, niyakap ako nito at nagpayakap ako.

"Chase.. ang sakit. Sobrang sakit." Sabi ko dito. Hinalikan nito at ulo ko

"Shhh. Mahal kita Yuri." umiling ako

"No. You dont love me. You never loved me. Yun ang totoo." Tinulak ko ito.

"Minahal kita. At minamahal parin kita Yuri. Maybe you wont believe what I'm going to say but.. I will love you forever Yuri. Tandaan mo yan." Hindi ko pinansin ito at tinalikuran ko na sya

Agad kong tinext si Ethan, nasa labas na ako ng school at inaantay sya.

Pinilit kong patahanin ang sarili ko.

"Look who's here." Napatingin ako kay Mia

"Crying again? Ha-ha. Ang landi kasi." Napataas ang kilay ko dito.

"Simula pa lang, alam mo nang kami talaga ni Chase, but what? Sinulot mo parin. Nawala lang ako. Buti nga sayo. Serves you right?"

"Simula pa lang, alam mong mahal ko si Chase, but what? Nilandi mo. Best friends tayo Mia!" Sigaw ko dito, hindi ko na makontrol ang galit ko

"Nilandi mo. Then what's next? Syempre naging kayo. naiwan ako sa ere. Tayong tatlo, sinabi ko na sayo na gusto ko si Chase noon. Pero ang galing mo ding lumandi no?" Tumawa ako.

"Wala akong kaibigang katulad mo Yuri." Nanikip ang dib dib ko

"Y-yeah. Marahil bata pa tayo noon, pero now? Im thankful that hindi na kita naging kaibigan. Sobrang thankful." Ngumiti ako ng pilit dito

"Nakakasuka kasi ang ugali mo. Di na ko magugulat kung makikita kita sa basurahan. Plastik eh." Mataray kong sabi dito

Sa sobrang inis nito, tinulak ako nito. Tumama ang likod ko sa pader at agad napaupo ako.

"Ahhh!" Daing ko.

"Sht.." Nanlilisik ang mga mata ko ng tinignan ko ito. Tatayo na sana ako ng naramdaman ko ang dugong umaagos sa binti ko

"Omy.." Napahawak ako dito. Agad na bumuhos ang luha ko.

"YURI!" Napatingin ako sa sumigaw, It's Ethan.

Umiiyak na yumakap ako dito.

"Fcking shit!" Mura nito at binuhat ako.

Not my baby please..

--

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon