29

30 0 0
                                    

Chu's POV.

Nakatulog akong iniisip ang mga sinabi ni Chase. Iba na kasi, nandito ai Ethan, masasaktan ko sya.

Kaylangan kong pag isipan ang nga bawat desisyon ko.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Chase, naalala ko kasi noong high school at college ako.

Patay na patay ako dito. Na tinatawanan ko na lang ngayon. Hindi mo naman kasi makakaila na gwapo ito. Syempre naiilang na lang ako ngayon dahil ex ko ito.

Bumangon ako para mag handa ng pagkain namin, nag txt narin ako kay Ethan pero hindi nag reply.

Naglalagay na ako ng pagkain sa lamesa ng may mag dorbell, agad kong binuksan ang pinto. Kahit nag aalangan ako dahil malamang si Chase ang pinunta nila dito

"Oh! Yuri!" Sigaw nito

"T-tito.." Nahihiya kong sambit dito, papa ni Chase

"Nagkita na kami ng papa mo, ang laki mo na talaga. Ang ganda mo parin hija!" Sabi nito, mas tumanda na ang itsura

"Salamat po. Pasok po kayo." Sabi ko, tumango ito

"Si Chase, nasaan?" Tanong nito

"Nasa kwarto po. Kain po kayo, nag luto ako." Sabi ko umupo ito sa hapag

"Mommy.." Tawag ni Sab

"Gising ka na pala. Kain ka na baby?" Tumango ito at umupo sa tabi ni tito

"Hello po!" Ngiti nito

"Hello rin. What's your name?" Tanong ni tito, ilang na ilang ako ngayon. Nahihiya ako sa ama ni Chase

"Sabrina po." Sabi nito at ngumiti

"Mommy, tawag kayo ni daddy. He wants you for breakfast daw po." Tuloy tuloy na sabi nito, nasamid ako at narinig kong tumawa si tito

"Hay nako.. tumatanda na talaga ako. Kay ganda naman ng apo ko." Sabi nito at sumubo ng pagkain

"Paano pong.." Bulong ko

"Sinabi ng papa mo. At hindi namang mapagkakailang kamukha ng anak ko itong batang to." Sabi nya, tumango lang ako

"Pasensya na po kung hindi nyo agad nakita si Sab. Kasi alam nyo naman po.." Nahihiya kong sambit

"Naiintindihan ko. Maloko talaga ang batang yon. Noong nawala ka, lalong nag loko, ngunit hindi sa babae, sa alak nga lang." Umubo ito ng hindi ako sumagot. Ano naman kasing isasagot ko?

"At natutuwa akong nagkabalikan na kayo. Kelan pa? Hindi nyo man lang ako sinabihan." Tumawa ito

"Nako, hindi po tito." Iling ko habang tumatawa

"Hindi po--"

"Good morning!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Chase

"Oh pa, anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw ka of course, well how are you son? Seems like very happy huh." Sabi ni tito

"Yeah. Very very happy." Sabay tingin nya saakin at sumulyap kay Sab. Ngumiti ako ng awkward

"Well, aalis rin ako mamaya. Just drop by. Let's eat." Sabi nito

Si Sab ang nag lead ng prayer bago kami kumain

"Uuwi na rin po kami tito." Sabi ko matapos mag ligpit

Bwisit na Chase to. Hinayaan lang ako mag ligpit at maghugas ng mga pinag kainan. Ano instant yaya huh?

"I thought dito na kayo naka tira? Diba nagkabalikan na kayo?" Umiling ako

"Hindi po pa. Haha nag lasing lang po yan kagabi that's why we're here. Wala kasing mag aalaga." Sabi ko at binuhat si Sab.

"Una na po kami." Sabi ko kay tito at umalis na. Bat pa ko magpapa alam kay Chase? Wag na no!

"San ka galing?" Mariin na sabi ni Ethan pag dating namin ni Sab

"A-ano k-kila Ch--"

"Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Kung lowbat ka, pwedeng makitext." Sabi nito. Binaba ko muna si Sab at pinapasok sa kwarto ni Leo

"K-kasi napilitan lang naman ako alagaan si Chase. Iniwan sakin--" nagulat ako ng suntukin nya ang pader sa likod ko

"Damn!" Sigaw nya

"Maraming paraan Chu! Pwede mong iwan yong gagong yon don!! Nag alala ako! Sobra tapos malalaman kong--" bumuntong hininga ito

"Forget it. Tang'na." Bulong nya t padabog na pumasok sa c.r

First time na nasigawan nya ako ng ganon. Dahil kay Chase.

"I hate you Chase! I really hate you!" Sigaw ko habang umiiyak.

Madaling araw na at nakahiga na ako sa kama namin. Simula pagdating ni Ethan sa trabaho ay hindi na ako nito pinansin

Hindi na pumasok sa kwarto namin pagkatapos mag bihis.

"Ethan.." Bulong ko at umiyak ulit. I want to hug him. I want to tell him that he is wrong.

Alam kong iniisip nya na baka may ginawa saakin si Chase.

Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay. Hindi naman sa hindi kami nag aaway noon. But hindi sa puntong umabot ng ganto. Lagi nya akong inaamo kahit na ako ang may kasalanan. Hindi natatapos ang gabi ng hindi kami nagkakabati.

Alam kong galit talaga ito sakin ngayon.

Kasalukuyan akong umiiyak ng pumasok si Sab sa kwarto namin.

"M-mama.." Tawag nya. Pinigilan kong umiyak at nag punas ng luha. Nabigla naman si Sab sa nakita

"Bakit po hindi kayo tabi ni daddy? Hindi ako makatulog sa kwarto ni tito Leo.." Sambit nito

Doon ko muna kasi sya pinatulog. Dahil nga may away kami ni Ethan

"Sige dito ka na lang kay mommy. Hug mo muna ako." Sabi ko at agad naman itong yumakap saakin

"Mommy umalis po si daddy." Sabi nya

"Hmm saan nag punta?" Tanong ko. Pinipigilan ang pag iyak ko

"Hindi ko po alam. Ni kiss nya ako kanina, lalabas lang daw po sya saglit. Naghihintay nga po sa labas si tita Crizane." Nabigla ako sa sinabi ni Sab.

Si Crizane..

ex ni Ethan.

--

A/n: Sorry sa matagal na walang update. Sorry talaga.

And idedelete ko na yung Waiting for my Destiny. Sorry po talaga. Pero may bago akong story : My Internet-Boyfriend. Punta na lang kayo sa profile ko. Thank you. And sorry talaga.

Kaya ko denelete first, wala na kong maidudugtong pa. Second, hindi na ko natutuwa sa ginagawa ko don. Parang napipilitan na lang ako. Third, sana suportahan nyo yung bago kong story kagaya ng ginawa nyong pag suporta dito pati sa WFMD. Thank you ulit. :)

-Aswa ng Bangtan, Exo, CN Blue & Myungsoo na dyosa. :)

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon