1

333 2 0
                                    

Chu's POV

"Ano ka ba naman Chase! hihi!" naningkit lalo ang singkit kong mata sa narinig. May kalandian nanaman ang boyfriend ko!

"Chase!" Sigaw ko at hinila yung babae na kahalikan nya.

"The fck! A-aray! who is you?" napa bitaw ako ng pagkakahawak sakanya at napahalakhak.

"Why are you laughing at me?" Pfft! kahit tama na yung english nya di ko parin mapigilan matawa.

"Who is me? I'm Chu Jemenez. Chase girlfriend." Naka ngiti kong sabi.

"What? Yuri!" Yuri Chu Jemenez.

Nagulat ako ng hilahin nya ako paalis. Omg hinawakan nya ko, napatitig ako sa magkahawak naming kamay at sa mukha nya. Lord mamaya nyo na ko kunin please

"Kelan mo ba ko titigilan? Putang*na naman Yuri!" Kelan? Hindi ko din alam.

Umiling ako bilang sagot. Nanginginig ako. Galit na galit si Chase.

"Hindi tayo!!! Ano ba gumising ka na nga! At kahit kelan hindi magiging tayo! Stop wasting your time stupid."

Pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya. Iniwan nya akong umiiyak nanaman...

--

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Papa

"Kila Chase Pa. Aakyat lang ng ligaw." sagot ko habang nag susuot ng sapatos

Tumawa ng tumawa si Papa. Ayaw maniwala seryoso kaya ako! Kinuha ko na yung gitara ko at umalis.

Magkakilala kasi ang mga magulang namin. Aware naman sila na gusto ko si Chase noon pa. Kaso noon bata pa lang kami pero ngayon seryoso ako. Mahal ko si Chase

First time ko tong gagawin. Ang manligaw. Hindi ako titigil Chase.

Pray and wait Chu. Huminga ako ng malalim ng huminto ang taxi sa tapat ng bahay nila Chase. Kumatok ako at pinag buksan ako ng katulong nila

"Chase! Nako Chase--"

"Wag na po. Dito lang ako." putol ko sa pag tawag ni manang kay Chase. Nginitian ko sya.

Pumwesto ako sa tapat ng bintana ni Chase at sinimulang tumugtog mg gitara..

"Minsan oo minsan hindi

Minsan tama minsan mali..

Umaabante, umaatras... kilos mong namimintas

Kung tunay nga, ang pag-ibig mo

Kaya mo bang, isigaw...

Iparating sa mundo..."

napa pikit ako at dinama ang kanta

"Tumingin saking mata

Magtapat ng nadarama

Di gusto, ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo..

Sayo lang ang puso ko..."

Nakita kong dumungaw sya sa bintana nya ng naka awang ang bibig. Hindi nya siguro inaasahan na gagawin ko to.

Mahal kita Chase. Mahal na mahal..

"Walang ibang tatanggapin

Ikaw at ikaw parin

May gulo ba sayong isipan

Di tugma sa nararamdaman

Kung tunay nga, ang pag ibig mo.."

Hindi ko alam kung bakit umiiyak na ako. Hanggang kelan mo ba ako ipagtatabuyan Chase?

"Tumingin saking mata

Mag tapat ng nadarama

Di gusto ika'y mawala..

Dahil handa akong ibigin ka..

Kung maging tayo

Sayo lang ang puso ko..."

Kung ano ang sinasabi sa kanta, yun rin yung sinasabi ng puso ko.

"Stop crying Chu.." napa tingala ako ng makita ko si Chase sa harapan ko

napatakip ako ng bibig para pigilan ang hikbi

"Chester!" Napatingala ako at nakita ko si Chase. Mali pala ako. Si Chester ang nasa harap ko. Ang kakambal ni Chase

"Halika na. Ihahatid na kita." Malamig na sabi nya. Tumango ako at pinasakay nya ako sasakyan nya.

"Wag mo nang pag aksayahan ng panahon si Chase. Kelan ka ba titigil?" Umiling ako. Hanggat kaya ko, hanggat mahal ko sya. Hindi ako titigil.

Bumuntong hininga lang sya.

"Salamat Chester" sabi ko at ngumiti

"No prob!" sagot nya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

"Papasok na ko. Mag iingat ka." ngunit bago ako pumasok hinalikan nya ang noo ko na ikinagulat ko..

"C-Chester.." tawag ko

"Goodnight." yun lang ang sinabi nya at umalis na.

Para saan yung halik ni Chester? Hindi ko alam. At ayoko ng alamin pa

--

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon