7

90 2 0
                                    

Chu's POV.

"Si Ches na sa labas. Dito ka matutulog." hinigit nya ako papasok ng kwarto at ni lock ang pinto

"S-si Ches nasan?" nakita ko namang kumunot ang noo nya.

"Ako ang kasama mo tapos siya ang hahanapin mo? Tss." ngumuso ako. Sungit talaga

"Stop pouting Yuri."

"Bat ba? Sungit mo talaga." humiga ako sa sofa ng kwarto. Kahit gusto ko syang makatabi, kasi ang sama ng aura nya e. >_<

"Bat nanjan ka?"

"E bat ang sungit mo? Dito ako matutulog!" singhal ko at tumalikod sakanya

Napadilat ako ng buhatin nya ako.

"Chase! Ano ba baliw ka ba?!"

"Yeah right." bulong nya

Inihiga nya ako sa kama. Namula ako.

"Now, you sleep." sabi nya habang kinukumutan ako. Onti na lang, magwawala na ko! Chaseee!

Tumalikod ako sakanya. Sobrang pula ko na ata. Walangya talaga.

"G-goodnight Chase"

"Night Chu." napapikit ako. First time!! First time nya mag good night saakin!

Kahit walang good. Inisipi kong tinamad lang sya.
--

"Wushhh" ano ba yan! Kinamot ko ang tenga ko. Para kasing may umiihip.

Nakakainis! Kanina pa may hila ng hila ng pisngi ko at ginugulo ang mukha ko

"Pfft hahaha" dinilat ko ang isa kong mata at nakita ko si Chase na nagpipigil ng tawa.

"Chase!" bulyaw ko sakanya. Natutulog ako e!

Ayoko ko pa naman ng iniistorbo ang tulog ko.

"You're cute!" nakatawa nyang sabi. Kikiligin na sana ako kung hindi ako badtrip.

okay, scratch that

Kinilig talaga ako. Tumalikod ako at nagtakip ng kumot. Madaling araw pa lang!

"Yuri.. your making me crazy." narinig kong bulong nya bago ako makatulog.

--

Nagising na lang ako ng may tumatalon sa kama.

"Leo!!" suway ko. Ang kulit na bata talaga

"Hi ate! Good morning!" sabi nya at niyakap ako

"Good morning Baby!!" sigaw ko at hinalikan sya

"You know ate, parang mas bagay kayo ni Kuya Chase."

"Aba! Bagay talaga kami!" tumawa sya

"Pag pasok ko kasi kanina, nakayakap sayo si Kuya and I took a picture." pinakita nya saakin ang camera namin nila Papa

"But.. give me a piggy back ride muna!" Ang ganda ng picture. Mukha kaming mag asawa.

"Sige ba. Haha yun lang pala e. Wait lang." agad akong naghilamos at nag suklay. Nakasabit sa leeg ni Leo yung camera

Agad ko syang binuhat ng piggy back ride

"Wieeeee!!! Bilis pa ate!" pinalo palo pa nya ako. Loko to ah! Ginawa pa kong kabayo.

"Kyah! hahahaha ang galing ate hahaha!" halakhak ni Leo. Ibinaba ko na ito at kinuha ang camera

"Bigat mo. Baboy!" asar ko sakanya

"Ang dalawa kong baby.. kain na!!" hinalikan ako ni papa sa noo pati si Leo

"Yuri... babalik na kayo ni Chase, yung school nyo ipagpatuloy nyo." sabi ni Papa

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon