4

99 3 1
                                    

Chu's POV

Pagkatapos ng pang iiwan sakin ni laway sa music room, ay wala nang magandang nangyari saakin

Una, paglabas ko inaway ako ng fangirls ni laway! Oo fangirls with s as in marami.

Pangalawa, nakita ko nanaman si Chase, magandang pangyayari sana kung wala syang kalandian

Pangatlo, nasa jeep na ako ngayon pauwi, at ang lakas ng combo ng katabi ko.

Ano pa bang igaganda ng araw ko.

"Ma para!!" Hindi ko na kaya, bumaba ako kahit medyo malayo pa.

Pagdating ko sa bahay, syempre wala si Chase. Batang gala kasi.

"Manang, ano pong meryenda?" gutom na kasi ako. Lagi naman akong gutom. Hahaha

"Pasensya na Chu, hindi ako nakapaghanda dahil nilalagnat ako.."

"Hala... ano manang, punta na kayo sa kwarto nyo. Uminom na po ba kayo ng gamot? Kumain na ba kay--" biglang tumawa si manang saakin

"Oo kumain na ako hija, at uminom na rin ng gamot. Haha salamat sa pag aalala.." napangiti ako at inalalayan sya papunta sa kanyang kwarto.

--

"Manang!" narinig kong sigaw ni Chase sa baba. napamura ako ng malutong

Nandito ako sa kwarto nya, nangangalkal ng gamit at saktong nakita ko yung picture namin nung bata pa kami. Si Chase na nakatawa saakin at ako na bungal na naka ngiti sa camera

"Manang!" napabalikwas ako at dalidali humiga sa kama nya at nagpanggap na tulog

Lord... help me...

"Hays kapagod." narinig kong bulong nya

"What the--" shet shet!!! nakita na nya ko!

Narinig ko syang tumawa at sinabing "Nakakawala pala ng pagod..." hindi ko alam kung ako ba yun oh di ko na alam. Huhu basta ang alam ko, onti na lang puputok na ko. T_T

naramdaman kong umupo sya sa kama, sabay humiga at.. at..

NIYAKAP NYA KO!!!!! Asdfgjkslsobwegwjsjsb

Hindi ko alam pero sobrang bilis ng puso ko... Chase, bakit ganto?

--

Nagising na lang ako nasa guess room na ko. Baka binuhat nya ako kanina? Hindi ko alam pero nakatulog ako kahit gusto ko nang mag wala.

"Chu! Kain na..." tawag sakin ni manang, agad naman akong bumaba para kumain

"Manang ayos na po ba kayo? Ako na po mag hahain..." sabi ko sakanya, mukha pa kasi sya hindi ok

"Salamat ng marami hija.." ngumiti ako sakanya.

"Hello Chase!!" bati ko sa nakaupong si Chase, nag iwas lang to ng tingin.

"Kain na!" sigaw ko bago kumain,

at dahil may sakit si manang, pinagpahinga ko muna ito. Ako ang nagligpit ng pinagkainan.

Akala ko wala nang igaganda ng araw na to. Meron pala...

*Ring*

"Hello pa.." sagot ko sa tawag

"Kamusta? Ayos ka lang ba jan? Kumain ka na ba?" -Papa

"Opo. Kakatapos lang. Maayos naman pa. Kayo po? Si Leo?" tanong ko

"Ayos lang din. Tuwang tuwa nga akong kapatid mo.. haha ilang linggo pa kami dito." medyo nalungkot naman ako

"Pa.. mag-iingat kayo jan hmm?"

Just For a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon