Love Problems #9

428 6 0
                                    

The Problem:

"This fast few days pinapakiramdaman ko lang yung nararamdaman ko. Tapos nung naconfirm ko na, nasaktan ako. Kasi yung boy po sinabi niya sakin na mahal niya ako. Eh kaso po kaibigan lang tingin ko sa kanya. Kaya sabi ko friends nalang kami, at madami pang ibang babae jan. Tsaka akala ko po kasi di ako mahuhulog. Pero kahapon po nalaman ko, mahal ko na siya. Pero alam ko di na niya ako mahal. Na fall out (of love) na siya. Ang tanga ko po. Kasi kung kailan di na niya ako mahal tsaka ako ganto. Kaya yun iniyak ko nalang po kagabi. Grabe ang sakit po."

--

“Minsan, kailangang ituro ng mundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.”

--

 Advice:

Isa lang ang ibig sabihin nyan ate, nagkamali ka ng desisyon. Hindi mo pinagisipang mabuti yung ginawa mo. Sugod ka lang ng sugod. Hindi mo siniguradong mabuti kung talagang hindi mo siya gusto/mahal. Madalas naman talaga ganyan eh, kung kelan wala na sayo, saka mo mamahalin, saka mo papahalagahan, doon mo lang malalaman na mahal mo pala yung nawala sayo. Nung na’sayo pa, binlewala mo tapos nung iniwan mo at nakahanap na ng iba magrereklamo kang nasasaktan ka. Masakit talaga yan kasi nagpadalos dalos ka eh. Dapat po always think before you act. Tignan mo nagsisisi ka tuloy. Pero ate, sigurado ka bang mahal mo talaga siya? Baka naman nasa isip mo lang yan. Baka naman gulo lang isip mo kaya mo nasasabi yan? Diyan tayo sumasablay eh, sa “akala.” Dapat kasi bago mo sinabing ‘friends’ lang kayo, sinigurado mo muna na hanggang dun lang talaga yung feelings mo. Anyway, nasasaktan ka? Pray. There is no pain that Jesus can’t heal. :) And move on nalang pag alam mong wala na talaga. Mahirap pero kailangan. Hindi madali pero kakayanin :)

P.S

Hello! Sana nakatulong pa ito, kahit papano :)

 

P.S (Readers)

Lam nyo na. Pag gusto nyo din sya bigyan ng advice, comment lang :)

 

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon