Love Problems: #13

245 4 0
                                    

Problem:

Umm. Gusto ko po sanang malaman kung ano pong signs kung inlove kana? Kasi ang tagal ko na pong may crush dito sa lalaking 'to. Lagi po syang nasa isip ko. Mga ganon. Minsan sinabi sakin nung friend ko na baka inlove na ako sakanya. Eh hindi ko naman po sure kasi never pa naman ako nainlove.

 ~~

Advice.

Oo nga no? Pano nga ba malalaman kung inlove ka na sakanya at hindi na ‘crush’ lang yung nararamdaman mo? Honestly, hindi ko din alam eh! Pero siguro pag sobrang tagal mo na siyang gusto? Yun bang ramdam mo na hindi basta simpleng crush lang yung nararamdaman mo kasi kung crush lang yan, madaling mawawala yan eh. Yun bang makakita ka lang ng mas pogi, eh mapapalitan na agad siya pero kung kahit madaming iba dyang mas better at mas may itsura kesa sakanya tapos siya parin yung gusto mo, eh baka siguro inlove kana. Or kung may pinag e-effotan mo na siya, Kung sakanya na umiikot mundo mo, Siya na nakikita mo sa future. Mga ganon XD basta. Hindi ko din kasi alam eh. Ang alam ko lang, kusa mong mararamdamang inlove kana. :)

Ps. 

Sorry natagalan din sa pagpost ^^ pasensya na kung di ko nasagot ng maayos ah. Hindi ko din kasi talaga alam eh. :)

PS.

GUYS BAKA KAYO ALAM NYO KUNG ANONG SIGNS PAG INLOVE NA! :)

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon