Love Problems: # 16

168 4 0
                                    

Problem:


Uhm ate sa totoo lang po pareho lang po ako ng problema dun sa unsaid mopo na chapter. Kasi may GF po ako then, Hindi ko na maramdaman yung dating siya. Yung pagmamahal niya sakin. Tapos po mahal na mahal ko siya ng sobra gumagawa ako ng efforts para sakanya, kahit minsan sinasabihan nako ng tanga ng ibang tao sige padin ako kasi mahal na mahal ko po. Tapos isang gabi po sabi niya sakin na, Hindi niya daw maramdaman yung pagmamahal ko. Bisexual po kasi ako tapos lahat naman po ginagawa ko para lang mapasaya siya kahit sobrang sakit napo ng nararamdaman ko tiniis ko para sakanya ayaw ko pong bumitaw samin kasi mahal na mahal ko po siya kahit na ako nalang po ng ako yung umiintindi at palagi ako po yung nasasaktan at umiiyak at kahit na magmukha papo akong tanga. Ano po dapat kong gawin?


Advice:

Ganyan talaga, lahat nagbabago, tapos may kasabihan pa na "Pag nagbago, malamang may bago." XD Lahat naman po ng nagmamahal, nagpapakatanga. Minsan nga sobra sobrang katangahan pa to the point na magpapakamatay na eh. Kung lahat naman po ginawa mo na, at wala pa rin, edi bitaw na. Hindi ka naman nagkulang eh, siguro hindi lang talaga siya marunong makuntento. At kung sobrang sakit na, let go na. Pero hihintayin mo pa bang masaktan ka ng sobra sobra bago ka bumitaw? Kung palagi nalang ikaw, eh tigil na. Hindi pwedeng ikaw lang yung nagmamahal. Hindi naman guguho ang mundo pag iniwan ka nya or iwan mo siya eh. Nandyan naman si God, at let me remind you, na mahal na mahal ka ni God :) ALWAYS REMEMBER THAT. Kung ako sayo, si God na lang yung mahalin mo. At sinasabi ko sayo, hinding hindi ka magsisisi pag minahal mo si God kasi Sakanya? Hindi Nya sasayangin yang pagmamahal mo nayan :) Let go and let God and PRAY. :)

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon