The Reasons

8.8K 33 30
                                    

Kung may bakit dapat may reason kasi hindi naman pwedeng magtatanong ka ng walang dahilan, diba? Lahat naman ng bagay may dahilan. Minsan hindi natin alam kung bakit, minsan naman, alam natin pero ayaw lang natin tanggapin at aminin sa sarili natin kasi dahil siguro ang hirap tanggapin kasi it's either masakit, o masakit. Yan naman lagi ang reasons, eh.


Ang saya sana kung natuturuan ang puso 'no? Mapipili mo yung taong mamahalin mo.


Kung pwede lang sanang turuan ang puso, maraming tao ang hindi masasaktan at iiyak dahil sa pag-ibig. Kaso hindi eh. Kaya kapag tumibok ito, Kahit pa ayaw na ayaw mo sa taong yun, sa bandang huli magugustuhan mo siya at mamahalin mo pa rin siya—kahit ayaw mo talaga sa kanya.

Kaya kapag nagmahal ka, asahan mong masasaktan ka talaga. Mararanasan mo rin kung paano maging tanga. Matututo kang maghintay, sumugal at umasa.

Pero sa kabila ng pagpapakatanga, paghihintay, pag asa, at masaktan ng sobra, darating pa rin ang oras na magiging masaya ka dahil nakilala mo siya.

Siya na nanakit sayo.

Siya na nagpaasa sayo.

Siya na pinaghintay ka lang sa wala.

Siya na pinagmukha kang tanga

At siya na minahal, minamahal at mamahalin mo ng sobra sobra.




Minsan matatanong mo nalang sa sarili mo na, "bakit kailangan kong masaktan ng ganito? ano bang ginawa ko? nagmahal lang naman ako ng totoo ah?"

Ang sagot diyan?

Kasi nagmahal ka. Lahat ng nagmamahal ay nasasaktan, nakakasakit at nagpapakatanga.

Minsan masasabi mo na lang, "sana sinusulat na lang yung nararamdaman para madali lang burahin pag nasaktan." Tapos minsan akala mo okay kana, pero nung nakita mo siya nasasaktan ka pa rin pala. May kirot pa rin, na akala mo matagal ng nawala.



Pero bakit nga ba tayo nasasaktan?

Kasi umaasa tayo sa mga bagay na wala naman talaga.

— Subukan mong wag mag assume at mag expect ng sobra, sigurado akong hindi ka madi-dissapoint at masasaktan ng bongga! Duh. Hindi kasi porket sweet sayo at lagi mong ka late night talk eh rurupok na tayo ka agad. Guard your heart and emotions, para hindi tayo iiyak iyak sa bandang huli. Never assume unless otherwise stated, sis. Hanggat hindi niya sinasabing gusto ka nya, wag kang assumera!



Naghihintay sa mga bagay na hindi naman darating.

— Minsan hintay ka ng hintay, wala na pala yung hinihintay mo o kaya wala ka naman pala talagang hihintayin, ikaw lang ang nag-papaniwala sa sarili mo na may hinihintay ka kahit na yung hinihintay mo ay may hinihintay nang iba. Make sure mo muna na may hihintayin ka ba o wala kasi time is gold. Nag iinvest ka ng isang bagay na kahit kalian ay hindi na maibabalik, so spend and invest it wisely and make it worthy.



Minamahal natin yung mga taong hindi naman tayo kayang mahalin.

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon