Love Problems: #12

298 5 0
                                    

The Problem:

Meron po akong best friend na naging boyfriend ko. Masaya po ako sa naging relasyon namin kahit na LDR. Alam ko pong mahirap ang LDR, pero noong kami pa hindi ko nararamdaman na malayo siya dahil palagi kaming nag-uusap. Pero dumating na po ako sa point na hindi ko na kaya, kaya ako na mismo ang nakipag-break sa kanya, dahil may nagsabi sakin na may ibang babae siyang kinakausap palagi pero hindi naman po naging sila nung girl nung nag-break kami. Hindi naman po ako nagulat na may malilink sa kanya dahil ang ex ko po ay galing sa isang exclusive school, at parang na sakanya na ang lahat. After a few months po, he started talking to me again. Considering that he's my first madali po talagang bumalik ang feelings ko para sakanya dahil naging mabuti naman siya sakin at naging close kami because we were once best friends. Until now he's talking to me pero not often. Everytime na may nakikita akong taong parang katulad niya, my heart beats faster because i remember him. Becuase of him po nahihirapan po akong ma-inlove ulit. Dahil kahit anong gawin ko bumabalik po ang feelings ko for him. Ate, ano po ba ang gagawin ko? Am I going to let my feelings take over again or mag momove-on natalaga ako and just forget about what happened to us before. There's a saying nga po na "You can never be (just) friends with someone whom you've loved so much" there are times na i just want to believe in that saying, pero i also want to prove it wrong. Ate advice pleassseee :-( :-(

~~

Advice: 

Nakipag break ka kasi siguro kinain ka ng doubts mo, and nawalan ka ng tiwala. Nakita mo ba mismo na may kausap siya? Given na may itsura yung ex mo kasi nga sabi mo ‘parang nasa kanya na lahat” so madami talagang aaligid na other girls dyan. Ganto nalang, nung nakipag break ka ba, madali ka nyang pinakawalan or hindi ka man lang ba niya pinigilan? Kasi kung hindi ka nya pinigilan, eh baka naman may iba na nga pero hindi porket hindi ka niya pinigilan eh, may iba na agad siya, minsan kasi siguro akala niya hindi ka na masaya kaya he let you go. Laging may 2 sides ate. Pero kung pinigilan ka nyang makipag break, baka mahal ka talaga? Kasi sa dinami dami ng babaeng umaaligid sa kanya, ikaw ang napili diba? So siguro nawalan ka lang ng tiwala. Hindi ko rin naman masasabi eh kasi hindi ko alam buong story.

About naman sa feelings mo, ganyan naman lagi eh. Hindi naman maiiwasan bumalik yan. Babalik at babalik talaga yan lalo na pag hindi ka pa talaga nakaka move on. Maybe hindi talaga siguro nawala yan, nagpahinga lang.  At mahihirapan ka talagang pakawalan yan kasi sabi mo nga bestfriends kayo dati diba? Pero eto, para sayo. “Never go back to an old love, no matter how strong it is. It’s like reading a book over and over again and you already know how it will end” – Tumblr.  Pero hindi din naman masamang bumalik ate, minsan kasi nagiging mas maayos na yung relationship nyo sa second time, pero madalas, kung anong ending nyo nung una, ganon parin sa pangalawa. Nasasayo naman yan kung babalik ka eh kung ipapanalo mo yung puso mo at hahayaan mo yung sarili mo na bumalik ulit. Ready ka bang masaktan ulit? Actually naranasan ko nayan. Pinanalo ko yung puso ko at hindi ko pinagana yung utak ko, ang ending? Ayun nasaktan lang ulit ako. HAHAHA. Pero ate, kung ipapanalo mo yung feelings mo, mahihirapan ka lang. Oo naiintindihan kong hirap kang I let go siya kasi siguro fresh na fresh pa yung pain and memories nyo pero, balang araw naman, mawawala din yang pain nayan, and sa araw na yon, madadalian ka ng kalimutan siya :) Mahirap mag move on, alam nating lahat yan pero kapag mag mu-move on ka naman, it doesn’t mean na kakalimutan mo lahat eh, na kakalimutan mo na siya. Move on means accepting. Accepting the fact na hindi na kayo pwede. Na wala na talaga. About naman sa ‘friends thingy’ pwede  kayo maging friends ulit. Hindi na nga lang tulad ng dati. Saka may awkwardness. Hirap kang mag mahal ulit? Hayaan mo balang araw, may ibibigay si God sayo na lalaking aalisin yung takot mong magmahal ulit. When you’re in pain, just pray. Tiwala lang, may nakareserve si God para sayo. Malay mo siya (yung ex mo) pala talaga yung para sayo, pero hindi pa to yung right time, kaya binawi muna siya ni Lord sayo. Pero malay mo, mas better ay hindi, best pala yung ibigay sayo ni Lord ^^ basta pray lang ate. Remember, God’s plan and God’s will. Everything happens fo a reason. :)

Ps.

Sorry natagalan ah? As in sobrang napatagal. Sorry talaga. Sana makatulong arin to sayo, kahit papano and alam mo? Natuwa ako sa pag sagot ko dito. HAHAHA Ayun thankyou :)

Ps.

Kung gusto nyo din mag advice sakanya, Comment lang sa baba ^^

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon