Love Problems: #19

141 4 0
                                    

Problem:


Hello po ate! May crush po ako nung Grade 5 at Grade 6 ako, naging seatmate ko siya nung Gr. 6 at sobrang saya ko. As in! Nung una, hindi kami nag uusap pero nang tumagal na, naging close na rin kami. Kinekwento niya sa akin yung mga crush niya(nakakainis nga eh). Nangongopya siya sa akin, to the point na pati name ko nakopya niya na rin hahah(sinasabihan niya rin ako na bobo pero nangongopya rin siya akin.) pero syempre pinakopya ko, crush ko eh. Tapos pag may pagkain ako dinadalhan ko rin siya (Effort ako masyado). Yung mga nakakaturn-off na bagay tungkol sa kanya, nalaman ko pero ganun pa rin, crush ko pa rin siya. Nagdaday dream ako na mag on kami (with background music hahah) everytime. Tapos nauutal ako pag kausap ko siya at hindi ko siya matingnan sa mata. Naging close kami masyado tapos nilipat siya ng upuan ng teacher namin, maingay kasi kami kaya ayun. Tapos nalungkot ako. Nag graduation na pero hindi pa ko parin nasabi sa kanya na crush ko siya. Umiyak pa nga ako nung summer kasi mamimiss ko sya. Tapos nag first year na ako. Umaasa ako na kaklase ko siya kasi ayon sa source ko (which is pinsan ko na naging kaklase niya sa summer class) na dun siya magaaral pero hindi ko siya klasmeyt huhu. Sinabi rin ng  Pero kinilig ako nung nalaman ko na kaklase ko siya sa isang subject at magkatabi lang classroom namin (may tadhana pa ako nalalaman nun). Tuwing nakikita ko siya nilalapitan ng babae, naiinis ako pero wala akong magawa. Tinry ko naman magmove on sa kanya at nagkacru sh sa iba. Tapos nung second year, may girlfriend siya. Kumbinsido naman ako na wala na akong nararamdaman sa kanya pero sa tuwing nakikita ko sila, naiinis ako. Umiyak pa nga ako nung isang gabi eh feel ko kasi may bigat sa dibdib ko then naalala ko siya, lalo akong umiyak. It took 5 months para mawala ang feelings ko. Kaya ayun wala na akong pake. Ngayon, nacucurious lang ako kung infatuation lang ba yun or siya na ba yung first love ko?



Advice: 

Hahaha ate ang cute mo talaga pati nung story mo ^^ natatawa ako habang binabasa ko 'to eh. Inulit ulit ko pa :D Aaand gusto ko lang sabihin na infatuation lang yan. Bata ka pa kasi non. Di pa yon love. Na attach ka lang masyado doon sa boy at maybe nasanay ka lang na gusto mo siya kaya akala mo, mahal mo na. Iba kasi ang love sa crush/like eh. Umiyak ka kasi nadala ka lang sa emosyon mo. Naiinis ka kasi nung mga panahong yun, di pa rin 100 % nawawala feelings mo J yun lang yon. Bilis naman mawala ng feelings mo te! Buti ka  pa 5 months lang, ako inabot ng halos mag iisang taon eh! -_- lol bat nga ba ako nagke-kwento? Anyways, ayun alam kong pag naalala mo yan ngayon, tinatawanan mo nalang diba? Ayun :) 

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon