Love Problems; #3

943 12 1
                                    

The Problem:

 

“Bakit po ganun alam nya pong may gusto ako sakanya pero habang tumatagal parang pinahihirapan niya na ako sa mga nakikita ko.. parang pinapaasa nya lang ako..  ako naman po si tanga na umaasa.. ang sakit pala talaga kapag nagmahal ka.. sa Mga pinapakita niya kasi sakun parang pinapaasa niya ako.”

Advice:

Alam mo, likas na sa mga lalaki ngayon ang paasa, lalo na pag alam nilang may gusto ka sakanya. Yung ibang mga lalaki kasi, mas ‘pabebe’ pa kesa sa babae. Sini-sweet talk ka ba niya? Sinabi na ba nya sayo na mahal ka niya? Kasi ate kung hindi pa, eh tama na kaka-asa, masakit na diba? Pero kung sinabi naman na nya sayo na mahal ka niya, ako man nasa sitwasyon mo, eh aasa ako. Kase nga sinabi nya na ‘mahal ka’ niya diba? Pero tandaan, sinabi lang nya yon. (kung sinabi man nya sayo) ang tanong ginawa ba nya? Totoong bang mahal ka nya o hanggang salita lang siya? Kasi mga lalaki ngayon, magaling sa sweet words, daming alam. Tapos pag nahulog kana sa sweet talk niya, iiwan ka bigla. Saya diba? Paasa. So siguro ang gawin mo muna, siguraduhin mo kung may aasahan ka talaga, hindi yung aasa ka, wala naman pala. Tapos sasabihin mo na nasasaktan ka? Remember, hindi nya sinabing umasa ka. Ginusto mo yan, choice mong umasa, choice mo masaktan. Oo masakit po talaga pag nagmahal ka, tapos di ka mahal. Uso yan ngayon te, di ka nag iisa sa iyong problema. ;)

P.S

Hello! Medyo humugot ako dito, ate. Hehe. Pero sana nakatulong ako kahit papano. Thankyou sa pag hingi ng advice :) Godbless! <3

P.S  (ulit)

READERS! Kung gusto niyo din po sya bigyan ng advice, i-comment nyo lang dito. Thankyou! ;)

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon