Love Problems: #14

257 3 2
                                    

Problem:

Hello po Ate. First of all, problem po ito nung friend ko, since wala syang wattpad account ako na lang po yung magtatanong sa inyo.. Di po kasi ako magaling mag-advice eh kaya di ko sya masagot ng maayos xD!! Okay. Meron po kasi syang crush/mahal (nalilito pa po sya kung ano nga) Ang sweet daw po sa kanya lagi, nagpunta pa nga po dati yun sa room namin just to give my friend a heart-shaped balloon. Then nagconfess po sa kanya yung guy na mahal daw po nya yung friend ko, kinilig naman sya xD!! Simula po nun lagi na daw silang nagkakachat tapos po nung minsan, nakasalubong namin yung guy, nakita ko po talaga na may something sa kanila, bagay po eh, may spark. May time pa nga po na nakausap namin yung guy parang may gusto syang sabihin kaya lang nahihiya, yung parang natotorpe. Yung kaibigan ko naman po natatakot masaktan, kasi daw baka hindi seryoso sa kanya yung guy.. Heartthrob po kasi, may pagkaplayboy din dati.. Gwapo. Pero yung friend ko naman po maganda din, high school sweetheart eh. Maghihintay daw po yung lalake para sa kanya kasi po hindi pa pwede yung kaibigan ko magboyfriend. Paano daw po ba nya malalaman kung seryoso nga sa kanya yung guy? Ano daw po ba yung gagawin nya, iiwasan yung guy para iwas sakit? Ano po yung dapat nyang gawin?

~TheBestfriend xD


Advice.

Nakakatuwa naman yung story nila nung guy haha. Pero ate paki sabi sa friend mo, sa love, masasaktan at masasaktan talaga siya. Hindi yun puro kilig at happy happy lang, may pain din. Laging andyan si pain. Hindi po maiiwasan yun kahit anong iwas at layo mo. Dalawa lang yan. Lalayo si girl kay guy or magte take ng risk si girl. Kasi pag nilayuan ni Girl si guy, pareho lang silang masasaktan at the same time, mahihirapan. Pag nag take naman ng risk si girl, masasaktan padin sya pero, magiging masaya siya kasi kasama nya yung taong mahal nya eh. Masaktan man sila pareho, atleast, masaya. Eh pag nilayuan nya? Edi mas masakit diba? Sa love po kailangan natin mag take ng risk. Hindi pwede yung 'takot-akong-masaktan' chuchu. Be brave. Be fearless. Walang mangyayari kung ikukulong nya yung sarili nya sa 'ayokong-masaktan' kasi sigurado, hindi ka magiging masaya kung puro takot lang yung paiiralin mo. :)

Paano malalaman kung seryoso yung guy? Pag nahintay ka niya ng hindi tumitingin o suma sideline sa iba. :) Pag nag e-effort. Pag nagpupursige. Pag nahintay sya hanggang sa maging pede na :) Sa ngayon, ipag-pray mo nalang yung feelings mo nayan kay Lord. Siya na bahala dun. :)



PS. Sorry po kung sobra sobrang napatagal. Sana makatulong parin 'to kahit papano :)



The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon