Painful Dare (OneShot)

206 5 1
                                    

Painful Dare

Sabi nila, ang swerte swerte ko daw sayo. Ma-effort, maalaga, gentleman, mabait at tinuturing akong parang isang tunay na prinsesa. Ano pa nga ba ang hahanapin ko, diba? Wala na. Nasayo na lahat eh. Nasayo na  nga ba?

"Zara." ayan, pati pagtawag mo sa pangalan ko, nakakapanlambot.

"Oh,  Zac?"  bigla mong tinakpan ang mga mata ko ng kamay mo. Haynako. Another surprise na naman ba?

Dinala mo ako sa isang magandang lugar. Sa park. Sa lugar kung saan tayo nagkakilala, sa lugar kung saan tayo lagi pumupunta at magkasama. Sa lugar na punong puno ng ating memorya.

May mga puno na napapalibutan ng christmas lights, mga lantern at kung ano ano pa. Napaka romantiko ng lugar na ito.  Para na naman akong isang prinsesa na nasa sariling fairytale nya. Ang swerte ko talaga.

"Zara,  naaalala mo pa ba? yung una nating pagkikita?" syempre, oo. Makakalimutan ko ba yun?

Makakalimutan ko ba yung pag iwan sakin  nung lalaking mahal na mahal ko? makakalimutan ko ba yung araw na sobra sobra akong nasaktan? makakalimutan ko ba yung araw na  nakilala kita? Syempre hindi. Hinding hindi. Sobrang sakit nun, eh.

"Oo naman, Zac. Makakalimutan ko ba yun? :) " ngumiti ako sayo. Peke. isang pekeng ngiti, ngunit hindi mo napansin. All this time, lahat ng ngiti ko, peke.

"Yun yung araw na, unang kita ko palang sayo, nagustuhan na kita. Akalain mo yun? Ngayon mahal na mahal na kita. Sobra sobra pa." Nagniningning ang mga mata mo habang sinasabi mo sakin ang mga katagang ito. Nakita ko rin ang isang napakatamis na ngiti sa iyong labi. Nakakalungkot lang na yang mga matamis na ngiting yan, mabubura na bago matapos ang araw na'to. Pasensya na, Zac.

"Hahaha ikaw talaga. Uhm, Zac laro tayo." Inaya kitang maupo sa bench na may naka crave pang initials natin, Z x Z .

"Ikaw talaga hahaha! anong laro ba gusto mo?"  Yung larong pwede na akong makawala sayo. Yan yung gusto sabihin ng bibig ko.

Bakit nga ba gusto kong makawala sayo? Ano pa bang gusto ko? Lahat naman daw nasayo na diba? Pero nasayo na nga ba?

Wala pa. Hindi totoo yun. Hindi totoong lahat nasayo na.

Kasi yung puso ko, wala pa sa'yo.  Nasa kanya parin pala. Akala ko nga rin nasayo na, eh.

"Dare or dare." Nakita ko ang pagkunot ng noo mo. Nabasa ko rin ang mga tanong sa mata mo. Mga tanong ng ano, bakit at paano.

Anong laro yun? Bakit ayun yung gusto mong laro? Paano yun nilalaro?

"Hahaha. Ganto lang kasimple, ide-dare mo'ko, at ide-dare din kita."

"Ahh okay, sige. Exciting to ah!  Ikaw mauna Zara. Ladies first!" Naningkit na naman yang mapupungay mong mata. Ang cute. Mga matang mamimiss kong titigan.

"Ikaw na mauna, Zac! Dali na. Mag-iisip pako ng dare ko sayo, eh!" Kasinugalingan. Matagal ko ng naisip 'tong dare na'to.

"Sige. Kelangan, gagawin talaga yung ipapa dare ha. Wala ng bawian. Walang aarte. Walang hihindi. Dapat gagawin kung ano talagang ipapagawa. Wag madaya Zara ha! Hahaha! " Mamimiss ko yang tawa na yan. Hanggang ngayon ko nalang maririnig yan.

"Osige ba! Basta gagawin mo din yung ipapa-dare ko sayo ha? bawal kumontra. Bawal humindi. Tutuparin mo din yun Zac, ha? Walang bawian. Promise?" Please magpromise  ka Zac, please.

"Promise, Zara :) " At naging sigurado na'ko na gagawin mo yung dare ko. Ikaw kase yung tipo ng lalaki na kapag  nangako, tinutupad. Kung tutuusin, ang swerte ko talaga sayo. Ang swerte ko sa boyfriend ko.

"Yey!! Oh dali, ano ng dare mo?"

"Kiss mo'ko sa cheeks, princess! Hahahaha!"

"Seriously, Zac? Yun lang? Ang dali dali naman nun eh." Tapos yung dare ko sayo, sobrang hirap.

"Ano pa bang ipapagawa ko sayo? Syempre ayaw ko namang pahirapan yung princess ko no. Mahal na mahal kaya kita. :)  " Ayan. ayan na naman yang mga ngiti nayan. Zac, please.

Pagkarinig ko ng mahal na mahal kita, parang ayaw ko ng ituloy 'tong larong to. Pero kailangan na eh. Hirap na hirap narin kase akong magpanggap. At para hindi ka narin masaktan, Zac. Para sayo rin 'to eh. Pasensya na.

Unti unti ng namumuo sa mata ko ang mga nagbabadyang luha na kanina pa gustong kumawala, pagdating na pagdating pa lang ni Zac sa bahay.

"Oh, bakit parang  naluluha ka? Ayaw mo ba yung dare ko? Sorry, sige papal--" Hindi na kita pinatapos sa pagsasalita at dali dali na kitang hinalikan sa labi.

Halik na nagsasabig sorry, pasensya na, iiwanan na kita, aalis na ako, parang awa mo na, pakawalan mo na ako.

Hindi ka nakagalaw at halatang nabigla ka sa ginawa ko, ngunit sa kabila ng pagkabigla mo, ginantihan mo rin ng matamis na halik ang paghalik ko sayo.

Matapos ang matamis na huling alaala natin, sinabi mo na naman ang mga salitang,

"Mahal na mahal kita, Zara. Mahal na mahal. Sobrang mahal." Hindi ako makasagot. Ngiti at luha nalang ang nagsilbing sagot ko sayo. Sana kaya ko ring sabihin na, mahal na mahal din kita Zac. Pero, hindi ko kaya eh. Ayoko ng magsinungalig pa.

"Hahaha ang drama na natin, Zac! Dali, yung dare ko naman! Gagawin mo 'to ah! Nagpromise ka! Nako!" kunwaring masaya. HA HA HA.

"Princess, kailan ba ako nagpako ng promise sayo? Syempre gagawin ko yang dare mo no.  Lahat ng sinasabi ko ginagawa ko, diba? :) Oh ano ng dare mo?"


"Zac, iwanan mo na'ko. Ayoko na. Pakawalan mo na'ko, please."

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon