The Bakit List

4.5K 51 7
                                    

May mga bagay na kahit naintindihan mo na ang dahilan, hindi mo pa rin maiwasan masaktan. Yun bang bawat galaw at kilos mo, kung hindi ka makakasakit, masasaktan ka naman. Ang hirap gumalaw, diba? Yung kahit gumawa ka ng maganda man o hindi, nandyan parin si sakit. 


Laging nandyan, kahit saan. Kaya minsan, mapapatanong ka na lang...


Bakit ang tanga ko?

Bakit ang rupok ko?

Bakit ako nasasaktan?
Bakit ako nahihirapan?
Bakit ako pinaglalaruan?
Bakit ako niloloko?
Bakit ako iniiwan?
Bakit ako pinagpapalit?

Bakit ako pinapaasa?

Bakit hanggang salita lang sya?

Bakit sya pafall?


Ika nga sa isang pelikula, "Am i not enough? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?"


Minsan rin mapapatanong ka ng, "Tanga ba ako?"


"Bakit kaya nya ako ginaganito? Am i not worth it? Am i not worth fighting for? Am i not worthy to be loved?"


Ang hirap, diba? Pero hindi man masagot ng librong 'to ang mga bakit nyo, well atleast magkaroon man lang ng kahit konting hint sa mga kasagutan ng walang katapusang bakit na yan.


— • —

"Pains are warning signs that something is wrong. Don't ignore that feeling kasi dadating ang araw masasanay ka na sinasaktan ka."

The Reasons Why (All about Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon