Kerwin Rondale Vergara
Kanina pa kami nakarating sa amusement na sinabi kong papasyalan namin kanina. Mga sampong minuto na sigurong narito lang ako sa loob at tahimik na pinagmamasdan ang kaniyang mala anghel na mukha. How can be a man could be this beautiful? Tanong ko sa sarili ko dahil napakaganda niya, magdamit lamang siya ng pambabae at pahabaan ng kaunti ang kaniyang mga buhok ay papasa na siya bilang babae.
Bakit ganito na lang ba ang epekto mo sa'kin. Simula ng unang makita kita sa coffee shop na pinagtratrabuhahan mo ay naging interesado na ako sayo at nagawa pa kitang paimbestigahan.
Mas lalo pa akong naging interesado ng malaman kong kaya mo palang magdalang tao at kung sakali ay kaya mong dalhin ang magiging mga supling natin.
Ano ba 'tong iniisip ko, hindi na lang ata simpleng gusto ang nararamdaman ko sayo, ilang araw pa lang kitang nakakasama ay ganito na ang nararamdaman ko. Paano na lang kaya ang mga susunod pang araw, linggo at buwan.
Babaliwin mo na ba ako sayo? Naiiling na tanong ko sa kaniya na akala mo namang ay maririnig niya eh sa mismong utak ko lang naman iyon sinabi at tulog pa siya.
Bahagya akong napaatras ng biglang kumunot ang kaniyang nuo. Ginamit ko na rin iyong rason para gisingin siya.
"Hey babe! Wake up! We're here already. Come on, nakabawi ka na rin naman siguro ng lakas mo" paggising ko rito na sinabayan ko ng mahinay pagyugyog.
"Hmm, mamaya, inaantok pa ako. Napagod ako sa pag iimpake" saad naman nito habang nakapikit pa at mas lalong kumunot ang kaniyang nuo.
Lihim na lang akong napangiti. Kung ako lang ay mas gugustohin ko rin naman na matulog na lang siya para mas matagal ko pa siyang mapagmasdan pero hindi naman iyon na lang ang gawin ko.
Kailangan kong gumawa ng hakbang para makuha at mahulog ang loob niya sa'kin. Oo at alam kong nakasaad sa kontrata na bawal siyang mainlove sa'kin pero hindi naman patas kung ako lang ang mahuhulog sa kaniya. Pasasaan pa't hindi na namin kakailanganin ang kontrata dahil aamin din ako sa kaniya, wala na akong paki alam sa sasabihin ng iba. Tinanggap siya ng pamilya ko, hindi ko na kailangan pa ang pagtanggap ng ibang tao.
"Come on babe, gumising ka na para makarami tayo" paggising ko na naman rito na sinabayan ko ng marahang pagyugyog.
Minulat naman na nito ang kaniyang mga mata at tumingin sa'kin ng pagkasama sama.
"Puwede namang sa ibang araw na lang tayo mamasyal eh" inis na saad nito habang masama pa rin ang tingin nito sa'kin. "Parte pa ba ng pagpapanggap natin ang pamamasyal na tulad nito. Inaantok pa ako eh" iritang dagdag pa nito.
Napangiti naman ako sa mga sinabi niya. Tama nga ang sabi sabi na lukohin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising haha.
"Wala ng ibang araw, bukas at sa mga susunod na araw pareho na tayong magiging busy sa kaniya kaniya nating trabaho. Come on babe, just this once. Pagbigyan mo na ako" sabay ngiti ko sa kaniya ng pagtamis tamis.
Alam kong naweweiduhan na siya sa mga kinimilos ko pero wala akong paki. Ang mahalaga ay pareho kaming magsaya ngayong araw.
Umayos naman na ito sa pagkakaupo at naglabas ng salamin sa kaniyang maliit na bag, sunod niyang nilabas ang wetwipes saka marahang pinunasan ang mukha.
BINABASA MO ANG
VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)
RomanceKerwin Rondale Vergara is a successful businessman owning five star hotels and resorts worldwide. Kailan man ay hindi pumasok sa kaniyang utak ang pagpapakasal, tinakot lamang siya ng kaniyang Ama na kapag wala pa siyang naipakilalang karelasyon sa...