Rain Elouise Climente
Nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Tiningan ko ang orasan sa bedside table ni Dale at mag aalas syete na pala.
Agad akong bumangon kahit ramdam ko pa ang antok. Dumiretso ako sa cr upang maligo. Nakakahiya kasing lumabas ng hindi pa naaayos ang sarili ko.
Mabilis akong natapos sa pagligo at agad ng nagpalit. Nagdala na ako ng pagpapalitan rito sa cr, baka bigla na naman kasing sumulpot si Dale at manyakap. Pareho pa naman naming dayoff ngayon. Kada lunes kasi ang day off ko at mula noon ay ginagaya niya na rin 'to.
Pababa na ako mula sa ikalawang palapag ng mansiyon at parang nagkakagulo ang mga tao. Tuluyan na akong nakababa saka nilapitan si Manang Ester ang pinakahead ng mga maids dito sa mansyon.
"Good morning Manang" tawag pansin ko rito. "Bakit tila aligaga po ang mga tao rito sa mansiyon?" dagdagna tanong ko rito.
"Good morning din ijo. Wedding anniversary kasi ngayon ng mga magulang ni Dale, tapos kinabukasan naman ay birthday ng mommy nila" pagsagot naman nito sa tanong ko.
"Ah ganon po ba Manang, sabihan niyo po ako kung may maitutulong po ako, wala rin naman po ako pasok ngayon" banggit ko rito bago nagpatuloy sa pagpasok sa kusina.
Sa mahigit dalawang linggo ko rito sa mansiyon ay nasanay na ako, hindi ko sila hinahayaan na pagsilbihan ako, kahit man lang pagtimplahan ng kape. Dahil parepareho naman kaming mga empleyado rito.
Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape ng mapansin na may nakasandal sa pasukan papunta rito sa kusina.
Nilingon ko 'to at hindi nga ako nagkamali, si Dale habang ngiting ngiti na nakatingin sa'kin.
"Good morning babe, how's your sleep? Did you dreamed about me last night? Hmm?" bati nito sa'kin habang binabanggit ang mga 'yon na may nakakalokong ngiti sa kaniyang mukha.
Agad namang nag init ang aking mukha, naalala ko na naman kasi ang ginawa kong paghalik sa kaniya kagabi. Nakakahiya.
"Hey are you blushing? Are you thinking about the kiss last night?" tuluyan na itong nakalapit saka inangat ang mukha kong nakayuko para maitapat sa kaniya.
Nadako na naman ang paningin ko sa kaniyang mga labi, napalunok na naman ako. Agad na nagpanic ako ng lumapit na naman ang kaniyang mukha sa'kin, mabilis pa sa alas kwatrong ipinikit ko naman ang aking mga mata. Naramdaman ko na lamang na nakalapat na ang kaniyang mga labi sa aking nuo, sa ilong, sa pisnge at mabilisang dampi sa aking labi.
"You smell good today babe and you look extra beautiful with that blushing face" kapag kuwan saad nito bago lumayo at tuluyan ng umalis palabas ng kusina.
Naiwan naman akong nakatanga lang roon, hinihintay maproseso ng utak ko ang mga pinag gagawa niya.
Imposibleng parte pa iyon ng pagpapanggap eh wala namang katao tao rito. Hay ang lalaking 'yon inistress niya ang beauty ko. Matapos niya akong lituhin ay aalis na lang siya. Panagutan mo ako. Eksaheradong saad ko sa isip ko.
Dale naman, binabaliw mo'ko huhu.
Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong pagtitimpla ng kape na naudlot kaninang pumasok ang lalaking 'yon at ginulo ang utak ko.
Nanatili na lamang ako sa kusina habang humihigop ng aking kape. Naramdaman ko na naman na may papasok sa kusina kaya napatingin ako roon.
Iniluwa nito ang pinakamatandang kapatid nila Dale. Si Izaac. Hindi kagaya ni Dale ay mas lalo itong seryoso, although seryoso rin naman si Dale pero mas seryoso 'to. Hindi rin ito pasalita at mararamdaman mo talaga ang utoridad sa presensiya pa lamang niya.
At higit sa lahat ay may itsura ito, nakakalaglag ng brief ang kakisigan, ang kakisigan nilang magkakapatid.
BINABASA MO ANG
VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)
RomanceKerwin Rondale Vergara is a successful businessman owning five star hotels and resorts worldwide. Kailan man ay hindi pumasok sa kaniyang utak ang pagpapakasal, tinakot lamang siya ng kaniyang Ama na kapag wala pa siyang naipakilalang karelasyon sa...