32

6K 252 26
                                    

Kerwin Rondale Vergara

Dali dali kong inikot pabalik sa bahay ang kotse ng matanggap ko ang tawag galing kay Manang Ester.

Kung sinasabi niyong manhid ako sa mga kinikilos ni Chloe ay hindi. Alam na alam ko ang mga ganoong galawan. Nanahimik lang ako dahil ayaw ko ng gulo.

Pero ang ginawa niyang pagsugod sa bahay at pisikalang sinaktan si Rain, ibang usapan na yon.

Ng matanaw ko na ang mansyon ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Hindi ko na inintindi kung maayos ba ang pagkakapark ng kotse ko basta itinigil ko na ron.

Pero iba ang bumungad sa akin. Nakapatong na Darious kay Rain ang nadatnan ko.

"Anong ibig sabihin nito?" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Tumayo agad sila saka naman ako lumapit kay Rain at mahigpit na hinawakan sa braso. "Akala ko ba sinugod ka ni Chloe rito pero bakit iba naman ang nadatnan ko?"

"Aksidente lang yon Dale. Mali ang iniisip mo." Pagtatanggol niya sa sarili niya. "Atsaka nasasaktan ako Dale."

Hindi ko na siya pinakinggan at marahas na hinila pataas sa aming kuwarto. "In our room. Now!"

Pero bago pa kami tuluyang makaakyat ay binigyan ko muna ng nanlilisik na tingin si Darious. He should know his place, driver lang siya rito.

Rain Elouise Climente Salcedo

"Dale m-masakit." Angal ko pagpasok namin ng kuwarto. "Wala namang ibig sabihin yong nakita mo kan---"

"I'm jelous okay." Pagputol nito sa sasabihin ko bago niya ako siilin ng halik. "I'm sorry kung nasaktan kita."

"Wala ka namang dapat ikaselos. Magkaibigan lang kami, nag offer lang talaga si Darious kanina ng tulong para gamutin yong mga sugat ko dahil kay Chloe." Pagdedepensa ko.

"I'm sorry about earlier. I'm sorry about Chloe." Para na itong maiiyak sa itsura niya.

"Hindi mo naman kasalanan Dale."

"Bakit hindi mo siya binawian, you should've hit her somewhere else." Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya.

"Kawawa naman kapag pinatulan ko pa. Baka maknock out na siya don sa harap, mukhang nakainom pa naman." Natatawa ko pa rin saad. "Teka, nagpalit ka ba ng pabango? Ambaho ng amoy mo."

Napapansin ko kasi minsan, parang pabago bago ang pang amoy ko. "No. I used the same perfume, diba sabi mo mabango to. You even picked this."

"Oo nga. Pero lumayo ka. Ang baho mo tala-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman kong maduduwal na ako. Agad agad akong tumakbo papuntang banyo habang si Dale ay nakasunod lang sa akin.

Halos isuka ko na lahat ng kinain ko kaninang umaga, kagabi at yong mga nakaraan ko pang kinain. Nakakapanghina, si Dale naman hinahagod lang ang likuran ko.

Ng maramdaman kong maayos ayos na ang pakiramdam ko ay sumandal ako sa dibdib ni Dale.

"Pacheck up tayo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Baka yong kinain ko lang to kanina atsaka ayokong magpacheck up tinatamad ako." Oh diba, instant tamad din ako ngayon. Bet ko lang humiga, napagod ako sa digmaan na naganap sa aming dalawa ni Chloe kanina.

VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon