Darious Lee
"Darious?" Hindi makapaniwalang turan ni Rain ng makilala niya ako. Malalaman at malalaman niya rin naman na kasabwat ako ni Chloe kaya mas mabuti pang isiwalat ko na ang pagkakakilanlan ko.
"You seem shock." Pinanatili kong sarkastiko ang boses ko.
"Ba-bakit?" Turan nito na halatang maiiyak na. "Akala ko magkaibigan na tayo?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Sino ba naman ang tanga na kakaibiganin ang kalaban niya? Kinaibigan kita oo, pero parte lang yon ng plano."
"Bakit niyo to ginagawa?" Makikita pa rin sa mukha niya ang gulat. Halata rin na dismayado siya.
"Handa ka bang makinig sa mga sasabihin ko?" Pakunyaring tanong ko sa kaniya.
"Handa ako Darious. Handa akong intindihan ka." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Halata ngang gusto niyang malaman ang dahilan ko kung bakit ako nakipagsabwatan kay Chloe.
"Sila ang dahilan kung bakit wala na ang mga magulang ko." Pagsisimula ko, nakatingin kaming pareho sa mukha ng isa't isa kaya kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Diba nakuwento ko sayo na nabankcrupt ang business namin. Na sinubukang humingi ng tulong ng parents ko sa mga magulang nila pero hindi sila tinulungan, hindi sila binigyan ni kunting tulong man lang." Tumigil ako dahil naalala ko na naman kung paano nagmakaawa ang mga magulang ko. Si Rain naman ay nanatili lang na tahimik, naghihintay sa mga susunod kong sasabihin.
"Magkaibigan ang mga magulang at mga Vergara pero hindi sila kailan man naging magkasosyo sa negosyo. Naisip ni Dad na humingi ng tulong sa kanila pero maging sila ay hindi man lang nagbigay ng kaunting tulong. Sila na lang ang huli naming pag asa para maisalba ang negosyo namin pero wala sila ginawa, dinahilan pa nila na baka raw gamitin rin lang ni Dad ang pera para ipang casino. Pero hindi, alam ko na natuhan na si Dad ng malamang bumabagsak ang negosyo namin dahil sa naadik siya sa pagsusugal, alam kong gustong gusto niyang makahanap ng tulong kasi sabi niya sa akin ay babawi siya." Hindi ko na napigilan, bumagsak na ang mga luha ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit lumaki ng halos isanh araw o mga ilang oras mo lang nakikita ang mga magulang mo dahil sa trabaho? Alam mo ba ang pakiramdam na sa tinagal tagal mong nabubuhay sa mundong to, isang araw sasabihin ng tatay mo na babawi siya sa mga panahong hindi kami nagkasama? Nandon na eh, babawi na ang Daddy, pero pinagkait yon ng mga Vergara sa akin. Kasi alam mo, ang mga magulang ko mismo ang kumuha ng mga buhay nila dahil sa frustration at depression na hindi na masasalba pa ang negosyo namin."
"I'm sorry Darious." Rinig kong banggit niya.
"Sapat na siguro yon. Alam kong para sayo ay mababaw yon pero para sa akin ay malalim na dahilan na yon para maghigante. Hindi nila alam ang hirap na pinagdaanan ko pagkatapos mawala ng mga magulang ko. Kinailangan kong kumayod para sa sarili ko. At ngayon sa tingin nila mapapatawad ko sila dahil kinuha nila akong driver?" Tumawa ako ng tumawa.
"Hindi naman kailangang ganito Darious. Hindi mo naman kailangang gawin to para maipaghigante ang mga magulang mo. Walang may kasalanan ng mga nangyari." Nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi niya.
Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang magkabilang braso niya tsaka ko siya inalog alog. "Sino ka para sabihin na walang may kasalanan sa nangyari? Ang mga Vergara ang may kasalanan at yon ang totoo." Tumigil lang ako sa pag alog sa kaniya ng makita ang takot sa mukha niya.
Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita at umalis na lang ako sa lugar na yon.
Kerwin Rondale Vergara
BINABASA MO ANG
VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)
Roman d'amourKerwin Rondale Vergara is a successful businessman owning five star hotels and resorts worldwide. Kailan man ay hindi pumasok sa kaniyang utak ang pagpapakasal, tinakot lamang siya ng kaniyang Ama na kapag wala pa siyang naipakilalang karelasyon sa...