Rain Elouise Climente
Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga damit ko. Disidido talaga si Dale na palitan ako sa mansyon nila. Wala rin naman akong magagawa dahil siya ang boss ko, iniisip ko na lang na parte ito ng trabaho ko.
Tungkol naman sa trabaho ko sa coffee shop ay wala namang problema dahil isasabay na lang daw niya ako kapag papasok na siya ng trabaho.
Patapos na ako sa huling damit na isisilid ko sa maleta ng pumasok ang bulto ni Dale.
"You done?" obvious naman na patapos na ako, tatanong tanong pa 'to.
"Hmm mm patapos na rin ako, nagmamadali ka ba? May iba ka pa bang pupuntahan pagkatapos nito?" balik na tanong ko na lamang dito.
Kagabi kasi iyong nanggaling kami sa kanilang mansyon, sinabi niyang tutulungan niya ako kagabi pero ipinilit ko na ipabukas na lang na sinag ayunan niya rin lang sa huli.
"No, day off ko ngayon, kaya free ako. I'm all yours for today babe" malanding saad naman nito na ikinangiwi ko at hindi ko na pinansin pa.
Kinacareer na ng lalaking ito ang pagtawag sa'kin ng babe. Hindi ko mapigilang hindi taasan ng mga balahibo sa tuwing tinatawag niya ako ng ganoon.
Pero kailangan kong mas sanayin pa dahil simula ngayon ay doon na ako titira. Bakit pa kasi sinang ayunan ng lalaking 'to ang ideya ng Mommy niya, ako tuloy ang naiipit.
Kailangan ko lang isaisip at huwag kakalimutan na bawal ang mainlove sa kaniya gaya na lang ng nakasaad sa kontrata.
Pag labas ko mula sa kuwarto ay prente lamang siyang nakaupo sa sofa sa maliit kong sala. May nalalaman pang I will help you pack your things eh akala mo kung Don na nakarelax sa sofa.
"Tapos na ako, baka naman puwede mo na akong tulungan dalhin ang mga bagahe ko papunta sa sasakyan mo" saad ko rito, agad naman itong tumayo at tinungo ang loob ng kuwarto.
Paglabas nito ay hila hila niya ang dalawa kong maleta at nakasukbit na sa kaniyang mga braso ang isa pang travel bag. Iyon lang naman ang mga gamit ko rito. Ang sofa at iba pang gamit na narito sa bahay ay pagmamay-ari naman nina Aling Siony.
Kanina pa naman ako handa kaya mabilis kong tinungo ang pintuan upang mapagbuksan ko siya, tuloy tuloy lamang itong naglakad palabas, ng makalagpas sa'kin ay nagpatuloy na 'to na parang hindi ako nakita. Sira talaga ang utak nito minsan. Natatakot na akong sumama sa kaniya.
"Magpapa alam lang ako saglit kila Aling Siony, hintayin mo na lang ako sa sasakyan mo" pahabol na sigaw ko rito bago siya tuluyang makalayo.
Limang palapag ang apartment na pinapaupahan nina Aling Siony at nasa ikalawang palapag lamang ang akin. Nasa groud floor naman ang mismong bahay nila, at kalahati lamang nun ang pinapaupahan nila dahil naukupa ng bahay nila ang kalahating parte ng groud floor.
Nakababa na ako at nagtungo sa tapat ng pinto nila kasabay ng pagkatok at pagtawag ko sa pangalan ni Aling Siony. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan at pinapasok nila ako sa kanilang bahay. Pinapaupo ako ni Aling Siony sa kanilang sofa. "Oh bakit naparito ka? Magpapa alam ka na ba? Napansin ko kasing may lalaking bumaba na galing unit mo, may dalang dalawang maleta at isang travel bag" mahabang usisa nito sa'kin.
"Ah opo Aling Siony aalis na po ako at sasama sa lalaking iyon, binigyan niya po kasi ako ng trabaho at hindi ko naman matanggihan dahil medyo malaki ang bigayan" sagot ko naman rito na ikinatango tango niya.
"Oh siya, kung iyan ang desisyon mo ay hindi naman kita pipigilan, matanda ka naman na at alam kong kayang kaya mo ng prtektahan ang sarili mo. Ang akin lang ay mag iingat ka, huwag kang basta bastang magtitiwala at alagaan mo ang sarili mo ha bata ka. Alam nating pareho na ibinilin ka sa akin Nanay mo pero wala namang akong karapatan para pigilan at pagbawalan ka sa mga desisyon mo na alam mong makakabuti rin sa'yo. Kung sakali mang magbago ang isip mo at napagod sa trabahong iyan, 'wag mong kakalimutan na parati kang welcome rito ha" mahabang salaysay ni Aling Siony, ramdam na ramdam ko ang emosyon niya. Hindi niya man aminin ay alam kong napamahal na rin siya sa'kin. "Halika nga ritong bata ka, payakap naman. Pakiramdam ko kasi ay hindi ka na babalik" sabi nito bago ko siya lapitan ay mahigpit na yakapin.
"Maraming maraming salamat po Aling Siony. Hindi ko na po iisa isahin ang mga bagay na nagawa niyo para sa'kin pero gusto ko pong lagi niyong tatandaan na malaki ang papasalamat ko sa inyo. Maraming salamat din po sa pag iintindi sa'kin" sinabi ko na lamang saka kumalas sa aming yakap. Inabot ko sa kaniya ang puting sobre na naglalaman ng sampong libo. Alam kong kulang pa iyon para sa mga nagawa nila lalo na noong burol ng nanay pero sana tanggapin niya. "Tanggapin niyo po ito Aling Siony at please wag na po kayong magreklamo at ipilit na wag ng tanggapin ito." sabi ko bago tumayo at tinungo ang pinto papalabas ng kanilang bahay. "Maraming salamat po Aling Siony" mangiyak ngiyak na huling saad ko bago buksan ang pinto at tuluyan ng lumabas.
Agad kong tinungo ang sasakyan ni Dale, malayo pa lang ay nakikita ko na siyang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Nilalaro laro nito ang kaniyang susi at pinapai-paikot.
"Did you cry?" sabay lapit nito at sinapo ang aking mukha at iniharap sa kaniyang mukha. Napagmasdan ko na naman ang perkpektong pagmumukha nito. Para akong tinatangay ng mga malaabo niyang mga mata at para akong hinipnotismo ng mapupula niyang mga labi.
Napabalik lamang ako sa aking wisyo ng magsalita muli 'to. "Done examining my face huh babe" tukso naman nito na kinairap ko na lamang at sabay tabig ng kaniyang kamay upang makawala na ang aking mga mukha sa pagkakahawak niya.
Umikot na ako at sumakay na lamang ako sa kaniyang kotse. Ilang segundo pa mula ng makapasok ako ay pumasok na rin ito na nakangit pa na parang loko.
"Huwag ka ng magtampo, hayaan mo at bibigyan kita ng oras mamaya sa bahay para matagal na pagmasdan ang pagmumukha ko" proud na saad nito na binuntong hiningahan ko na lang. Napakahangin pala ngayon. "Pero bago tayo umuwi mamasyal muna tayo, let's to an amusement park. You want that babe? Come on, talk to me, answer me." hesterical na saad nito na akala mo ay pabebe.
Tinanguhan ko na lamang siya, at ng makita kong nagpout siya ay labis na lang ang pagpipigil ko sa sarili kong hindi mapangit. Ang ganda naman palang asarin ng lalaking 'to, natutuwang saad ko na lang sa akinh isipan.
Nagsimula na rin itong paandarin ang kaniyang sasakyan at mabilis na nilisan ang lugar kung saan tinuruan ko ang sarili ko kung paano bumangon at harapin ang mga araw ng mag-isa at walang Nanay na nakasuporta.
Pinahid ko ang nakatakas na munting butil ng luha sa aking mata. Huwag ka ng mag-alala sa'kin Nay, kakayanin ko na 'to kahit wala ka. Ani ko sa sarili.
Bigla naman akong hinikab saka medyo nag unat. Inerelax ko na lang ang sarili ko habang nasa byahe at hindi ko na namalayan anh unti unting pagpikit ng aking mga mata, ngayon ko naramdaman ang pagod sa pag iimpakr kanina.
_____________
Thankyou! Thankyou mga mahal. Dont forget to vote and to follow me. Mahal ko kayo. Stay safe and stay healthy. Muah!♡
BINABASA MO ANG
VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)
RomanceKerwin Rondale Vergara is a successful businessman owning five star hotels and resorts worldwide. Kailan man ay hindi pumasok sa kaniyang utak ang pagpapakasal, tinakot lamang siya ng kaniyang Ama na kapag wala pa siyang naipakilalang karelasyon sa...