18

7.2K 329 30
                                    

Rain Elouise Climente

Agad kong dinampot ang cellphone ko para tawagan si Kuya Alonzo.

Agad niya naman itong sinagot. "Are you okay? Nandito pa rin ako sa baba, umalis na ang Mommy at Daddy niya, may mahalaga daw silang client na kikitain." Saad nito sa kabilang linya.

"A-ayos lang ako Kuya."

"Bababa ka na ba? I can wait."

"Oo kuya, pakihintay na lang ako." Huling banggit ko bago ibinaba ang tawag.

Dumiretso naman ako sa walk in closet, kinuha ko ang ilang mga damit ko roon at isinilid sa bag ko.

Ng matapos kong gawin iyon ay nilapitan ko muli si Dale. Hinalikan ko ang nuo niya ang ilong, pisnge at ang labi.

"Patawarin mo ko sa gagawin ko mahal ko, pero pangako. Babalik ako. Mahal kita Dale." Umiiyak kong bulong rito bago tuluyan ng lumabas.

Nakababa na ako at tama nga, naroon si Kuya. Ng makita niya ako ay agad siyang tumayo para salubungin ako.

"What are you going to do? Bakit may dala kang bag? Are you leaving him? Did he explain to you?" Sunod sunod na tanong ni Kuya sa akin.

"Pakiramdam ko hindi pa kami handa Kuya. Natatakot ako, laro lang ang lahat ng to at nahulog na ako sa kaniya. Kuya nagtratrabaho lang ako sa kaniya, binabayaran niya ako para magpanggap na karelasyon niya. Anong gagawin ko? Hulog na hulog na ako sa kaniya." Umiiyak na pag amin ko kay Kuya.

"Then tell him, that you love him."

"Pero paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman." Mas lalo pang bumuhos ang luha ko.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito, dahil lang naman sa babaeng sumagot ng tawag ay ganito na ako.

O baka dahil hindi ako sigurado at hindi ko alam kung ganoon rin ang nararamdaman ni Dale sa akin. Kung mahal na din niya ba ako?

"You have contract right?" Pagtatanong ni Kuya.

Tumango naman ako rito bilang sagot. Hindi ko na kayang sumagot pa sa kaniya, sinisinok na ako dahil sa pag iyak.

Iniupo naman ako ni Kuya sa sofa bago magsalita ulit.

"How long?" Tanong niyang muli.

"6 months, tapos na ang apat na buwan." Sinisinok kung sagot rito.

Lumapit naman siya sa akin at ginamit ang hinalalaking daliri niya para punasan ang luha ko.

"So you still have two months?" Tumango naman ako rito. "Bakit hindi mo gamitin ang dalawang buwan para paibigan siya, kunin mo ang loob niya. Kapag nagawa mo yon ay hindi ka na matatakot ulit. Pero kung wala pa rin siyang nararamdaman at hindi mo pa rin nararamdaman na minamahal ka na rin niya pabalik ay ako mismo ang maglalayo sayo rito." Mahabang salaysay nito.

"Paano ako makakatagal pa ng dalawang buwan kung sa simpleng pagsagot lang ng babae sa telepono niya ay nasasaktan na ako."

VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon