Chapter 4

1.6K 51 2
                                    

"Mayang, may audition daw ulit ang Trusted Voices." Pukaw ni Sue sa nakatulala kong isipan.

Nasa cafeteria kami ng mga sandaling iyon.

"Oh." I responded.

"Hanggang ngayon, naalala ko pa rin yung audition ko sa kanila. Salang na salang ka talaga eh." Pagbabalik tanaw ni Sue.

Ang Trusted Voices na sinasabi nito ay ang Music Org sa loob ng campus.

"Three Phases ba naman."

Ang sinasabi nitong Phases ay ang mga dapat mong maipasa para maging ganap na myembro ka ng Trusted Voices.

Sa organisasyong iyon nagmula ang tatlong sikat na singer ng bansa ngayon  at sa kasalukuyan ay nag aaral pa.

At si Donny ay isa din sa lihitimong myembro ng nasabing organisasyon.

"Sheyt ang pogi talaga!" Nagpipigil sa kilig na wika ng katabi naming table. Maya maya pa'y umingay na din ang paligid.

At alam ko na yung ganitong eksena.

There, Donny Pangilinan with his buddies.

Papunta sa direksyon namin kung saan malapit kami sa food section.

Agad kong ibinaba ang paningin sa lamesa at kunyari ay focus sa pagkain.

Kaso ay may biglang tumigil na mga paa sa paanan ko.

"Hey, I know you!."

Wag ngayon please. I prayed silently.

"Bro, this was your admirer who confessed to you last time right?" Sabi pa then he chuckled.

Si Sue sa tabi ko ay di ko malaman ang reaksyon at pasimple akong kinukurot.

"So sorry for you lady. This man is taken." Dagdag pa nung kanina pa salita ng salita na sa pagkakaalam ko ay Iñigo ang pangalan.

Itinaas ko na ang paningin ko. Nangliliit na kasi ako at lahat ng mga mata ay nakatingin na sa amin.

Kaylangan ko ibangon ang pride ko kahit papano.

"So anong paki mo?"Yamot kong bulyaw dito.

"Whoaaa." Ngising reak naman nung isang Tisoy na Joao yata ang pangalan.

Si Donny ay dumeretso na sa food section.

Walang pakialam na kala mo di sya ang subject ng usapan.

"Fierce. I like it." Ngising dagdag nung Inigo sabay kinindatan ako.

Seconds after, sumunod na ang mga ito kay Donny.

Kainaman na yan.

****
"Sheyt mayang! Kinabahan ako dun." Napapaypay sa sariling wika ni Sue. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at lumabas na ng cafeteria dahil di ko na makayanan ang titig ng mga tao sakin. Si Sue naman ay di na din tinapos yung pagkain at sumunod na rin sakin.

"First time ko silang makita ng malapitan. Sheyt, Joao is super handsome." Anito at tila kinilig pa nga.

Agree naman ako dun.

Ang gagwapo nga nila lahat.

Kaso yung manners ang wala sa kanila.

Dahil lang sa pagkacrush ko kay Donny nagcrash din yung mga kahihiyan sakin.

"For sure, walang makakapasa na naman dyan." Narinig namin galing sa estudyanteng napadaan.

Nagtinginan kami ni Sue.

Nadaanan kasi namin ung nakapaskil sa school bulletin board, di na rin kami nagdalawang isip at nakibasa na rin.

Audition Announcement!!!

TRUSTED VOICES are holding auditions for aspiring singers/instrumentalists who are looking to join a fun-filled ensemble for this school year!

What to prepare?

Singers will need to send a three (3) minute video which best demonstrates their voice range and technical capabilities for the First Phase.

Interested? Send your piece at:
trustedvoices@adamson.ph

We'll review your piece and you'll get an email reply for you to proceed for the Second Phase.

For further announcement, you may visit Trusted Voices official facebook page at http//facebook.com/trustedvoicesadamson

"Ayan na naman sila." Sue tsked.

"Daang libo na yata nag audition sa kanila, iilan lang naman nakakapasa. Super high ang standard di mareach grabeee!." Dagdag pa nito.

"Join kaya ako." Seryoso kong sabi. Si Sue naman ay napatawa at akala'y nagbibiro ako.

"Try mo din. Kakaiba ang level of confidence mo eh." Anito at akala nga yata'y nagbibiro ako.

Iniisip ko din yung percentage ng tsansang makakapasok ako dahil full ang scholarship na ibibigay nila.

Dati ko pa naman gusto itry kaso ay ayaw ko icompromise yung 30% scholarship ko sa walang kasiguraduhang audition.

Why not try it? Nagpaalam ka naman na  kay Father Benedicto di ba? Saad ng utak ko.

Yun nga, pansamantalang umalis muna ako sa choral group at malayo layo 'yung bahay nila Donny sa simbahan. Naintindihan naman ni Father. Kaso yung scholarship ko naman ang maiipit. Ang Mommy at Daddy ni Donny naman ay nagsabi na sasagutin nila ang pag aaral ko. Ang kaso ay nakakahiya na. Si Donny nga ay full time scholar din. Tapos paggagastusan pa nila yung pag aaral ko.

***
"Agh, naputol pa." Reklamo ko ng maputol ang string ng gitara. Sabado at gabi na, nasa hiram kong kwarto ako ngayon.

I stood up at nagtungo sa isang bag na nakasabit para kuhanin ang spare ng string ng gitara.

It took more than twenty minutes ng maikabit ko yun.

"Nay, mag au-audition po ako. Gabayan nyo po ako ha." Kausap ko sa gitara at hinimas himas iyon.

Ang dami kong pinakinggang kanta and i came up with the idea na imemedley ko na lang yung mga disney songs which are Arabian Nights from Alladin
Be prepared from Lion King
Heffulumps and woozle by Winnie The Pooh

I praticed it almost three hours and
I think I perfected the plucking, finger styling and it's transition, ivevideo ko na lang yung sarili ko.

Tingin ko naman din ay sound proof yung kwarto at di ako makakaisturbo sa mga katabing kwarto ko.

Naka 100 take din yata ako bago ako nasatisfy sa video ko. Nanakit din yung daliri ko sa pagkaskas at ipit.

Luckily, may computer unit sa kwarto, sabi naman ni Tita ay wag akong mahihiyang gamitin iyon at sa akin na daw yun.

I uploaded the video and sent to Trusted Voices email, then I received a robotic reply saying na eevaluate nila yung email ko.

How long should I wait before I get a reply?

Or magrereply nga ba sila?

Walang masamang umasa.

Atleast I tried.

*****
Author's note:
If you're interested with the disney medley song.
Link: https://youtu.be/036cDjwgx1s



























ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon