Chapter 16

1.1K 52 7
                                    

"Morning love birds." Yuki greeted us.

What a kid.

Natatarantang tumayo na ako at dali daling inayos ang pinagtulugan.

"Breakfast is served, let's eat na daw." Yuki added.

Anong oras na ba?

Nasagot naman ang tanong ko nung makita sa screen ng cellphone ko ang oras.

Alas otso na?

Muntik pang mapasigaw na saad ko.

Bago pa man din maibulalas ay nagpaalam na ako sa mga ito para bumalik ng kwarto.

Pagbalik naman sa kwarto ay napatili ako ng makita ang itsura ko sa salamin.

As in ang pangit ko.

Ganun ako nakipagngitian kay Donny kanina?

Nakakaiyak.

May laway pa yata sa gilid ng bibig ko.

Kahiya hiya man ay dali dali ko ng inayos ang sarili ko at bumaba na.

Naabutan kong nakain na ang dalawa. Hindi sa kusina kundi sa salas habang nanunood ng palabas.

"Come here Ate May and get your food." Agad namang sabi ni Yuki at itinuro pa ang plato na may nakapatong na kutsara't tindor na sadyang para sa akin.

Na touch naman ako dun.

Pati yung pagkain ay nasa center table na rin.

"Don't you have class today?" Donny asked.

"May isang subject ako. Mamayang 3pm pa naman." Sagot ko sa habang sumusubo.

Napanganga pa ako bahagya ng may maalala.

Ngayon yung concert ng black pink!

Agad na tiningnan ko ang cellphone at saktong biglang nag pop ung msg sa msgr ko showing Jameson's picture.

Nakalimutan kong kumakain pala ako. Ni hindi ko napansin na nakatitig sa akin si Donny.

"Ma - lelate din pala ako ng uwi mamaya. I mean super late." Paalam ko kay Donny na sya namang nag iwas ng tingin ng tumingin ako dito.

"Why?" Maikling tanong nito na nasa tv ang atensyon.

"M-manonood sana ng c-concert." Nauutal kong wika na kala mo nagpapaalam sa Tatay ko.

"P-pero kung di naman okey ay d-di na lng ako tutuloy." Dagdag ko pa.

Hindi pa rin ito umimik.

"Black pink? Is that the super girly girly look korean girls?" Sabat ni Yuki.

Tumango naman ako.

"Sino kasama mo?" Yuki asked again.

Grabe naman tong mga to.

"K-ka s-schoolmate ko." Nabulol kong sagot.

"A girl or a boy?" Pangungulit pa ni Yuki.

Ayoko naman sumagot at baka ano isipin ng mga to.

"If that's a boy. It's a big NO." Parang matandang turan ni Yuki na nasa beywang ang dalawang kamay pa talaga.

"Kuya would be jealous." Yuki added na ikinaubo ni Donny at pinanlakihan pa yata ng mata si Yuki.

Jealous mo muka mo.

Gusto ko sanang isagot.

Porket alam ng batang to na may gusto ako sa kapatid nito ay kung ano ano ng sinasabi.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon