Chapter 2

2.9K 72 8
                                    

"Mayang, anak? Nandito na tayo." Gising sa akin ni tatay na katabi ni Tito Anton sa driver seat.

Tamad na humikab ako at wala sa loob na tiningnan 'yong paligid.

Nanlaki 'yong mata ko at biglang nalula sa nakita.

Paano bang hindi?

Ang laki ng bahay.

Pinagala ko pa ang mata ko ng makalabas ng sasakyan.

Pati  'yong bakuran, ang laki. Kasya yata sampung bahay dito. Para ngang farm sa laki. Surrounded by trees.

Ito na yong bahay ng kaibigan ni Tatay?

Bahagya pa akong nakanganga habang nililibot ang tingin sa paligid.

Papagabi na din, ng tumingin ako sa orasan ng cellphone ko eh mag aalas sais na.

May nakita akong iba't ibang kubo na para bang nasa isang parke ako.

"Welcome sa munting tahanan namin May." Ngiting wika ni Tito Anton.

Nyay. Munti pa to? Anong tawag na lang sa bahay namin?

Tirahan ng langgam?

"Gaston! How are you?!" Ngiting ngiti na wika ng isang babae na lumabas mula sa pintuan ng harapan ng bahay. Pumalakpak pa ito na tila tuwang tuwa talagang makita si Tatay.

Ang ganda nya.

Ang puti.

Ang sosyal.

Ang tangkad.

Feeling ko magkasintangkad kami.

Ang height ko ay 5'7.

Para syang model.

Ganda ng lips.

May kapareha syang lips. Di ko lang din maalala kung sino. May hawig din sya.

"Maricel."

"Long time no see Gaston!, Im sorry about what happened."

"Maraming salamat Maricel sa tulong nyo ni Anton ha." Nahiyang sabi ni Tatay at nagkamot na naman. Nagulat pa ako nung biglang suminghap yong Ginang ng mabaling ang tingin sa akin.

"Is this your daughter? She's pretty, slim and v--ery tall!" Anito sa nanlalaking mata.

"Good afternoon po. Ako po si Marydale pero May na lng po itawag nyo po" Bati ko na sinamahan ng hilaw na ngiti.

Nakakaintimidate kasi ang aura nya sa unang tingin.

"Oh, what a polite lady! Call me Tita. I love you already." Anito at walang sabi sabing niyakap ako.

Naawkward tuloy ako.

Feeling ko kasi ang dugyot dugyot ko.

"Come on! Let's go inside." Yaya nya pagkatapos at hinawakan ako sa kamay sabay hinila papasok sa loob ng kabahayan.

'Sumunod naman yong dalawang lalaki.

"Manang Rose? Can you tell the kids na bumaba, pakisabi nandito na yong bisita." Narinig kong wika nya sa nakacivillian na katulong.

Kami ni Tatay eh magkatabing umupo na dun sa malaki at malambot nilang na sofa.

Dito ba talaga kami titira?

Ceiling pa lang nila nakakalula na. Kita pati na mamahalin ang mga mwebles nila.

"Just wait for a while. Ihahanda ko lang 'yong early dinner natin ha." Paalam ni Tita pero bago pa man tuluyang pumunta sa kusina eh may narinig kaming magkasunod na yabag sa hagdan.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon