Epilogue

2.5K 79 13
                                    

Magkahawak ang kamay na naglalakad kami sa hallway ng campus ni Donny.

Today is the official day for us being a couple.

After months of courting. Nagdecide na akong sagutin sya.

Mag iinarte pa ba ako?

Dalawang buwan din bago kami makabalik ni Tatay sa bahay.

Hindi pa totally tapos yun pero sa labas na lang naman ang mga kulang.

Nag iiyak pa ang Tita Maricel nung nagpaalam na ang Tatay na kukunin na ako pero natuwa din naman nung biglang sinabi ni Yuki na gusto ako ni Donny.

Same with Donny na malungkot na aalis na ako but at the same time happy dahil pwede na akong maligawan.

He kept his promise.

After his confession imbes na maging sweet ay iniwasan namin ang isat isa na mapagsolo.

Kung magkakasama man ay during meals na lang or kasama si Yuki.

Kaya ako naman ay panay tanong sa tatay kung kelan matatapos ang bahay.

Ang hirap pigilan ang damdamin.

Sa msgr o text na lang kami nakakapag usap.

Nagkakamustahan sa naging araw namin.

We continued our obligations, us being a member of Trusted Voices.

Nagtataka pa nga ang The Ump Yours dahil parang nag iiwasan kami.

We decided to tell them yung desisyon na ginawa nmin.

Though kahit ganun ay andun pa rin ang tuksuhan.

Sinabi ko na din kay Sue at Edward ang boung kwento bilang respeto sa pakikipagkaibigan namin.

From the beginning kinwento ko sa kanila kung saan kami ni Tatay nung panahong wala kaming bahay. Pati yung ginagawang panliligaw ni Donny sakin.

They we're both shocked at dalawang linggo akong di kinausap. Lalo na si Edward na alam kong nasaktan ko.

Si Sue naman ay nung napatawad na ako ay sinabing sobrang saya nya dahil akala nya ay ilusyanada lang ako. Akalain daw ba nya na nililigawan ako ng isang Donny Pangilinan?

"Tinitingnan tayo ng mga tao." Nahihiya kong bulong kay Donny at hinihila ang kamay ko kaso ay mahigpit ang pagkakahawak nito kaya di ako makabitiw.

"Looks like ako yung kinakahiya mo."

"Hindi naman." Pabulong kong saad dito.

Sa halip na bitawan ay lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Nung lumaon naman ay nawala ang kaba sa dibdib ko.

****
"Bakit ang sama mo sakin nung nagconfess ako sayo?" Tanong ko kay Donny.

Nasa park kami ng subdivision kung saan dun lami unang nakapag star gazing.

Nasa sasakyan pa rin kami.

I promise Tita Maricel na mag sleep over sa kanila kaya dumaan muna kami dito ni Donny pagkagaling ng campus.

"Did you know that you're my first girlfriend?" Tanong ni Donny na hindi sinagot ang tanong ko.

Alam kong ako ang una nyang girlfriend dahil sinabi sakin ni Iñigo at Joao.

Nakaganti din naman ako kay Iñigo na binatukan ko ng pagkalakas lakas.

Fake news sya eh.

"I don't know what to react kaya yun na lang lumabas sa bibig ko. I mean, i used to recieved confessions but you ambushed me. I wasn't prepared that time." Nakatawang sabi ni Donny.

May kinuha ito sa bag at inilabas ang libro at kinuha ang papel na nakaipit.

"That's my letter." Gulat kong sabi ng makita ang inilabas nito.

"Yes, Iñigo picked this to the ground but snatched it from him after you're gone."

"After kong umuwi I decided to fix it."

Halata nga dahil may mga scotch tape iyon sa mga mapunit punit na part.

Ang lala nung pagkapunit ni Donny nun kaya hindi ko inexpect na mabubuo nya yung sulat.

So nabasa nya pala yung letter kong yun.

"Dear Donny"  Panimula nya na binabasa ang nilalaman ng sulat ko.

Napapikit ako.

Ang cringey kasi nung sulat kong iyon.

"I think Im inlove with you,
I guess it started when I first saw you singing.
I've been in love with you since then.
Matagal ko ring pinag isipan ang pagkakataong  makapagsulat at maibigay sayo ito.
Alam kong di mo ako kilala at makapal ang mukha ko.
Alam ko rin na marami kaming nagkakagusto sayo.
Alam ko din namang malabo mo akong magustuhan.
Ang gusto ko lang naman ay malaman mo na may isang tulad ko na nakatanaw at nagkakagusto sayo.

Nagmamahal,
Marydale.

"Ughhh." Nakatawang sabi ko.

Kakahiya at nabasa pala nya.

"From then on, I always looked for you secretly."

Really?

"Kaya I was shocked nung makita kita sa bahay."

Ako din na shock.

"And the rest is history."

I smiled.

"I love you." Donny said sincerely na nakatitig sa akin.

"I love you too." I answered. Sincere than ever.

Sabay kaming tumingin sa kalangitan at pinapanood ang mga bituin sa langit.

Alam ko namang hindi dito nagtatapos ang kwento naming dalawa.

Madami pa kaming pagdadaanan.

I just hope na malagpasan namin iyon.

---End---

*****
Decided to change the title guys.

Parang ang bilis ng phasing ng story ano? Minadali ko na sya eh. 😂
Anyways, bawi tayo sa book 2.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon