"Your the first girl who heard Big bro's amazing voice." Yuki commented ng matapos ang kanta na may pataas taas pa ng kilay na nalalaman.
"Right bro?"
"Nope." Donny reacted na defensive ang pagkakasabi.
"But you told me, If you gonna sing with the presence of a girl. It will be your girlfriend."
Hindi ko alam kay Yuki pero parang babae. Mausisa at tsismoso minsan.
Hinihintay ko naman ang sagot ni Donny kaso ay sya namang balik ng ilaw.
"Oh thank goodness!" Donny reacted. Like he was saved from Yuki's question.
He stood up.
"Let's go back to our rooms."
"What if the lights goes off again?"
"Just press your emergency light button."
Meron pala nun?
"So meron din dito sa salas nun?" Curious kong tanong dito.
"Yeah. I just forgot. We also have genset. Just dont know how to operate it" He answered at nagkamot sa ulo.
Wala akong nasabi at napailing dito.
Tinupi ko na lng yung pinaggamitan naming higaan. Si Donny naman ay tinulungan na din ako at sabay sabay naming inakyat at binalik sa guest room yung mga pinaghigaan namin.
"Bro, can I sleep in your room?" Yuki said na nagpapaawang tumingin sa kapatid.
"Im scared." Dagdag pa ni Yuki.
Horror pa more.
Paano na lang ako?
"Fine." Donny agreed.
Pde din ba ako dun din matulog?
Heheh. Joke lang.
Kung di ko pa alam naghahanap din lang si Donny ng kasama dahil takot din ito.
"Night Ate May. Hope you'll get a nightmare."
Donny chuckled.
Bastos talaga na bata to.
Porket may kasama matulog.
"Night." Ikling tugon ko na nag make face dito pagkatapos ay sabay sabay na kami pumasok sa mga kwarto nmin.
****
Nagising ako sa ingay ng katok sa pintuan ng kwarto ko.Si Yuki iyon at panay ang Ate May habang nakatok.
I checked my phone at laking gulat ko ng makita ang oras.
Ala una pa ng madaling araw.
Nawala bigla ang antok ko at dali daling bumaba ng kama.
"Bakit?" Kinakabahang tanong ko sa bata ng mabungaran itong tila di alam ang gagawin.
"Ate May, Bro's having a high fever." Agad na paliwanag nito.
"Huh?" Parang antok ko pang tanong dito.
Sa halip naman na sumagot ito ay hinila nya ako palabas ng kwarto at papunta naman sa kwarto ng Kuya nito.
Pagkapasok namin ay kita ko na agad ang sinasabi ni Yuki.
Balot na balot sa comforter si Donny at tanging ulo lang nito ang nakalitaw. Pulang pula din ang mukha dahil marahil sa taas ng lagnat nito. Nanginginig din ito.
"Asan ang remote ng aircon?" Paos kong tanong kay Yuki.
Pumunta naman ito sa gilid ng pintuan at kinuha ang remote sa nakakabit sa pader na parang pocket nito.
Nang maiabot sa akin ay agad kong pinahinaan ang aircon.
Kahit ako ay di alam ang gagawin sa sitwasyon. Inalala ko na lng yung panahon na nagkakasakit ako at kung ano ang ginagawa ng Tatay sakin para bumaba ang lagnat ko.
"Dito ka lang at bababa ako saglit." Paalam ko sa bata. Tumango naman ito.
Pagkababa ay kumuha agad ako ng pang adult na Cool Aid, gamot, tubig pati thermometer. Nang makuha ang kaylangan ay bumalik na ako sa taas.
"Is he okey?" Nag aalalang saad ni Yuki.
Sa halip na sumagot ay binuksan ko na yung cool aid at dahan dahang nilapat sa noo nito. Bahagya ko namang iniangat ang braso nito para makuhaan ito ng temperature.
38.3 ang temperature nya. Mataas iyon.
Sunod kong ginawa ay dahan dahang binangon ito na medyo nahirapan ako dahil sa bigat nito.
Groggy pa yata si Donny.
"Inumin mo muna tong gamot." Usal ko. Thank God at tumalima naman ito at ibinuka ang bibig. Pati pagpapainom ng tubig ay inalalayan ko pa pagkatapos ay bumalik ulit sa pagkakahiga. Ako na din ang nag ayos ng kumot nito.
"Ate May. Dito ka na lang matulog please." Yuki pleaded.
Wala din naman akong nagawa at bumalik ng kwarto ko at kumuha ng panglatag.
Naglatag ako sa tabi ng kama ni Donny.
"Matulog ka na." Saad ko kay Yuki na tinitingnan ako sa ginagawang pag aayos ng higaan.
"Wag ka na mag alala ako na bahala sa Kuya mo." Dagdag ko pa para hindi na ito mag alala.
"You're an angel Ate May." Biglang sabi nito saka nagtalukbong na.
Nang uto pa nga.
Ako naman ay humiga na rin.
Kaso ay nawala na lahat ng antok ko.
Ako man din ay kinakabahan dahil baka hindi bumaba ang lagnat ni Donny.
Mayamaya ang ginawa kong pagsilip dito.
Pasalamat ko na lang din at di na ito nanginginig tulad kanina.
Maayos na din ang paghinga nito.
Nanunuod na lng ako ng kung ano anong videos habang nakahead set para aliwin ang sarili.
Hindi ko na din namalayan at nag alarm yung cp ko na isenet ko ng alas singko para sa gamot ni Donny.
Tumayo naman na ako nun at kinuha ang gamot sa side table.
Marahang tinapik ko ito sa braso.
"Inumin mo muna itong gamot mo." Saad ko ng magmulat ito ng mata.
Inalalayan ko sya ulit sa pag inom. Kinuhaan ko din ito ng temperature. Nakahinga ako ng maluwag ng naging 36.9 iyon.
Pinabalik ko na ito sa pagkakahiga.
Ako naman ay napahikab na rin at tinamaan na ng antok.
Di ko na ramdam ang paligid ko dahil tuluyan na akong nilamon ng antok.
****
"Good morning." Narinig ko."Morning." Paos ang tinig na sagot ko na di nagmumulat ng mata. Pakiramdam ko ay nananaginip pa ako.
Nang maalala naman ang kinaroroonan ay bigla kong dinilat ang mga mata.
"Okey ka na?" Agad kong tanong sa nakatunghay na si Donny na nakaupo sa gilid ng kama nito.
Tumayo ako at sinalat ang leeg at noo nito.
Nakalimutan ko din na bagong gising ako, gulo gulo ang buhok, may muta at mabaho ang bibig.
"Yes I'm okey." Turan naman ni Donny na nagpatigil sa akin.
"Salamat naman." Nakahingang turan ko at umupo sa tabi nito.
"Sorry naisturbo ka pa namin." Tila nahihiya namang sagot ni Donny na tumingin sa akin, Inayos ayos pa nito ang buhok na kala mo nahihiya.
"Wala yun." I answered back na tumingin din dito at nginitian ito.
Sa ganung ayos kami nabungaran ni Yuki na basta na lang binuksan ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Confession
RomanceMarydale Entrata aka Maymay has a huge crush on Donny Pangilinan. Wag nyo ng tanungin kung bakit. Malalaman nyo din naman. Given the chance, she confessed her feelings to him in public. Unfortunately, he rejected her. Paano kung sa hindi inaasahan...