Ang ganda ganda ng panaginip ko.
Parang ayaw ko ng gumising.
Pero dahil sa tawag ng kalikasan ay kaylangan ko ng bumangon.
Ngumiti ako sabay idinilat ang mata.
Pero nanlaki agad iyon ng iba ang bumungad sa paningin ko.
Si Donny na istrikto ang mukhang nakatunghay sa akin. At tulad ko ay bagong gising din.
Ang mas nakakagulat ay kung ano ang posisyon namin.
Nakaunan ako sa kanang braso nito at ang kanang kamay ko naman ay nakayakap sa beywang nito.
Para kaming mag asawa sa posisyon namin.
Nanlaki ang mga mata ko.
Sisigaw na sana ako ng may magsalita.
"What are you up to again?"
Si Yuki iyon.
Agad akong gumulong palayo dito.
"Anong ginawa mo sakin?" Sigaw ko sa nanlalaki pa ring mga mata at cheneck kung may suot pa ba akong damit.
Donny sighed heavily.
"I should be the one asking that." Anito at bumangon, umupo at pinasadahan ng kamay nito ang buhok na kala mo model ng shampoo.
"Dito ako nakahiga di ba?" Pasigaw pa ring tanong ko na itinuro yung pwesto ko.
"Yes, and you intruded my space."
"A-ano?!"
Wala sa sariling inalala ko ang pagpapainom ng gamot kay Yuki kanina.
At ng maalala na lutang akong bumalik sa kinahihigaan ay napanganga na lang ako sa katangahan. Inihilamos ko sa mukha ang dalawang palad sabay tumingin ulit dito.
Nakataas ang kilay nito as if saying.
You remember now?
"Sorry." Napapahiyang wika ko at di ito magawang tingnan.
Imbes na sagutin ako ay bumahing ito.
"Oh no bro. I think I have infected you." Sabat ni Yuki na nakalimutan kong nasa loob din ng kwarto.
Napatingin naman ako kay Donny. Bumahing na naman ito.
"I- I think I'm having a sore throat."
****
Gumaling na nga si Yuki pero si Donny naman ang pumalit.Matapos ang nakakahiyang umaga ay napalitan naman agad yun ng pag alala at dagli kong kinalimutan ang pagkapahiyang di ko naman sinadya.
After nun ay lumabas na si Donny ng kwarto bitbit ang comforter nito na ibinalot sa katawan.
Ako naman ay iniligpit na ang higaan at bumalik sa kwarto pagkatapos ay bumaba na at dumeretso sa kusina.
Si Yuki ay ng mga sandaling yun ay nakatambay na sa sala na nakapanjama pa rin.
Nanunuod ito ng cartoons.
Pagsilip ko naman sa kusina ay wala pa si Manang Lagring kaya nagpasya na akong makialam.
I decided na ipagluto ng lugaw ang dalawa kong pasyente.
Nang makapagluto na ay sya namang dating ni Manang Lagring na humingi pa ng paumanhin at na late sya ng pasok.
Pinakain ko na din si Yuki. Nang matapos ay napagpasyahan kong dalhan na lng si Donny ng pagkain sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
Confession
RomanceMarydale Entrata aka Maymay has a huge crush on Donny Pangilinan. Wag nyo ng tanungin kung bakit. Malalaman nyo din naman. Given the chance, she confessed her feelings to him in public. Unfortunately, he rejected her. Paano kung sa hindi inaasahan...