Chapter 7

1.2K 51 1
                                    

"Kids, we're going out of the town for 3 days for business." Anunsyo ni Tita Maricel sa hapagkainan.

"So both of you behave." Anito na nakatingin sa mga anak.

"And May, kindly look them out for us." Nakatingin at nakangiti sa akin na sabi ni Tita.

"S-sige po Tita." Nabulol kong sagot.

Pano bang hindi.

Pati si Donny, ipauubaya nia sa akin?

"We're okey Mom, we don't need her." Nakangusong sagot ni Yuki.

Ang sama talaga ng lasa ng batang to sa akin.

Para bang allergic sya sa mga bobo sa math.

Itong isa naman, yung english spelling ko ang pinuna.

Pagalingan sa math at english na ba basehan ng pagiging matalino ngayon?

"Andyan naman si Manang Rose so if you need anything. Ask her kindly." Ngiti pang dagdag nya.

"Ok." Ikling sagit naman ni Donny na tila sanay na na umaalis ang magulang.

Natapos ang almusal na walang imikan.

Ang seryoso talaga nila. Mas gusto ko pang sumabay sa mga kasambahay kesa sa kanila. Nakakapagbiruan kami.

Pagkatapos kumain ay nagkanya kanya na kami.

At dahil wala ako pasok ngayon. I guess  need ko magkulong na naman sa kwarto at gumawa ng kanta.

Kakaemail lng sa akin ng trusted voices.

The last phase will be a song writing.

At sa Huwebes na agad iyon.

Dalawang araw lang ang binigay sa amin para magsulat ng kanta at dapat ay akma sa description nila ang magiging lyrics.

Patungkol ito sa mga mahal sa buhay na pumanaw na at nagbibigay inspirasyon sa kasalukuyan.

At english dapat iyon.

I can relate to this dahil nawalan din ako ng mahal sa buhay.

At sana magawa ko agad.

****
Kanina pa ako balisa dahil kahit first stanza ng lyrics ay di ko magawa.

Help me mother. Saad ko at tumingala sa kisame.

Andami ng scratches sa notes ko at nanatiling blangko pa rin ang utak ko  kaya naisipan ko ng lumabas. Hindi sa balkonahe dahil may kainitan na ngayon. Baka lalo akong matusta pag nagkataon.

Sa labas mismo ng bahay balak ko dun sa may kubo. Naalala ko dati sa nasunog naming bahay, sa may punong mangga ako natambay at nakakapagsulat ng kanta. Bka yun ang kaylangan ko.

"What's that?"Bungad tanong sakin ni Yuki pagkababa ko ng hagdan. Sya naman nun ay may hawak na libro na marahil ay binabasa nia.

"Hindi mo alam ang gitara?" Pang aasar ko. Makaganti man lang.

"Stupid. Do you call that a guitar? That's cheap and old." Bawi naman nya sakin.

At nilait pa nga.

"Wala sa itsura yun." Ngisi kong sagot.

"Then you play it then?" Paghahamon pa ng tukmol.

"Wag na. Baka laitin mo pa ako." Sabi ko at nginisihan ulit ito.

"Whatever." Mas lalong pikong sagot nito at binalik na ang atensyon sa pagbabasa.

Ako naman ay dumeretsong labas na sa kabahayan.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon