Chapter 24

1.1K 48 12
                                    

"Why are you so grumpy bro?" Takang tanong ni Joao dahil kanina pa wala sa mood si Donny.

Lagi paulit ulit ang ginagawa nila dahil parang di naman nakafocus doon si Donny.

He sends daggers to my direction also.

Di ko naman kasalanan na nalaman nila eh.

Iniwasan ko na lang ang mapatingin dito at kunway busy sa kakatingin sa ginagawa ni Jameson na nagrerecord na ng mga sandaling iyon kaso ay walang pagbabago kay Donny at lalo sumama ang mood.

Naawa tuloy ako lalo kay Jameson at paulit ulit sa ginagawa.

"Jameson, gusto mo ng tubig?" Ang alok ko dito.

"Yes please." Sagot naman nito.

Kumuha naman na ako ng mineral water sa center table ng kwarto at iniabot dito.

"Thanks." Nakangiting wika ng lalaki.

Napaigtad kami parehas sa gulat ng biglang padabog na tinipa tipa ni Donny ang keyboard nito at basta na lang iyon na ang sakit sa taynga.

"What the hell bro?!"

Si Joao iyon  na kinunutan ng tingin ang kaibigan.

"Sorry. I'm not in the mood today." Donny answered at pinasadahan ng kamay nito ang buhok saka huminga ng malalim.

"Take a break first. We'll wait for you." Nakakaintinding wika ni Janella.

Si Gabbi at Maris naman ay himalang tumango lamang at sinundan na lang namin ng tingin ang lumabas na ng pintuan si Donny.

Si Iñigo ay pailing iling na din.

"Donny needs to cool down. He was about to explode." Joao 'tsked.'

"And I think alam ko kung sino ang may kasalanan." Dagdag naman ni Iñigo na tumingin sa kin.

Di ko naman kasalanan.

Kung di lang ba naman biglang sumulpot ang mga ito eh.

"What?" Tanong ni Iñigo marahil sa sama ng tingin ko dito.

"Wala." Paangil kong sagot sa kanya.

"Jameson. Mag c-Cr lang ako ha." Paalam ko na lang sa lalaki pero ang totoo ay balak ko lang sundan si Donny at magsorry dito.

"Sure. Sure." Walang anumang sagot naman nito.

"Girls, labas muna ako ha." Ang paalam ko naman sa mga ito.

"Take your time." Gabbi said.

Humakbang ako palabas ng pintuan at saktong pagkasara ng pinto ay narinig ko ang huling sinabi ni Maris.

"She doesn't have a clue no? It's super obvious."

Hindi ko nga lang alam kung patungkol sa akin o sa ibang tao.

*****
"Sorry na." Ang mahina kong sabi kay Donny na alam kong abot sa pandinig nya.

Nasa balcony nya ito.

Kanina ay nilibot ko ang kabahayan ay wala ito.

Akala ko naman ay nasa kwarto nya na ito.

Sakto namang naisipan kong lumabas ng balcony ay nakita ko itong nakahawak sa railings at panay ang buntong hininga.

Nagulat pa nga ito nung magsalita ako pero bigla ding ibinalik ang seryoso nitong mukha.

"Eh late ko na nabasa kasi yung text mo eh. Kung sana ba naman kinatok mo ako at sinabihang wag munang lumabas." Paninisi ko dito.

Di pa rin ito umimik.

"Ganyan mo ba ako kinakahiya talaga?"  Saad ko pa dito.

Ang sakit lang naman kasi sa dibdib.

Masaya naman na ako nung sinabi nyang wag ko syang i-unlike.

Sa katunayan ay ilang araw na akong masaya dahil ilang araw na din nya akong nginingitian at palaging kinakausap.

Naging mabait na sya sakin. Kaso ay iniiwasan ko nga lang syang makasabay sa pagpasok dahil ako lang din naman ang mahihirapan pagdating ng araw.

May pakiramdam din akong hindi nya nagugustuhan ang pag iwas ko ditong makasabay ito.

Kaya lang, sa nangyayari ngayon ay di yata't ilusyon ko lang iyon.

"Pasensya ka na. Hayaan mo at malapit na rin namang akong kunin ni Tatay." Tila maiiyak ko ng wika at tumungo na lang.

"You are really stupid!" Donny shouted at me na parang di alam ang gagawin sa akin..

This is the first time na narinig ko syang ganito kagalit.

Sa sinabi nito ay tuluyan ng nalaglag ang luha ko.

Gusto ko man itago sa kanya ay di ko na kinaya.

Laking gulat ko na rin ng tinawid nito ang nakaharang sa pagitan ng dalawang balcony at biglang nasa harapan ko na ito.

"Hey, I didn't mean it."  Ang biglang mahinahong saad nito saka ako niyakap.

Patuloy pa rin ang luha ko sa pagpatak. Umiyak akong tahimik.

He placed his finger under my chin and lifted my head.

"I'm sorry okey."

"Look at me." He deeply sighed.

"It's not what you think." Exasparated nyang sabi.

Hindi ko naman sya maintindihan.

Alam nyang kita sa mukha ko kalituhan kaya lalo itong napabuntong hininga.

Bago pa man ako makapagtanong dito ay bigla na lamang nyang sinakop ang mga labi ko na labis na nagpabigla sa akin.

Ang kanang kamay nito ay nakahawak sa kaliwang baywang ko habang ang isang kamay ay nasa ulo ko na nakaalalay.

Habang gumagalaw ang labi nito ay nanatiling nakatikom ang labi ko sa pagkabigla pero ng matauhan ay wala sa sariling gumalaw na lang din ng kusa ang bibig ko.

Wala akong experience sa pakikipaghalikan dahil NBSB ako pero siguro nga ay ganito.

Sa hindi nag iisip ay parang may sariling isip ang kamay ko at iniyakap sa baywang nito.

Hindi ko alam kong segundo o minuto ang itinagal ng halik nya pero ng matapos iyon ay niyakap ako ni Donny ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Huminga ito ng malalim.

Ang puso ko ay naguguluhan at parang may nagrarambulan na.

Anong ibig sabihin ng mga halik nya?

"This is what I wanted to say." He whispered.

























ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon