Chapter 19

1K 46 3
                                    

Tumigil naman ang taxi nun sa mismong tapat ng building kung saan yung TV's Lair.

Mangilan ngilan na din ang mga estudyante dahil gabi na rin pero napakaliwanag pa rin ng campus.

May mga estudyante pa rin naman na panggabi.

Ang building naman na tinigilan ko ay kung saan lahat ng organisasyon sa college level ay nasa isang building lang. I mean, may kanya kanyang kwarto ang kada organisasyon.

Pagkababa ko agad ay may mangilan ngilang estudyanteng napadaan ang napatingin sa akin.

Naasiwa tuloy ako sa itsura ko.

Tinuloy ko na lang ang paglalakad papasok ng building. Kunyari confident pero nanghihina na ang tuhod ko.

Buti sanay ako mag heels dahil sa uniform namin ay nakaheels naman kami lagi.

Ang alam ko ay nasa 5th floor ang TV's Lair kaya akoy dumeretso na rin sa elevator.

Pero bago yun ay iniscan ko muna ang ID ko for student identification..

Hindi ka din naman basta basta makakapasok kung di ka estudyante.

"Hey. Hey!"

Napalingon naman ako.

Si Maris iyon.

Ang cute cute nya. Paanoy maliit kasi kahit naka heels ito.

Nakadress naman ito na dilaw na mas lalong nagpalutang sa kapayatan nito.

Nagsalita ang hindi payat.

Ba't tingin ko ay ako lang ang hindi nakadress sa gathering na to?

"I know it's you. My God. You're so tall. Bat ka pa nag heels? Mas nagmuka akong dwende" Angal nito pero nakangiti naman.

"Hi Ms. Maris." Bati ko dito at nginitian sya.

"Ang pormal naman. Maris na lang!" She chuckled.

Sabay naman na kami pumasok nun ng elevator.

Nang nasa loob kami ay henead to foot ako ng Aling maliit.

Nakakaasiwa pero pinabayaan ko na lang.

"I wish I could have your height." She chuckled again.

"For sure you're going to steal the night.  Silly me! Ofcourse it's your night." Bawi naman nito.

Pagkabukas ng elevator ay naglakad kami kaunti at tumigil sa isang kwarto.

Iniscan naman ni Maris ang ID nya at kusa iyong bumukas.

Bumulaga sa amin ang napakagarang kwarto.

Ang laki ng spasyo nun.

At talagang pinaganda para sa gabing ito.

Alam ko namang madami dami din ang  myembro ang TV.

Mga humigit kumulang nasa 30 yata lahat.

Ang pinakamukha lang kasi ng Trusted Voices ay yung mga nasa audition.

At tama ang hinala ko.

Iba iba ang attire ng mga nanduan.

Parang casual lang.

Pasok na pasok ang attire ko ngayon.

Napansin ko din sa kwarto ang iba't ibang instrument na nakasabit sa mga pader bilang representasyon ng organisasyon.

May mga rounded tables and chairs din dun at ang karamihan ay nakaupo na sa kanya kanya nilang pwesto.

Sa tagiliran naman ay may buffet table.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon